Ask me to stay

54 2 0
                                    

Hindi na pinaubayang muli ni Kristina ang pagmamaneho kay Tristan.

"Huwag na. Magda-drive ka pa naman pabalik e. Chill ka lang," katwiran niya na tinanguan na lang ni Tristan.

Panay paninitig lang ang ginawa ni Tristan kay Kristina buong biyahe, nagbabaka sakaling lingunin din siya nito, humihiling na naaapektuhan pa rin niya ito. Ngunit wala.

Ganoon pa rin si Kristina sa paningin niya - kumikilos nang malaya, medyo brusko pero hindi nawawala ang kagandahang noong una ay hindi niya nakita.

Hindi kasi siya iyong tipong sa unang tingin ay mahuhulog ka na, mabibihagni ka na. Iyong personalidad niya, pananalita, paninindigan, kilos niya ang nagpapalabas ng kagandahan niya at kapag nahulog ka na, mahirap nang kumawala. Para siyang isang patibong.

"When will you get back?" wala sa sariling naibulalas ni Tristan.

Iyon ang nagpalingon kay Kristina sa gawi ni Tristan.

"Saan?" kunwari'y hindi nakuha ang pinatutungkol ni Tristan.
"Nevermind," walang ganang sagot doon ni Tristan.

"Hindi ko alam kung babalik pa ako, Tristan. Ayokong isipin na nandito ako dahil panandalian lang. Noong una siguro pero ngayon, hindi ko na iniisip 'yan," ani Kristina paglipas ng ilang minutong pananahimik.

"Do you not want to live there anymore?"
"Do you not want to be with me anymore?"
"Do you... do you still love me?" sunod sunod na tanong ni Tristan, umasang sagutin niya kahit isa roon.

"Hindi ko alam," iyon ang napiling isagot ni Kristina dahil ang totoo, hindi rin siya sigurado.

Halos magprotesta si Tristan nang makarating sila ng Bokod.

"Ang bilis naman," bulong niya at tila walang ganang napasandal.

Naunang bumaba si Kristina. Hindi nagustuhan ni Tristan nang makita sa mukha nito ang pananabik na makauwi. Naiinis siya at nasasaktan nang sabay.

"Bago ka umuwi, kumain ka muna," imbita sa kanya ni Mia nang salubungin sila. Gusto sana niyang sabihing wala siyang gana pero tumanggi na lang siya.

Hindi na rin niya piniling manatili roon kahit sandali dahil baka hindi na siya makaalis o kaya naman ay sapilitan niyang ilayo roon si Kristina.

"May lakad ka pa?" tanong sa kanya ni Kristina na nakasunod lang sa kanya noong pabalik na siya sa sasakyan.

"Sure ka hindi ka na kakain?" tanong muli nito.

"Kung gusto mo --" hindi na naituloy ni Kristina ang sasabihin dahil mabilis siyang hinarap at hinila ni Tristan para halikan.

Mapusok at tila may ipinararating ang halik na iyon ni Tristan. Para bang sinasabi nitong galit siya pero hindi niya kayang pangatawanan ang galit na iyon.

Kung gaano kabilis na sinimulan ni Tristan ang halik ay ganoon din niya kabilis tinapos. Sa halip na harapin si Kristina ay lalo pa niya itong hinigit para yakapin. Ang kanang kamay niya ay nasa ulo ni Kristina para pigilan ito sa pagpupumiglas.

"Tin," pagsusumamo niya na ikinainit ng puso ni Kristina.

Para bang may gustong sabihin si Tristan na hindi niya kayang bitawan.

"Tin, you can always ask me to stay. You can always ask me to stay until you're ready. Since you left, I have given you the right to ask me anything you want, anything for you, basta masaya ka because I love you," pahayag niya dala nang pagka-desperado.

Unti-unti ay humiwalay siya kay Kristina. Hawak ang magkabilang pisngi, hinarap niya si ito, tahimik na humiling na sa kanya lang siya tumingin.

"I love you and I can go as far as waiting for uncertainties. Siguro, ako naman ngayon. Ako naman ang maghihintay hanggang kaya mo na akong mahalin ulit."

Tinitigan lang siya ni Kristina nang matagal. Hindi mabasa ni Tristan na halos mablangko na ang isip ni Kristina dahil sa mga sinabi niya.

Gustung gusto nang bumigay ni Kristina pero, inamin na niya, takot na siyang sumugal muli.

Matapos ang ilang minuto ay nag-iwas siya ng tingin. Nasaktan doon si Tristan. Sa halip na bumitaw ay lalo pa niyang inilapit ang sarili kay Kristina para yakaping muli.

"I'll go ahead," paalam ni Tristan habang unti-unting bumibitaw. Humalik pa ng isang beses sa ulo ni Kristina bago tumalikod.

--

Kinagabihan, hindi na makatulog si Kristina dahil kahit saan siya bumaling, miske pumikit siya, ang mukha ni Tristan na nagsusumamo ang nakikita.

Wala sa sarili siyang bumangon at inabot ang cellphone. Nadismaya siya nang makitang walang mensahe roon na galing kay Tristan.

Hindi na siya nagdalawang isip nang padalhan niya iyon ng mensahe para tanungin kung nasaan na siya.

Naghintay pa siya ng isang oras pero walang sagot, saka lang siya nakatulog.

--
Pagkalipas ng isang linggo, nakatanggap muli ng tawag si Kristina mula sa kuya Gio niya. Inalok siya nitong gumawa ng mga advertisement para sa kumpanya nila.

"Kuya, hindi naman ako pang commercials," tanggi niya sa alok.

"You're not listening. Come here in Manila at pag-usapan natin ang projects. Malaking projects 'to, Tin, at ikaw lang ang gusto kong gumawa," ani ng kuya niya.

"Pag-iisipan ko."

"'Wag mo nang pag-isipan. I expect you to be here tonight or tomorrow morning. Magkita tayo sa dati," pagmamatigas ng kuya niya.

"Kuya, alam mo ba kung anong hinihingi mo sa'kin?" hindi na napigilang banggitin ni Kristina.

"Alam ko. And I'm telling you, not even asking you, to pull your shits together, Kristina. You're not a kid anymore to run away from your life. Stop being so hard. If you really want to be happy then live your life. Simple."

Parang natauhan si Kristina sa mga sinabing iyon ng kuya niya. Para iyong isang maingay na kampana ang agad gumising sa kanya.

"Ni-ri-real talk mo ba ako, kuya?" Wala sa sarili niyang naitanong.

"I should've done that a year ago. I'll wait for you here. Bye," mabilis na putol ni Gio sa usapan nila. Si Kristina, naiwang tulala, tinitimbang ang mga sinabi ng kuya niya.

--
"And I'm telling you, not even asking you, to pull your shits together, Kristina. You're not a kid anymore to run away from your life. Stop being so hard. If you really want to be happy then live your life."

Parang isang kantang hindi niya malimutan, paulit ulit sa utak niya ang sinabi ng kuya niya.

Tinatanong tuloy niya ang sarili kung tama pa bang tumakbo uli siya at ipagpatuloy ang pagtatago, hindi sa mga taong mahal niya, kundi sa sarili niyang buhay?

Hindi na siya nag-abalang mag-impake pa ng maraming gamit. Ang mga kailangan lang niya ang dala niya. Nagpaalam siya kay Mia na luluwas lang siya ng Maynila na ikinagulat nito. Hindi na rin siya nagpaliwanag.

Bago niya paandarin ang sasakyan ay nagpadala muna siya ng mensahe sa kuya niya.

"That hit me hard. See you."

--

DeadendWhere stories live. Discover now