Pautang

122 4 0
                                    

Mabilis na natapos ni Kristina ang pagligo at pagbibihis, lumabas siya kaagad sa kwarto niya para isauli ang cellphone ni Tristan. Ngingiti-ngiti niyang inabot iyon kay Tristan dahil sa nakikinikinita na niya ang magiging reaksyon ni Tristan kapag nadiskubre niya ang ginawa niya sa cellphone nito.

"Salamat," wika ni Kristina. Agad namang binulsa ni Tristan ang cellphone saka lamang napansin ni Kristina na may emergency lamp nang nakapatong sa coffee table sa veranda.

Ilang minuto din silang tahimik na nakatayo. Napag-isip-isip narin ni Kristina na humingi ng tulong kay Tristan, handa na niyang lunukin ang pride niya matapos ang ilang gabing pagtitimbang sa sitwasyon niya. Naisip niya rin na baka ito na ang pagkakataon niyang makiusap kay Tristan. Umupo siya sa upuan malapit sa coffee table para nakaharap na siya kay Tristan.

"San Antonio," kaswal na tawag ni Kristina kay Tristan, sa tuwing tinatawag ni Kristina ng gano'n si Tristan, napapailing at napapangiti nalang sa isipan ang lalaki dahil mukhang nakakalimutan yata ni Kristina na San Antonio narin ang apelyido niya ngayon. Tumingin siya sa kinauupuan ni Kristina.

"Alam mong ayaw na ayaw ko sa'yo 'di ba?" pagpapatuloy ni Kristina, hindi dapat ito ang lalabas sa bibig niya pero hindi niya talaga maatim na magmakaawa kay Tristan.

Naningkit naman ang mga mata ni Tristan sa narinig ngunit bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Kristina.

"Kaya lalong matutuwa ang ego mo kapag nanghingi ako sa'yo ng tulong," mas lalong naguluhan si Tristan sa inaasta ng babae.

"Are you making fun of me?" hindi napigilang ganti ni Tristan.

"Hindi na 'ko magpapaliguy-ligoy pa, kailangan ko ng pera, pwede mo ba akong pautangin?" bakas sa boses ni Kristina ang nahihiyang pagmamakaawa na ikinangiti naman ni Tristan. Hindi niya inakalang iyon ang pakay ni Kristina.

"What makes you think that I would say yes?" pamimikon na tanong ni Tristan sa babaeng mukha ng sasabog sa pagpapakababa sa pinakaayaw niyang tao sa buhay niya.

"Dahil mas masasatisfy ka kapag ang taong pinakaayaw mo ay nagpakababa sa'yo," napangisi siya sa kakaibang punto ni Kristina. Hindi nagkakamali si Kristina, mas lalong gumanda ang pakiramdam ni Tristan nang makitang hindi mapalagay ang babae sa mga salitang binibitawan niya. Para narin siyang nakararanas ng public humilation.

"How can you pay me?"

"Pumapayag ka na? Pauutangin mo na ako?"

"Did I say yes? Wala pa nga akong assurance na mababayaran mo ako kapag pinautang kita."

"Babayaran kita, ayoko namang magkautang na loob sa'yo 'no!" naiiritang tugon ni Kristina.

"Bayaran mo man o hindi, magkakautang ka na ng loob sa'kin," pilyong banta ni Tristan.

"Alam mo kaya ayoko sa'yo kasi napakayabang mo, feeling mo kontrolado at alam mo lahat, napakaarogante mo pa. Ang taas din ng tingin mo sa sarili mo kaya hilig mong mangmaliit ng tao," marahan at mahinahong kritisismo ni Kristina.

Lalo namang nalito si Tristan sa inaasal ng babae, kanina lang humihingi siya ng tulong, ngayon naman hinuhusgahan na siya na parang iyon ang pinakanormal na dapat gawin sa taong hinihingan mo ng tulong.

"So you love me for who I am kaya ka pumayag na magpakasal sa'kin?" balak paring pikunin ni Tristan si Kristina.

"Hindi ko ginustong malagay sa posisyong 'to lalong hindi ko 'to pinangarap," seryosong bitaw ni Kristina at umiwas ng tingin sa kinatatayuan ng lalaki. Agad namang napansin ni Tristan ang pagbabago ng tono at timpla ni Kristina.

"So did I," sagot ni Tristan. "Marrying someone like you is the least thing I wanted to do," pagpapatuloy niya.

Tumahimik silang dalawa matapos ang mga linyang binitawan nila.

DeadendWhere stories live. Discover now