2006

153 7 3
                                    

2006

"Tristan, you have to come with me tonight, 18th birthday ng nag-iisang babae sa pamilya ng Silvestre," paalala at mistulang pamimilit na rin ni Sylvia sa anak na simula nang mag-umpisang magtrabaho ay nagkasya na lamang sa tira-tirang oras ni Tristan.

"Ma, hindi kami close and I never saw her," tanggi ni Tristan habang kaharap ang kanyang ina sa mahaba nilang hapag kainan.

"That's a lie, she's always there during those random dinner with the Silvestres," ani Sylvia.

"Ma, we never met. It's either I'm out or she is. Not that I care but I'm not interested. 'Tsaka may lakad ako mamaya. Kay Dad ka na lang magpasama," sa pagkakataong ito nakaharap na siya kay sa ina na puno ng pagsusumamo.

"If you tell me you'll go dating, okay I'll let this pass but if not you have no choice but to come with me," ganti ng ina.

"Ma, you know that I don't date," bumalik ang atensiyon ni Tristan sa almusal.

"Yeah right son, you're a martyr," bitaw ni Sylvia.

"I'd rather be, Ma."

"I love you son," maya maya ay pahayag ng ina.

"Is that supposed to convince me?"

"I'm not sure," nakangiting sagot ni Sylvia.

"I love you too, Ma," nilapitan niya ang Mama niya at hinalikan ito sa ulo bago niya nilisan ang dining room.

--

"Erika, sorry kailangan ko nang umuwi. Birthday ko ngayon, lagot ako nito sa'min. I-email ko na lang sa'yo lahat ng paperworks. Sorry talaga," pakiusap ni Kristina sa ka-grupo.

"Okay lang Tin, happy birthday! Enjoy ha? Sige na bilisan mo," anito.

Niyakap niya si Erika at nagmadaling pumara ng tricycle sa labas ng unibersidad papunta sa LRT.

Sinunod ni Kristina ang gusto niya at hindi nga siya nakatanggap ng kahit na ano mang tulong galing sa Daddy niya kasama na dito ang buong pamilya niya. Madalas palihim siyang binibigyan ng Mommy niya ng pangmatrikula. Laking pasasalamat niya at hindi iyon nakakarating sa Daddy niya.

Minabuti  niyang tanggapin ang sitwasyon niya ngayon, kung tutuusin gusto niya rin ng ganitong buhay. Malayo sa katanyagan at sa karangyaan. Kahit kailan hindi niya ginustong mapunta sa kanya ang atensyon kaya malaking tulong sa kanya ang pag-aaral sa isang State University at panatilihin ang pagiging low profile niya. Ganito lang naman kasimple ang gusto niya, ang mapag-aralan ang gusto niya, maabot niya ang pangarap niya sa mahirap at tamang paraan.

Working student si Kristina, hinayaan naman siya ng Daddy niya na maging waitress at dishwasher sa ilan sa mga restaurant nila, pinapasahod naman siya at doon niya kinukuha ang pambayad niya para sa pag-aaral niya. Hindi na niya sagot ang pagkain at tirahan dahil sa bahay pa rin naman nila siya nakatira.

Dumiretso siya sa isang hotel nila sa Makati dahil doon gaganapin ang party niya. Hindi siya sang-ayon sa magarbong selebrasyon pero iyon ang gusto ng pamilya nila para sa kanya. Naisip niya nga na sana ibinigay na lang nila 'yong perang gagastusin sa kanya para magamit niyang pang-enrol sa susunod na semester.

Sa rooftop ng hotel ang eksaktong lokasyon. Magandang tanawin ang kalangitan sa gabing iyon. Maraming tao at laking pasasalamat niya na walang mga press para hindi malaman ng mga kaklase niya isa siyang Silvestre, 'yung mayaman na Silvestre.

Nagsuot siya ng cocktail dress na kulay pula at itim na de takong na sapatos. Hinayaan na lang niyang ayusan siya ng mga inarkila ng Mommy niya. Nang matapos na at kailangan na niyang magpakita sa lahat bumulong siya sa ilalim ng hininga niya.

"Tonight, I'll be the rich Kristina Silvestre," bumuntong hininga siya at hinarap ang maingay na gabi.

--

DeadendWhere stories live. Discover now