Walang laban

64 3 3
                                    

"What is she doing at your place?"

"What?" gulat na sagot ni Joshua sa tanong ni Tristan.

Agad naman niyang nakuha ang sinasabi ng kaibigan nang makita niyang papasok ng gym niya si Kristina. Tinanguan lang siya ni Kristina saka ito dumiretso sa loob. Mabubugbog na naman punching bag nito, sa isip isip niya.

"Pare, it's not like I let anyone enter my place, remember dito lang sa baba ang gym," paglilinaw ni Joshua na parang nabunutan pa siya ng tinik sa dibdib.

"Kilala mo siya?" nag-aalangang tanong ni Tristan.

"Yes. But she doesn't know that we know each other," paliwanag ni Joshua.

"So all along -"

"Yes pare, all along. Pumunta ka na rito, it's your chance to talk to her."

"You know I can kill you for hiding this," naiinis na banta ni Tristan pero wala pa sa isip niya ngayon ang balikan si Joshua dahil sa paglilihim niya.

"I know but that's not the most important thing now, you know, you can always get back to me."

Naghahalo ang kaba at pananabik kay Joshua dahil ngayon pa lang niya makikitang magkasama si Kristina at Tristan. Kinakabahan siya dahil alam niyang malalagot siya kay Kristina, mas natatakot siya rito kaysa kay Tristan dahil alam niyang hindi naman talaga siya babalikan ni Tristan sa ginawa niyang paglilihim.

"Uh, Tristan, chill lang pare ha kasi matindi manapak 'tong asawa mo," paalala niya kay Tristan.

Binaba naman kaagad ni Tristan ang tawag at dali-daling bumaba ng sasakyan. Pagpasok niya sa gym ay si Joshua agad ang sumalubong sa kanya.

"Wait, pare," sabi pa nito na parang gusto siyang pigilan.

Hinaharangan aiya ni Joshua dahil gusto muna nitong ihanda ang kaibigan sa maaaring mangyari kapag binulaga niya si Kristina.

"What?" nakakunot na ang noo ni Tristan habang ang tingin ay diretso kay Kristina na kasalukuyang nagbabalot ng kamao.

"Pare, 'wag mong bibiglain, hindi niya alam na magkakilala tayo," pagpipigil pa rin ni Joshua.

"Like you didn't tell me that already," supladong sagot naman ni Tristan.

"Fine!" Binaba na ni Joshua ang magkabilang kamay niya bilang pagsuko.

Sa unang hakbang ni Tristan palapit ay suya namang pagtawag ni Kristina kay Joshua.

"Josh!" tawag ni Kristina. Kanina niya pa kasi napapnsin na parang may hinaharangan ito.

"Ano bang problema mo diyan?" tanong niya.

Unti-unting humarap si Joshua kay Kristina at nagsimulang humakbang ng maliliit na hakbang.

Mula sa hindi kalayuan, unti-unti nang nakita ni Kristina ang kanina pang kausap ni Joshua. Nang papalapit na sila ay saka niya nakilala na si Tristan ang nasa likuran ni Joshua.

"Uh, Tin," nag-aalangang tugon ni Joshua.

Tahimik lang si Kristina. Pinoproseso sa utak kung paanong nasa iisang lugar lang sila ni Tristan ngayon oagkalipas ng ilang araw.

"Someone wants to talk to you," maingat na pahayag ni Joshua.

"Cut that off, Josh, as if I don't have a tongue," iritable namang sabat ni Tristan.

Mabilis na naintindihan ni Kristina ang nangyayari lalo pa at mukhang malapit sa isa't isa si Joshua at Tristan. Tiningnan niya si Joshua, mukha itong nagmamakaawa, na ngayon oa lang parang nanghihingi na ng kapatawaran.

DeadendWhere stories live. Discover now