Isa lang

140 5 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan, maraming nagbago. Hindi maintindihan ni Kristina kung bakit tila kaibigan na ang turing ni Tristan sa kanya. Madalas pa rin naman silang magtalo pero hindi na katulad ng dati na kulang nalang ay isumpa na nila ang isa't isa.

Isang gabi nang magkasagutan sila dahil sa naungkat na naman ang mga inasta ni Kristina noong makita niya ulit si Noah ay walang humpay siyang kinakatok ni Tristan sa kwarto niya. Ayaw na kasi sana niyang pag-usapan pa ang tungkol doon pero mapilit si Tristan kaya tinalikuran na lamang niya ito at dumiretso sa taas.

Kinabukasan, ipinagluto siya ni Tristan, siya pa mismo ang naghatid sa kanya sa shooting location niya sa araw na 'yon.

Isang beses pa ay isinama siya ni Tristan sa dinner meeting niya sa isang investor at ipinakilala siya bilang asawa niya. Noong gabing iyon ay panay ang alalay niya sa kanya, hahapitin sa baywang, hahawakan ng mahigpit ang kamay at sa huli'y hahalikan siya sa ulo.

Halos hindi siya makaramdam ng kakumportablehan sa gabing iyon pero tiniis na lang niya. Hindi na rin naman naulit ang ganoong 'intimacy' sa pagitan nila. Naisip na lang niya na kaya naging ganoon ang mga asta ni Tristan dahil kaharap ang mga investor, katulad ng laging ginagawa ng daddy niya - dinadala ang pamilya sa meeting para makadagdag ng engganyong mag-invest ang negosyanteng kausap nila.

Nagugulat na lamang siya tuwing magku-kuwento na ng tungkol sa trabaho at problema sa opisina si Tristan sa kanya. At matatapos ang gabi sa mga salita niya na "matatapos din 'yan, 'yan lang ba. Kaya mo 'yan!"

Ni minsan, tuwing silang dalawa na lang, ay hindi pa rin siya tinatawag ni Tristan sa pangalan niya. Siya naman mukhang wala na lang sa kanya na tawagin niya ito sa pangalan niya.

Ngunit sa tuwing napag-iisa si Kristina at tinitingnan niya mula sa malayo si Tristan, alam niyang gustung-gusto na nitong makaalis sa sitwasyon niya, na kaya lamang niya nagagawang makipag-usap at pakisamahan si Kristina ay dahil hindi niya na kakayanin na mas maging miserable pa ang araw araw niyang paninirahan kasama nito. Kaysa makipag-away pinili niyang makipagkaibigan nalang. Batid ni Kristina na hanggang ngayon, 'yung pader na ipinundar niya sa pagitan nila noon pa mang magkatrabaho palang sila ay matayog paring nakatayo. Hindi na maiwasang manikip ang dibdib ni Kristina dahil baka nga magmahal siya ng mali, sa pangalawang pagkakataon.

"Ang lalim yata ng iniisip mo?" puna sa kanya ni Tristan. Nasa harapan niya na pala ito, hindi man lang niya namalayan.

"Pagod lang," sagot niya habang naka-indian seat siya sa mataas na upuan nila sa marmol na island nila sa kusina habang nagkakape.

"How's work?" tanong ni Tristan. Isa ito sa mga pagkakataong hindi parin makasanayan ni Kristina kahit pa madalas narin siyang tanungin ni Tristan tungkol sa trabaho niya.

Iniwas niya ang tingin niya dito sa halip ay ibinaling sa ang pansin sa tasa ng kapeng hawak hawak niya at saka nagsimulang magkuwento.

"Ayos lang naman, nakakapagod siyempre, bukas final shooting day na namin," paliwanag niya.

"Hindi ba mahirap?"

"Lahat naman ng trabaho mahirap, pero masaya naman sa set e, marami kang matutunang bago. Pero kumpara sa trabaho ko sa kumpanya dati, malayong mas madali ngayon at masaya."

Natigilan siya sa pagkakatitig sa kanya ni Tristan matapos niya sabihin ang huli niyang sinabi. Seryoso iyon at parang may halong tamlay. Nagtanong siya sa sarili, para saan naman kaya ang tinging iyon ni Tristan?

"Bakit?" wala sa wisyo niyang tanong kay Tristan.

Umiling siya at binaling ang tingin sa kanan saka umaktong nagkakamot ng noo gamit ang hinlalaki, "wala," sagot niya. "Matulog ka na kaya," dagdag niya. Mas tunog utos 'yon kaysa tanong.

DeadendWhere stories live. Discover now