Exclusivity

82 2 0
                                    

"You're in for a date, love," masayang anunsyo ni Tristan. Hindi naman nakalusot kay Kristina ang iba't ibang tawag sa kanya nito.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari, natagpuan na lang ni Kristina ang sarili sa loob ng sasakyan ni Tristan.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya kay Tristan na daig pa ang nag-aaral magmaneho sa bagal.

"I think someone's excited," alaska nito na sinuklian niya ng irap. Hindi niya akalaing may ganoong ugali si Tristan.

"Maghahatid ba tayo ng patay sa sementeryo sa bagal mo?" naiinis na niyang puna.

"Chill, babe, makakarating din tayo. Binabagalan ko lang para masulit ko 'to.

"Can you, ugh, stop!" halos pasigaw na iyon.

"I can't stop, and never stop, ever," pagmamatigas ni Tristan.

Kaysa mamatay sa inis, nagpatugtog na lang si Kristina at nanahimik. Ayaw na niyang patulan si Tristan dahil hindi niya ito kayang talunin kapag nang-aalaska na.

Wala pang isang oras ay narating nila ang isang pamilyar na lugar. Matagal nang hindi nagagawi roon si Kristina. Hindi niya mapigilang pagmasdan ang buong lugar dahil isa iyon sa mga takbuhan niya noon kapag naiinis kay Tristan.

"Trist -- Tin?" bati sa kanila ni Joshua na hindi maitago ang gulat.

"Josh," nakangiting bati ni Kristina.

"Why do I feel like you're happier to see him than me," kunwa'y nagtatampong kumento ni Tristan.

"Was I even happy seeing you?" patutsada ni Kristina na umani ng malakas na "boom" mula kay Joshua.

Nasapak na lang ni Tristan ang balikat ni Joshua na hindi inalintana ng huli.

"Simula no'ng nawala ka, sexy, naging payapa 'tong mga punching bags namin," ani Joshua.

"Don't call her that," sabat naman ni Tristan.

"Why? Hindi mo pa alam na magkakilala kami,'yan na ang tawag ko sa kanya," depensa ni Joshua.

"Nga pala, why did you not tell me na magkakilala kayo?" biglang pagseseryoso ni Tristan habang hinahalungkat ang duffel bag niya na hindi man lang napansin ni Kristina na dala pala niya paglabas ng sasakyan.

"Because I was enjoying her company, pare. Because somebody told me that she was not interesting at all," tatawa tawa pang asar ni Joshua.

"That was before, iba na ngayon," depensa ni Tristan sa sarili na nagpaikot sa tiyan ni Kristina.

"So, umalis ka na nga, do your routines at magkukuwentuhan muna kami nitong asawa mo, oh ayan ha, at least I acknowledge that part," hindi pa rin tumitigil si Joshua sa pang-aasar.

"No, sparring tayo. I won't give you that chance, Josh," nakangising ganti ni Tristan.

"KJ!" iyon na lang ang naisagot ni Joshua.

"We'll talk later, Tin, patutumbahin ko lang 'tong gagong 'to," paalam niya kay Kristina.

Naiwan naman si Tristan doon habang naghahanda ang kaibigan para sa sparring nila.

"Bakit kailangan mo pa akong isama?" parang naiinip na tanong ni Kristina.

"I'll tell you once we go home," sagot ni Tristan.

"Lagi ka ba dito?" tanong muli ni Kristina.

"Oo, lagi 'yan dito, kahit noon pa. Nakakatawa lang magkaiba kayo ng schedule," sabat ni Joshua. Napatingin na lang si Kristina kay Tristan hanggang sa dumako ang tingin niya sa hindi maayos na pagkakabalot ng kamay nito.

DeadendWhere stories live. Discover now