Back to zero

55 3 0
                                    


Taguig City

Katulad ng maraming gabi sa loob ng isang taon, madadatnan na naman ni Tristan ang walang buhay niyang bahay.

Walang ibang naghihintay kundi ang madilim at malamig na bawat sulok nito.

Walang ibang sasalubong kundi ang katahimikan na may kakambal na kalungkutan. Lalo pa ngayon na hindi na niya alam kung may hinihintay pa ba siya.

Dumiretso siya sa kusina para magluto ng kakainin. Madali lang sa kanya ang magluto ng sarili niyang pagkain, ang mahirap ay ang pag-kain nang mag-isa.

Nakasanayan na niyang magtimpla ng malamig na kape sa tuwing naaalala niya si Kristina. Inilalapag niya lang iyon sa tapat niya, nangangarap na sana naroon din si Kristina, sinasabayan siya. Sa huli, itatapon niya lang iyon o kaya'y iinumin, depende sa pangungulila niya sa asawa.

Wala sa sarili siyang kumakain nang biglang may mag-angat ng kapeng nasa harapan niya. Sinundan niya iyon at natagpuan niyang iniinom na iyon ni Joshua na mukhang tulad niya ay galing din sa trabaho.

Nginisian siya nito nang magtagpo ang mga mata nila.

"May nakareserve na sa'yo sa ward. Sabihan mo lang ako kung ready ka nang magpa-admit," bati sa kanya nito saka umupo sa harapan niya.

"Kapag hindi mo pa tinigilan 'tong ginagawa mong ganito sa mental talaga ang bagsak mo, pare. Dadalawin na lang kita," tuloy ni Joshua.

"Kapag hindi mo pa tinigilan 'yang bigla bigla mong pagsulpot, sa kulungan bagsak mo. Dadalawin na lang din kita," seryoso niyang ganti sa kaibigan.

Tinawanan lamang siya nito.

"So, unsuccessful?" tanong nito na hindi niya sinagot.

"That bad, huh? Karma's really a bitch!" hirit pa niya.

"Dapat kasi dinaan mo na sa santong paspasan, pare. Bakit ka ba kasi bumalik nang hindi siya kasama. Nandun ka na dapat hindi mo na hinayaang hindi mo kasama pag-uwi," litanya nito.

"You know I can't do that. And it's not like I don't have a business to do here," mapait niyang pahayag na halos maging tunog pangungumbinsi na sa sarili.

"Business? Naglolokohan ba tayo? E kinaya mo ngang pabayaan ng ilang buwan 'yan para lang mahanap siya at magmukmok. And now suddenly you have business," sermon ni Joshua na halos nagpainit ng ulo niya dahil lahat iyon ay totoo.

Si Joshua iyong tipo ng kaibigan na walang paligoy ligoy, ipupunto niya lahat ng mali sa'yo kahit pa masaktan ka.

Hindi na lang siya umimik at nagpatuloy sa pagkain.

"Tapos ngayon nagmumukmok ka na naman. You're such a woman, man!"

"Can I have my peaceful meal back?" walang ganang ganti niya sa kaibigan.

"Where did all your courage go? Naiwan mo ba sa daan papuntang Benguet?" mukhang hindi talaga siya titigilan nito kaya iniligpit na lang niya ang kinakain, itinapon ang kape sa lababo at kumuha ng dalawang nakalatang beer bago ibato ang isa kay Joshua.

Naglakad siya hanggang sa hardin, nakasunod lang sa kanya ang kaibigan.

Pagkatapos ng unang pag-inom niya sa hawak na alak ay nagsalita na siya, "She took all the courage, I guess," may pang-uuyam sa tono niyang iyon.

"She told me she felt used in this relationship. She never felt loved or cared for. That was a solid punch to me, kung alam mo lang. Kakayanin ko sanang harapin pa siya bago ako umalis kung nalaman kong nasaktan lang siya e. But her feeling used was so much to take. Wala akong mukhang maiharap kasi kapag iniisip ko ngayon totoong ginamit ko nga lang siya, physically, emotionally. That's worse than not being loved at all," pag-amin niya.

DeadendWhere stories live. Discover now