Sandalan

111 2 0
                                    

Bandang alas diyes na ng gabi pero nasa sala pa rin si Kristina, hawak hawak ang tasa ng malamig na kape ay nakatitig lang siya sa lalagyan niya ng mga cd na ngayon ay wala nang laman.

Bahagya siyang napaigtad nang biglang lumubog ang sopang kinauupuan niya, 'yon pala nasa tabi niya na si Jazz, sa gawing kanan niya.

Mabilis na binuhay ni Jazz ang telebisyon, inilapag ang remote sa center table at malakidlat na humiga sa tabi ni Kristina, iniunan niya pa ang ulo niya sa mga hita ni Kristina.

"Sus!" mahinang protesta ni Kristina pero hinayaan na lamang niya dahil mukhang nakonsumo na buong araw ang lakas niya para makipagtalo.

Maya-maya pa, lumubog din ang bandang kaliwa ng sopa, naaninag na lamang ni Kristina ang anino ni Tristan.Umupo iyon sa tabi niya. Pinagigitnaan na ngayon siya ng magtiyuhin.

"Ba't 'di pa kayo matulog?" tanong ni Kristina.

"Ba't 'di ka pa matulog?" balik naman ni Tristan.

"Tititigan ko pa 'yang cabinet, baka sakaling bumalik isa-isa yung mga laman niyan," pabiro ngunit mapait na sagot ni Kristina.

"Sige, tutulong na rin ako sa pagtitig," may nang-aasar ngunit matamis na ngiting sinabi ni Tristan na nakaharap kay Kristina, umiling na lamang si Kristina pagkakita roon.

Ilang sandali pa ay naramdaman na ni Kristina ang antok, gawa na rin ng boring nilang pinanonood. Hindi naman siya makaalis dahil nakaunan sa kanya ang bata.

Kaya sa halip na tumayo ay pinigilan nalang niya ang antok niya. Nakakailang hikab narin siya na napansin naman ni Tristan.

"Inaantok ka na?" tanong ni Tristan.

Hindi naman sumagot si Kristina sa halip ay nagpatuloy sa pagpilit sa mga matang dumilat.

"Here," muwestra ni Tristan sa balikat niya na parang inaalok niya si Kristina na isandal ang ulo niya roon.

Umiling lang si Kristina. Wala sa wisyo na lang niyang hinayaan na lamunin siya ng antok niya.

Pumaling ang ulo niya sa kanan ngunit nakarekober, pasimpleng inunat ni Tristan ang kanang kamay niya sa ibabaw ng sandalan ng sopa.

Pumaling pakaliwa ang ulo ni Kristina. Diretso iyon sa balikat ni Tristan. Nang maramdaman ni Tristan na nakasandal na ang ulo ni Kristina sa balikat niya ay saka niya inayos ang upo pati narin ang kamay niyang nakalahad.

Hinaplos niya ang buhok ni Kristina ngunit tinanggal din agad ang kamay niya roon baka magising ang babae.

Walang kamalay malay si Tristan na pati pala si Jazz ay tulog na.

Sinigurado niya munang tulog na tulog na si Krsitina bago siya tumayo at kinarga si Jazz para dalhin sa kwarto nito. Dinahan-dahan niya para hindi magising si Kristina.

Pagbalik niya sa sala, nakasalpak na ang paa ni Kristina sa sopa at iniunan niya ang kamay niya sa mukha niya na nakasubsob sa sandalan ng sopa.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, matagal munang tinitigan ni Tristan ang babae bago ito tuluyang buhatin at ihatid sa kwarto niya.

Ibingasak ni Tristan ang sarili sa kama niya at hindi niya makalimutan ang mukha ni Kristina habang tulog, pati ang mabango niyang buhok, ang malambot niyang kutis, ang payapa niyang paghinga.

"Fuck," matigas niyang mura sa sarili.

Umiling iling siya ng maraming beses, nagtaklob ng unan sa mukha, at pinilit na matulog.

Kinabukasan, hindi maidilat ng husto ni Kristina ang kanang mata dahil sa naiirita na naman ito kaya sa halip na tuluyan ng bumangon ay pumikit muna siya sa loob ng labing limang minuto.

Nang makabangon ay nagpalit na kaagad siya ng damit pang-ehersisyo. Sinalpak niya sa dalawang tainga ang earphones, sinulyapan ang orasan sa dingding ng kwarto niya, 5:30 a.m. Bumaba na siya. Pagkalabas niya ay nagulat siyang nandoon si Tristan, nakaupo sa may garden habang nagkakape.

Tiningnan iyon ni Kristina, napansin rin siya ni Tristan at tila awtomatikong nagpaalam si Kristina.

"Tatakbo lang ako," paalam niya. Tumango lang si Tristan na may seryosong mukha.

Huli na nang napagtanto ni Kristina na dapat ay hindi na siya nagpaalam, hindi niya naman iyon gawain.

"Hay, shunga talaga minsan Kristina!" kumento niya sa sarili habang nagsisimula nang tumakbo.

Habang iniikot ni Kristina ang subdivision ay may naalala siyang nakalimutan niya nang alalahanin - "Pa'no nga pala ako nakaakyat sa kwarto kagabi?"

Hanggang pag-uwi niya sa bahay nila ay iyon parin ang iniisip niya. Hindi makapaniwala ang utak niya na maaaring si Tristan ang bumuhat sa kanya paakyat kagabi.

"Hindi, imposible," kumbinsi niya sa sarili.

"Pero sino? Alangan namang si Jazz?" tanong niya ulit sa kawalan. Huminga siya ng malalim at hinayaan nalang na walang sagot ang mga iyon.

Tinatanggal na niya ang earphones niya. Malapit na siya sa may pintuan nila nang maabutan niyang nasa hagdanan si Jazz, suot suot ang pares ng pajama niya, umiiyak, kinukusot ng dalawa niyang palad ang mga mata niya. Sa harapan nito ay si Tristan na dinadaluhan siya, pinapatahan, hinahaplos niya ang buhok ng bata.

DeadendWhere stories live. Discover now