Mahal mo ba ako?

126 4 9
                                    

Nakatulala, hindi alam kung anong mararamdaman. Sinisipat ang bawat parte ng mukha pati ng katawan. Ineeksamin kung may nagbago ba pero kahit pa may magbago hindi naman na kayang pigilan pa ni Kristina ang pagbabagong hindi na niya makontrol. Alam niya, ramdam na ramdam na niyang hulog na hulog na siya kay Tristan.

Pagkatapos nilang magtalik ng pangalawang beses sa kagabi at nang masigurong malalim na ang tulog ni Tristan ay nag-eskapo na siya papunta sa kwarto niya.

Madaling araw palang pero hindi na siya makatulog kaya naman minabuti niyang mag-ayos na at kahit madilim pa ay tinungo niya ang sasakyan,nagmaneho hanggang makarating siya lugar na kung saan tahimik at tanaw na tanaw ang mga ilaw sa syudad.

Umupo siya sa likuran ng pick-up niya at malamlam na tiningnan ang tanawin. Hindi niya namalayang lumuluha na pala siya sa hindi tukoy - kung dahil nahulog na siya at alam niyang wala siyang makukuhang kapalit o dahil naisahan siya ng sarili niya - na dahilan.

Nang unti unti nang magliwanag nagpsya siyang umuwi na at pagkatapos ay dumiretso nalang sa academy para naman makalimot siya. Oo. Gusto niyang kalimutan na nahulog na siya ng tuluyan dahil baka sakaling kapag nagawa niya iyon ay makalimutan niya rin itong mahalin.

"Where have you been?" unang salita palang ni Tristan binalot na siya ng kakaibang kaba at sakit. Sinikap niyang maging normal lang ang lahat. Sinikap niyang huwag ipakita na naaapektuhan siya. Sinikap niya at simula ngayon iyon na ang gagawin niya.

"Diyan lang," sagot niya matapos niya itong titigan ng ilang segundo saka niya ito nilagpasan na para bang walang nangyari sa kanilang dalawa kagabi.

"Diyan lang? Care to tell me kung saan 'yung diyan lang?"

"Rizal."

Napahilamos ng mukha si Tristan dahil alam niyang may kakaiba sa tono ni Kristina, tonong hindi niya mahanapan ng kahulugan. Tonong biglang ikinabahal niya.

"What happened to you?" tanong niya at umasang makuha ni Kristina kung para saan talaga ang tanong na 'yon.

"Tanong ko rin 'yan sa sarili.Magbe-breakfast ka ba?" malamig na sagot niya.

"Can we talk about -"

"Aalis ako may re-shoot kami, hindi ko pa alam kung sa'n ang location."

Pagkasabi niya no'n ay mabilis na hinablot ni Tristan ang siko ni Kristina para paharapin ito sa kanya, para makita niya mismo sa mga mata niya kung ano'ng nararamdaman niya.

"Okay ka lang ba?" Hindi siya okay, iyon ang sabi ng mga mata niya.

Hindi siya nito sinagot. Tiningnan lamang siya nito na para bang siya rin ay naghahanap ng mga sagot sa mata niya.

"What's wrong, Tin?"

Hindi malaman ni Kristina kung paniniwalaan niya ba ang nakikita niya - mga tinging nagsusumamo.

Huminga siya ng malalim. Ipinagpag ang kamay ni Tristan na nakahawak sa kanya at saka ngabitiw ng "okay lang ako," at tumalikod.

Hindi inasahan ni Kristina na mahihila pa siya ni Tristan. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at bahagya siyang iniyugyog at ihinarap muli siya sa kanya.

"Tin, let's talk. What's wrong with you? Nawala ka nalang bigla and here you are acting weird."

"Weird? Ano ba sa tingin mong nangyayari? Hindi ba weird na rin naman 'to?"

Weird, kasi pakiramdam ko hindi na lang basta urge 'yung nangyari kagabi. Weird, kasi naramdaman kong iba na 'yung pinagsaluhan natin, hindi nalang basta libog. Weird kasi, pakiramdam ko, may naramdaman ka rin.

