Talo na

126 3 1
                                    

Napapatitig na lang si Kristina sa mukha ni Tristan na seryoso at tila walang pakialam sa napakahigpit na ng pagkakahawak nito sa kamay niya.

Hindi na napigilan ni Kristina ang magtanong nang makalayo sila sa isang grupo ng mga investors na dumalo sa party ng idinaos sa bahay ng mga San Antonio.

Ang buong akala nila ay simpleng hapunan lang ng buong pamilya pero nagulat sila nang tumawag ang ina ni Tristan at sabihing pormal ang isuot nila.

"Bakit ba kanina mo pa hawak 'tong kamay ko? Ang sakit ah. Malapit ko na talagang isipin na tsinatsansingan mo 'ko," pinilit niyang bawiin ang kamay niya pero hindiniyon binitawan ni Tristan at ngumiti pa na paran nang-aasar.

"Let's go, ipapakilala pa kita sa iba," anyaya nito.

"Ayoko na, napapgod na 'ko, kakangiti sa kanila," pagtanggi ni Kristina.

"Last na 'to, after this we can eat and go home na," 'yung pagkakasabi ni Tristan sa mga katagang 'yun ay parang may mainit na dumampi sa dibdib niya na para bang ang sarap umoo nalang at magtiwala.

"Last na 'to ah, kapag hindi ka pa tumigil sa pagpapakilala sa'kin, tatamaan ka na talaga," banta niya.

"And what, you'll kiss me again?" Pilyong ganti ni Tristan.

Hindi na napigilan ni Kristina ang sarili at hinampas na niya si Tristan sa dibdib gamit ang kaliwang kamay. Tumawa lang ng mahina si Tristan pero halatang halata sa mukha niya ang pang-aasar kay Kristina.

"Napaka mo, San Antonio, e ikaw nga ayaw mo nang bitawan 'tong kamay ko."

Biglang nagseryoso si Tristan at sinabing, "I'm doing this on purpose."

Sa sinabing iyon ni Tristan, tila naglahong parang bula ang kanina pang nararamdaman ni Kristina na mumunting saya at napalitan ito ng nakakapanibagong kirot. Alam naman niyang palabas lang ang lahat ng ito at kahit man hindi sabihin ni Tristan na ginagawa niya iyon na may dahilan ay alam na niya.

Tumahimik nalang siya at hindi na sumagot pa. Hinayaan na lang niya ang saeili na magpatianod sa tinutungo ni Tristan.

Nagpunta sila sa kinatatayuan ng dalawang lalaki, halos kaedad lang nila ang mga 'yon pero nang malapitan nila ng husto ay nagpagtanto ni Kristina na mas matanda ang mga iyon sa kanila.

Pinagmasdan lang ni Kristina ang tatlo na magbatian, mukhang malapit sila sa isa't isa. Hawak parin ni Tristan ang kamay niya at napapailin nalang siya kapag nahihila siya nito tuwing makikipagkamay iyon sa mga kabatian niya.

"Kristina, I heard, you're a film director?" tanong ng isa.

"You heard it right," sagot naman ni Kristina, nawalan na talaga siya ng gana sa pakikipag-usap dahil narin sa huling sinabi ni Tristan. Parang hindi na niya kayang makipag-ngitian sa mga tao, parang gusto na lang niyang umuwi at matulog.

"So when will we see the movie?" tanong pa ng isa na balbas sarado at mukhang may itinatagong kagwapuhan kapag naalis ang nga buhok na 'yun sa mukha niya, pero, ganun parin wala na siyang ganang makipag-usap.

"Soon, don't ask me which movie, you might just get disappointed," a-matter-of-fact niyang pahayag.

Marami pang itinanong ang dalawa at sinagot nalang ni Kristina ang mga iyon dahil gusto na niyang matapos ang gabi.

Hinila niya ang kamay ni Tristan bilang pahiwatig na may gusto siyang sabihin habang ang dalawang lalaki sa harapan nila ay tuwang tuwa paring nag-uusap.

Tiningnan naman siya ni Tristan at hinintay na magsalita ito. Ibinaling ni Kristina ang ulo bilang pagsabi ng "tara na," seryoso parin siya.

Laking pasasalamat naman ni Kristina at naintindihan iyon ni Tristan at agad namang nagpaalam ito sa dalawa. Nagpaalam narin si Kristina at biniro pa siya na panonoorin parin nila ang pelikula niya kahit na madismaya sila.

"Bahala kayo, pera niyo naman 'yan e," kumento ni Kristina at habang sinasabi niya iyon ay hinawi ni Tristan ang buhok niyang tumatakip na sa mukha niya. Nagulat si Kristina sa kilos na 'yun ni Tristan, biglang kumalabog ang puso niya, hindi na niya alam kung bakit sa ganoong simpleng kilos niya lang ay naapektuhan na siya.

Nauna na siya na maglakad, sa pagkakataong iyon ay nakawala na siya sa pagkakahawak ni Tristan. Natatakot na siya sa nararamdaman niya. Natatakot na siya sa mga maaari pa niyang maramdaman tuwing malapit sa kanya si Tristan.

Nagulat na naman siya nang maramdaman niya ang kamay ni Tristan sa baywang niya na para bang nagdedeklara sa lahat ng tao sa lugar na iyon na pagmamay-ari siya nito.

"Bakit?" tanong ni Tristan sa kanya. Kanina pa napapansin ni Tristan na parang hindi na maganda ang pakiramdam niya at bigla naman aiyang nakunsensiya dahil wala pang halos pahinga si Kristina.

"Parang ang sakit na e," wala sa sariling sagot ni Kristina. Nang matauhan ay dinugtungan niya ang naunang sinabi,"parang ang sakit na ng ulo ko."

******

"Tin mukhang bugbog sarado na 'yang punching bag namin, papalitan mo ba 'yan kapag nasira?" pabirong tanong ni Joshua kay Kristina. Kanina niya pa kasi ito pinanonood at parang galit sa mundo kung pagsusuntukin ang punching bag.

Hindi lang siya pinansin nito sa halip ay mas pinalakas niya pa ang mga patama roon.

Hindi maintindihan ni Kristina ang nangyayari sa kanya para bang gusto niying saktan ng saktan ang punching bag para mapunta sa mga kamao niya ang mga sakit para wala na siyang maramdaman, para ang sakit sa kamao nalang ang maramdaman niya at hindi ang sakit na nagmumula sa sibdib niya.

Hindi na nakapagpigil si Joshua, lumapit na siya kay Kristina ay hinarang ang pagsuntok ni Kristina.

"What's wrong with you?" tanong niya pero binigyan lang siya ng blangkong tingin ni Kristina.

"Tigilan mo na 'tong punching bag namin, hindi na niya kinakaya yang mga suntok mo, lasing ka ba?" tanong niya ulit.

"Hindi, tabi diyan!" matigas na utos niya sa kanya.

"Alam ko may problema, c'mon pag-usapan natin, hindi ka naman masasagot nitong punching bag kapag sa kanya mo binuhos 'yan e," pangungumbinsi niya sa matigas paring tumingin na si Kristina.

Matagal lang na tinitigan ni Kristina si Joshua hanggang sa bumigay siya at ibinaling ang tingin sa kanan habang umiiling. Iling na para sa sarili.

"Talo na yata ako," matalinhaga niyang bunyag.

DeadendWhere stories live. Discover now