Freed

182 7 8
                                    

Isang oras nang hinihintay ni Kristina ang truck na magdadala sa mga goods na ipamimigay nila sa mga bata sa ampunan. Nakailang paumanhin na siya sa mga namamahala sa ampunan pero wala pa rin ni anino ng truck ang sumusulpot sa malawak na kalsadang malapit na niyang maipinta kahit nakapikit.

"What went wrong? 'Di ba nakasunod lang sila sa'tin kanina?" tanong niya sa driver nila.

"Yun nga din ang alam ko Ma'am e," sagot nito sa kanya.

"Na-contact mo na ba?" sunod na tanong niya.

"Hindi pa rin po Ma'am, e," ika nito.

Pinakiusapan niya ito na tawagan ulit bago pumasok muli sa loob ng bahay ampunan para humingi na naman ng paumanhin. Pagbalik niya sa labas nilapitan niya agad ang driver para sa impormasyon na ikinakulo ng dugo niya.

"Ma'am, nasa kabilang gift giving event daw po sila," anunsyo ng driver.

"Ha? May iba pa bang event? Ito lang 'yun ah," eksaheradang reaksyon niya.

"Biglaan daw po, e. Nagkaroon daw po kasi ng sunog sa isang orphanage na sinusuportahan din ng kumpanya, e mas mabilis daw po ang publicity kung uunahin yun kaysa dito," walang prenong paliwanag ng tauhan.

"Ano? Publicity? E, nauna 'tong naplano at naka-schedule, ah?" nakikipagtalo na siya sa taong hindi naman dapat makatanggap ng mga sentimiyento niya. Lalong kumulo ang dugo niya sa "publicity," naiinis siya sa kalakaran ng kumpanya, inuuna pa ang pagpapasikat at pagpapalapad papel kaysa sa mga batang halos mamuti na ang mata sa kahihintay.

"Sino daw ang pumunta sa sunog? May balak din yatang maging bumbero 'tong kumpanyang 'to e," napipikong tanong niya.

"Si Sir Tristan na lang daw po ang umasikaso," nagpanting ang tainga niya sa pangalang narinig. Kailan nga ba naging hindi kontrabida ang mga kaaway, nanggagalaiting tanong niya sa sarili.

"Magpapaalam lang ako sa kanila, kuya, tapos balik na tayo agad. Makapag-resign na nga," anunsyo niya na nagpatuliro sa driver.

Sa loob ng ampunan hindi mapigilan ni Kristina ang malungkot at magalit para sa mga batang umaasa sa konting tulong na maihahatid sana nila.

"'Wag kayong mag-alala, babalik kami dito. Nagkaroon lang kasi ng problema kaya hindi nakarating yung hinihintay natin. Promise, babalik ako," paliwanag niya.

Bakas sa mga mukha ng mga bata ang lungkot at hindi mapigilan ni Kristina na malungkot din para sa kanila. Mabilis siyang nakaalis sa lugar at pagtapak na pagtapak niya sa kumpanya nila, dali-dali niyang tinungo ang opisina ng daddy niya.

Hindi na siya nag-atubiling kumatok pa, diretsong pasok na lang siya.  Nadatnan niya ang daddy niya at si Tristan nag-uusap nang mahinahon. Alam niyang tungkol ito sa palabas na ginawa nila sa sunog kanina. Pagpasok niya nabaling ang tingin ng dalawa sa kanya.

"What brought you here, Kristina?" tanong ni Edgar sa kanya.

"I came to tell you that I'm leaving your company right after I walk out of this room," matapang niyang sagot habang si Tristan ay nanatili sa kinatatayuan na pinapanood ang eksena sa harapan niya.

"And Dad, I mean Sir, okay lang kung hindi niyo ko payagan o gawin niyo lahat ng puwede niyong gawin para hindi ako makaalis dito. I don't care anymore," pagpapatuloy niya.

Humakbang papalapit si Edgar kay Kristina habang nagtatanong, "What is it this time Kristina?"

"Hindi niyo alam?" panimula niya na ikinangisi niya pa. "Hindi niyo alam kasi wala kayo dun, hindi niyo nakita kung pa'no umaasa at malungkot 'yung mga bata sa punyetang truck ng supply na hindi dumating!" 

DeadendWhere stories live. Discover now