"It was just a sex, Tin. And sorry for making you feel like however you feel right now. When I woke up and you weren't on my side, siyempre nag-alala ako. And then suddenly you walked in front me showing me that something is wrong and something shouldn't happened, that something had suddenly deleted in your memory -"

Hindi na naintindihan ni Kristina lahat ng sinabi ni Tristan. Tumigil siya sa pagtanggap ng mga litanya nito nang marinig na sex nga lang iyon.

Tama ako, sabi niya sarili. Walang ibig sabihin ang lahat. Ako lang 'tong nagbibigay ng kulay at halaga sa mga nangyayari sa'min.

"Hindi ba dapat naniwala ka na kanina no'ng sinabi kong okay lang ako? Hindi mo na kailangang magpaliwanag kasi naiintindihan ko. Maliwanag na maliwanag," bitaw ni Kristina.

Habang naglalakad siya papalayo kay Tristan ay unti-unti binabarena na ang dibdib niya.

"Tin, you didn't get me, do you?" pahabol ni Tristan.

"I did, Tristan."

"You have to listen first, it's not like I just wanted that to happen because I was in need."

"Bakit, Tristan, hindi ba?" nakangising hinarap niya si Tristan kahit pa mapait narin sa sarili niyang panrinig ang mga binitwan niya.

"I respect you, you know that. I wouldn't take advantage on you just because I just want to. We've been rivals for a long time that I never even thought that something might happen between us. Pero katulad mo, nagtatanong rin ako."

Sa mga salitang iyon ni Tristan ay umasa si Kristina. Umasa na sana mahal rin siya nito.

"Isa lang naman ang sasagot sa mga tanong natin Tristan e. Mahal mo ba 'ko?"

Masyado mang maaga para isampal niya sa sarili niya ang katotohanan pero kung ito ang gagamot sa namumuong sugat sa dibdib niya ay gagawin na niya. Hindi bale nang hilaw pa ang importante maagapan na.

Pinigil niya ang hininga niya hanggang sa sumagot si Tristan.

"Tin," malamlam na sagot nito.

"And that answers everything, Tristan," pigil na pigil ang luha ni Kristina habang hinahanap sa mga mata ni Tristan na baka meron naman kahit kaunti, na baka natatakot lang din siya kagay niya, pero wala. Kahit pa hindi nito direktang sinabi na hindi, alam niya, ramdam niya at nakita niyang hindi siya nito mahal.

--

"Gago ka, pare. Sa totoo lang. You don't do that to a girl like her. I know you don't love her but that doesn't give you the license to just do things, especially sex to her because that's what you want. Pa'no kung mahal ka na no'ng tao? Pa'no kung 'yon ang naghohold back sa kanya? Why did you have sex with her, really? For pleasure? Of all the people, kay Kristina pa? With your history as enemies, it was a total insult, pare," litanya ni Joshua kay Tristan na noon ay bigla nalang nagakita sa tahanan niya ng sobrang aga. Pagkatapos kasi ng naging tagpo sa pagitan nila ni Kristina ay agad niyang sinadya ang kaibigan.

"I don't know, what had gotten into me. I'm attracted to her, yes, but love? How could I even tell her that I don't love her when lastnight it was almost like love?"

"You're complicated bro," walang ganang reaksyon ni Joshua.

"No, I'm not. I know where I stand, I'm still on that. It's just, I'm already friends with her. I now respect her. And I don't know how to feel when she's feeling strange."

"Hindi ko na 'yan problema. Ikaw ang gumawa niyan. Ikaw rin ang gagawa ng paraan kung pa'no kayo babalik sa dati."

"Should I leave her?"

"Wow, nice plan, Tristan. Isa kang genius. Go find your questions first before I could help you answer them," payo ni Joshua.

"What does that mean?"

"I don't know?" seryosong sagot ni Joshua.

DeadendWhere stories live. Discover now