Block screening

90 3 0
                                    

Hindi naman natatakot si Tristan kapag nakakarinig siya ng ganoong kumpisal sa mga babaeng nakilala niya na noon. Sa totoo lang ay sanay na nga siya sa gano'n, ipinapagpag na lang niya madalas at kung minsan naman ay pinagsasawalang bahala na lamang niya.

Pero 'yung narinig niya kay Kristina kagabi, ni hindi niya kayang kalimutan. Paulit-ulit niya iyong naririnig. Parang sirang plaka. Parang alarmang hindi matigil-tigil.

Lalong hindi niya kayang makalimutan ang bawat salita at kung paano niya iyon binitawan nang makita niya si Kristina kaninang umaga na parang walang nangyari. Suspetsa niya ay hindi namalayan ni Kristina na nasabi niya 'yon.

Kanina papasok sa opisina ay nabitawan niya pa ang kapeng hawak niya dahil sa pagkatuliro. Napamura na lang siya ng malutong.

--

Sabik na sabik na niyakap ni Jazz si Kristina nang makita niya ito sa kusina pagkagising.

"Tita Tin, you're back? Where have you been? Bakit an-tagal mo nawala?" usisa ng bata.

Muntik namang matapon ni Kristina ang lamang kape ng tasa niya nang yakapin siya nang mahigpit ni Jazz.

"Dahan dahan naman," suway niya rito.

"Pareho kayo ng tito mo, masyadong matanong," dagdag niya.

"What?" nagtatakang tanong naman ni Jazz. May mga hindi pa rin talaga siya maintindihan na salita.

"Wala. I've been to Cagayan. It was really beautiful there. Alam mo ba ang lamig sa hapon hanggang madaling araw. Ang ganda ng dagat, walang binatbat ang Boracay, ang daming pagkain, ang babait ng tao, saka ang peaceful doon," masiglang kuwento niya sa halos nakanganga nang si Jazz na pilit iniintindi ang mga sinabi niya.

May mga ikukuwento pa sana si Kristina kay Jazz pero biglang tumunog ang telepono niya. Mensahe iyon galing sa kuya Gio niya, inuutusan siyang dumalo sa isang piging na gaganapin sa tahanan nila Noah, siya raw ang magiging kinatawan ng kumpanya nila, si Gio sana ang pupunta ngunit hindi siya puwede dahil may out-of-town siya sa araw na 'yon.

Habang tinitimbang niya ang natanggap na utos ay bigla na namang tumunog ang telepono niya, sa pagkakataong iyon ay tawag na ang natanggap niya. Sinagot niya naman ito agad sa pag-aakalang ang kuya Gio niya iyon.

"Kuya naman! Bakit ako pa?" reklamo niya pero natigilan siya nang ibang boses ang nasa kabilang linya.

"Anong sinasabi mo?" sabi nito. Nang tingnan niya ang nakarehistrong pangalan ay si Tristan pala iyon.

"Ah, wala, akala ko..."

"Where are you?" sabat naman agad ni Tristan.

"Nasa bahay, bakit?"

"Magbihis ka, dadaanan kita, I'll be there in 10 minutes," utos no Tristan. Bahagya namang napasilip si Kristina sa relo nito.

"Bakit? Ang aga aga pa ah. May iuutos ka ba?"

"Oo. Ang tagal mong nagbakasyon e," katwiran ng isa.

"Oh e, ano ngayon? Saan tayo pupunta?"

"Nandito na 'ko, pakibuksan yung gate."

"Ang OA! Sabi mo 10 minutes?"

"I decided to stay outside for only 10 minutes," nakangisi namang dahilan ni Tristan.

"Inaka, buksan mo mag-isa mo 'yang gate, magbibihis na 'ko."

--

"Bakit tayo nandito?" Paulit ulit na tanong ni Kristina simula pa kaninang pagdating nila. Puro kibit-balikat lang naman ang nakukuha niyang sagot mula kay Tristan.

DeadendWhere stories live. Discover now