Betrayed

110 4 0
                                    

Naiwang mag-isa si Kristina na nakasandal pa rin sa sasakyan niya. Bumalik ang pagbagsak ng mga luha niya. Napapangisi nalang siya.

Ganito dapat ang eksena noon, anim na taon na ang nakararaan kung nagpaalam lang sila ng maayos sa isa't isa. Nasasaktan parin si Kristina at sa loob ng maraming taon, ngayon niya lang hindi kinayang itago iyon. Minahal niya si Noah na para bang siya na hanggang sa huli ngunit nagbago ang lahat dahil sinubukan sila ng realidad at nagtagumpay ito. Masakit dahil ngayon, alam niyang hindi na ulit babalik ang dati. Hindi na maaaring maging parang silang dalawa lang ang tao sa mundo.

Iba na ang nangingibabaw na sakit ngayon kay Kristina, 'yon ay ang sakit na idinulot ng daddy niya.

Ngayong nakita na niya si Noah ay kaya na niyang sabihin sa sariling kaya na niya ng siya lang kahit wala na si Noah sa tabi niya.

Ngunit hindi niya paring lubos na matanggap ang lahat. Lahat lahat.

Samantala, nakita ni Tristan ang buong pangyayari. Gusto niyang magalit sa nasaksihang pagyakap ni Kristina kay Noah. Wala siyang alam. Hindi niya alam kung may nakaraan ba silang dalawa ngunit sapat na ang nakita niya para sabihing tama ang hinala niya. Simula pa kaninang tinititigan ni Kristina si Noah hanggang sa pag-iyak niya sa harapan ni Noah. Gusto niyang kaladkarin papasok si Kristina dahil sa inaasal niya pero pinangunahan siya ng pagiging bato niya.

"Damn it, ano bang pakialam ko!" paggising niya sa sarili niya. Pumasok nalang siya sa loob at hinintay ang dalawa. Gumawa nalang siya ng dahilan sa mga magulang nila.

Bumalik na si Noah sa loob ngunit wala parin si Kristina. May namumuo nang pag-aalala sa mga mukha nina Gio, Gab, at Miranda. Samantalang ang natitirang apat na lalaki ay seryosong nag-uusap tungkol parin sa negosyo.

Pagbalik ni Kristina ay hindi na ito umupo, sa halip kinuha niya ang naiwang bag niya at nagpaalam sa katabi niyang si Gio at sa Mommy nito. Ikinagulat ni Tristan nang tumayo si Noah, pinagmasdan niya lamang ang mga galaw nito.

"Sorry Dad, Tito, kuya," bumaling siya kay Gab, "I need to go," paalam niya.

"Tin," tawag naman ng nakatayo nang si Noah. Lumapit si Kristina dito at iniabot ang kanang kamay.

"Congratulations Noah, you made it," nagpakawala siya ng pilit na ngiti na may halong galit at sakit sa mga mata niya, pero bakas ang panghihinayang doon.

Tinitigan lang siya ni Noah na may malulungkot na mata. Matagal silang hindi bumitaw.

Nang maramdaman ni Kristina na may namumuo nang luha sa mga mata niya ay kumawala siya sa pagkakahawak kay Noah.

Hindi naman maipinta ang mga mukha ng mga nakaupo nilang kasama. Alam ng pamilya ni Kristina na nasasaktan parin siya, ngunit hindi nila ito kayang lunasin.

Umiwas nalang ng tingin si Tristan at napailing sa inaasal ni Kristina ngunit muli niyang naibaling ang atensyon kay Kristina nang magsalita ulit ito at nakaharap na sa Daddy niya.

"Why do you have to end the rivalry Dad? Hahayaan mong makapasok ang taga-ibang bakuran sa hardin natin? Nasan na yung pinaninindigan mo Dad? Nawala na ba? Binura na ba ng panahon? Wrong move Dad, wrong move," nasa tono ng pananalita ni Kristina ang hinanakit. Sa loob ng maraming taon, nagkaroon narin siya ng lakas ng loob na sumbatan ang Daddy niya. Pakiramdam niya dinaya siya sa larong sinalihan niya na nilaro niya ng patas.

"Kristina," mahinang saway ng mommy niya at umiling ito sa kanya bilang pagsasabing huwag na siyang magsalita.

"No, Ma, business minded tayo dito 'di ba? Personalan dapat para lang sa pera. Pero hindi ko akalaing pati pala pride naitataya din sa negosyo."

DeadendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang