Unexpected care

114 5 0
                                    

Hindi makalimutan ni Tristan ang mukha ni Kristina nang lingunin siya nito.

Pulang pula at malungkot ang mga mata niya, namumula ang makinis niyang pisngi at ang matangos niyang ilong, nanunuyo ang mupupula niyang labi.

Paikut-ikot siya sa kama niya habang paulit-ulit na naaalala ang mukha ni Kristina. Gusto niyang yakaping muli ito at tulungang gumaan ang pakiramdam nito.

Hindi siya mapakali kaya bumangon siya, natagpuan na lang niya ang sarili sa sala, nagbabakasakaling naroon ang hinahanap.

Nabuhayan siya ng loob ng makitang nasa kusina si Kristina, pinanood niya muna ito mula sa sala.

Bumaba si Kristina para uminom ng gamot dahil nararamdaman na niyang sumasama ang pakiramdam niya dahil sa pagkabasa niya sa ulan at matagal pa bago siya nakapagpatuyo.

Nakaramdam narin siya ng gutom dahil hindi man lang siya nakakain sa dinaluhang party, nakakain sana siya kung hindi siya inalipusta ng ina ni Tristan.

Nagpakulo siya ng tubig at kumuha ng spicy cup noodles, gusto niyang mabawasan ang mga dinaramdam niyang sakit kaya naisipan niyang kumain ng comfort food niya.

Habang kumakain, mas lalong nagbabaga ang nararamdaman niyang init sa katawan, pakiramdam niya'y lalagnatin na siya. Hindi naman nagpahuli ang kinikimkim na sakit mula sa malamig na pagtrato sa kanya ng Daddy niya. Hindi na niya malaman kung naluluha ba siya dahil sa anghang ng kinakain o dahil sa lagnat at sakit na nararamdaman.

Maya-maya pa ay may dumamping palad sa noo niya, tumingala siya at nakita ang hindi inaasahang tao. Inagaw sa kanya ang kinakaing noodles ng walang pahintulot.

"May lagnat ka tapos ganitong klaseng pagkain ang kinakain mo," sermon nito.

Walang pakundangang itinapon ni Tristan ang inagaw na pagkain kay Kristina at mabilis na nagsalang ng mainit na tubig at naglabas ng chicken soup mixture.

"Hoy, akin yun!" nangingiyak na pagpalag ni Kristina.

"Umakyat ka na dun," utos ni Tristan na parang isang bata lang ang kausap.

Hindi iyon sinunod ni Kristina sa halip ay kumuha ulit siya ng panibagong cup noodles ngunit mabilis itong hinablot ni Tristan mula sa mga kamay niya.

"Hoy!" mahinang palag ni Kristina.

"Umupo ka na lang diyan at maghintay, kung ayaw mong umakyat," panibagong utos ni Trsitan. Naisip niyang huwag nalang paakyatin si Kristina dahil baka pagsaraduhan lamang siya nito ng pinto.

Hindi parin sumunod ni Kristina at pinilit paring bawiin kay Tristan ang paboritong pagkain ngunit binilangan lamang siya nito.

"Isa!" hindi pa rin tumigil si Kristina.

"Dalawa!" wala parin itong ginagawa.

"Tatlo!" mas malakas na ang boses ni Tristan sa pagkakataong iyon.

"Apat!" napahinga ng malalim si Kristina, wala na siyang lakas para makipagtalo pa sa lalaking kaharap kaya tinalikuran na lamang niya ito, dumiretso sa sala at doon nagmukmok.

Sampung minuto ang lumipas, naluto na ni Tristan ang soup na para kay Kristina, kumuha siya ng mga nahiwang orange sa ref at dinala sa sala kung saan nakaupo lang ng tahimik si Kristina. Hindi na niya pinigilan pa ang sarili na magmalasakit kay Kristina. Hindi man niya nakita ang sarili na magagawa niya ito sa babae sa tanang buhay niya ay pinagsawalang bahala niya na lang. Marahil dahil sa mga nalamang katotohanan sa naging buhay ni Kristina ang nag-udyok sa kanya para tratuhin siya ng mas maayos.

Tahimik na pinagmamasdan ni Kristina ang pinapanood, hindi siya nanonood gusto niya lang magkaroon ng kaunting destraksyon sa ginagawang pagmamalasakit sa kanya ni Tristan. Nagtataka siya bakit bigla-bigla nalang lumakas at bumilis 'yong tibok ng puso niya kaninang binibilangan siya nito kaya minabuti nalang niya na umalis at lumayo sandali sa kinaroroonan ng lalaki.

"Kainin mo 'yan, kukuha lang ako ng gamot," utos ni Tristan. Hindi siya sanay na may inaalagaan kaya hindi niya rin alam kung paano niya gagwin iyon kay Kristina.

Samantala hindi rin naman sanay si Kristina na may nag-aalaga sa kanya. Tuwing masama ang pakiramdam niya siya lang ang nag-aalaga sa sarili niya.

"Nakainom na 'ko," sabi niya.

"Uminom ka ng hindi pa kumakain?" tumango lang si Kristina na parang nag-aalangan din, alam niyang mali ang ginawa niya.

"Kainin mo 'to," inabutan ni Tristan ng isang hiwa ng orange si Kristina.

"Ako na, umupo ka nalang diyan, kaya ko namang kumain, tsaka hindi ako sanay na may gumagawa ng mga ganitong bagay sa'kin, sana hinayaan mo nalang na ako ang gumawa," hindi na napigilan ni Kristina ang bibig niya.

Sa sinabing iyon ni Tristan lalong tumindi ang kagustuhang asikasuhin ang asawa.

"Are you still cold?" tanong siya babae habang nililipat ang channel ng TV. Napansin niyang suot na naman ng babae ang palagi niyang sinusuot na jacket, isa iyong gray na jacket at may malaking naka-imprinta na pulang Silvestre sa harapan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan parang mas gusto niya kung apilyido niya ang nakalagay doon.

"Mm," mahinang sagot ni Kristina, sa halip na mas umayos ang pakiramdam parang habang tumatagal lumalala ang init sa loob ng katawan niya at ang panlalamig niya.

Napansin ni Tristan na lalong nanghihina si Kristina. Kaya ng matapos itong kumain ay inalalayan niya na ang babae paakyat sa kwarto niya.

"Namumutla ka," narinig ni Kristina na sambit ni Tristan, ito ang unang pagkakataon na pumasok ito sa kwarto niya.

Nawala bigla si Tristan. Nang akala ni Kristina na lumabas na ito ng kwarto niya ay bigla naman itong sumulpot mula sa banyo na may dala-dalang basang bimpo.

Pinahiran ni Tristan ang noo niya. Pumikit nalang siya dahil hindi na niya mapigilan ang antok at nanlalabo na ang paningin niya. Habang nakapikit, naririnig niya ang nagpupumiglas niyang puso.

Alas tres ng madaling araw nagising si Kristina dahil sa naramdamang init, hinubad na niya ang jacket niya at nagulat siya nang makitang nakahiga si Tristan sa sofa sa loob ng silid niya. May mainit na elemento ang dumampi sa puso niya at napangiti nalang siya.

Kumuha siya ng kumot at ipinatong sa katawan ng lalaking mahimbing na natutulog.

Napag-isip isip ni Kristina, hindi maaaring lumambot ang loob niya sa lalaking kinamumuhian niya kaya mabilis niyang isinantabi ang kilig na nararamdaman at pilit na ibinalik ang mga tumpok tumpok na dahilan ng galit niya dito.

Simula ngayon dapat gumawa siya ng paraan para hindi sila mauwi sa isang hindi inaasahang romansa, lalo na siya.

--

DeadendWhere stories live. Discover now