'Wag mo akong iiwan

152 5 11
                                    

Napapansin ni Tristan na nitong mga nakaraang araw, hindi na siya kinakausap o binabati man lang ni Kristina, alam niyang may nagawa siyang ikinagalit ng babae pero naisip niya rin, ganoon naman talaga ang trato nila sa isa't isa.

Ngayong gabi may balak siyang patunayan. Gusto niyang patunayan ang pagkakakilala niya kay Kristina.

Hindi na siya nagpahatid sa isa pa niyang driver pauwi, tinawagan nalang niya si Kristina para sunduin siya.

"Wear something sexy but not revealing, I'll wait for you here," utos ni Tristan.

Kararating lang ni Kristina sa bahay nila galing sa academy nang matanggap niya ang tawag ni Tristan. Hindi na siya nagpalit pa, lumipat lang siya ng sasakyan at nagmadaling magmaneho.

"May padress code dress code ka pang nalalaman," reklamo niya habang nagmamaneho papalapit sa gusali ng kumpanya nila.

Hindi na siya bumaba ng sasakyan at tinawagan na lamang niya si Tristan para malaman nitong nakarating na siya.

"Nasa tapat na 'ko ng building, hintayin na lang kita dito," hindi na nagsalita si Tristan at ibinaba niya na agad ang telepono.

"Bastos din e, ni sumagot lang sana ng okay, di man lang ginawa, nakakapikon na ah, imbes na naghahanda na ko ngayon ng lecture ko para sa susunod na meeting," hinampas niya ang manibela sa sobrang inis. Saka may kumatok sa bintana niya, pagtingin niya si Tristan.

"Bakit?" tanong niya.

"Ako na magdadrive," gusto na sana niyang upakan ang lalaki sa pagkabratinelo nito pero napigilan niya ang sarili. Naisip niyang itutulog nalang niya ang inis habang nagmamaneho si Tristan.

Mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Napansin naman ni Tristan ang suot ng babae, "Okay na rin," bulong niya sa sarili. Nakahapit na denim pants ito, walang manggas na pulang blusa, at nakamataas na sapatos.

"San ka pupunta? Sana hindi mo na lang ako tinawagan kung ikaw lang din naman pala ang magdadrive," reklamo niya sa lalaking nakaitim na suit na may maroon na kurbata, puting polo at amoy mayaman. Maniniwala na sana siyang para itong isang leading man sa isang nobela kung hindi lang masama ang ugali nito at mahilig manamantala.

"You'll probably like the place," misteryosong sagot ni Tristan?

"Ha? Sasama pa 'ko?" pagtapos niyang masabi iyon saka niya napagtantong kaya nga siya pinasusuot ng something sexy but not revealing e kasi kasama siya.

"Ugh," napalakas niyang reaksyon sa bagay na hindi niya napag-isipan ng mabuti.

Maya-maya pa binabaybay na nila ang isang kalsada na buhay na buhay kahit gabi na. Ihininto ni Tristan ang sasakyan, ipinarada niya iyon sa harapan ng isang misteryosong gusali. Bumaba sila pareho pero hindi parin maintindihan ni Kristina kung bakit kasama pa siya at kung nasaan sila. Tipong nasa isang class recitation siya na halu-halo na ang mga tanong sa utak niya pero wala parin siyang maisagot ang masaklap nito nauubusan na siya ng oras.

"Sigurado ka bang sasama pa 'ko?" tanong ni Kristina sa lalaking kasama niya na wala kaekspre-ekspresyon ang mukha.

"Let's go!" nauna nang naglakad papasok si Tristan at parang asong sumunod lang si Kristina. Nararamdaman na niya ang kaba at pag-ikot ng tiyan niya dahil nakikinikinita na niya kung anong klaseng lugar ang papasukin nila.

Nang makalampas sila sa nagsisilakihang bouncer, parang sampung kabayo na ang nasa dibdib ni Kristina. Sumalubong sa kanila ang dumadagundong na tugtog, punung-puno ng iba't ibang klase ng tao na umiindayog sa iisang saliw ng tugtog, nagkalat ang mga kamay na may hawak na alak, lumulutang ang nakabubulag na iilang ilaw, halos wala ng hanging natitira sa sistema ni Kristina, wala siyang ibang marinig kundi ang nagpoprotesta niyang isip at puso habang patuloy lang sa pakikipagsiksikan sa mga tao para masundan si Tristan. Hinablot niya ang kamay ng lalaki at laking pasasalamat niya na pinansin siya nito.

Lumingon si Tristan kay Kristina at nagtaka siya sa nakita niyang reaksyon ni Kristina, pinakadominante ang mata niyang nagmamakaawa at maluha-luha pa. Naisip niya baka dahil lang iyon sa pekeng usok na bumabalot sa bar. Pero nahaluan ng pagdududa ang konklusyon niya ng maramdaman niyang malamig pa sa yelo ang kamay na nakahawak sa kanya. Bigla siyang naguluhan.

"What?" bulyaw niya rito.

"Bakit dito tayo nagpunta?" buong lakas na sigaw ni Kristina para marinig siya ng kausap.

"Loosen up, let's enjoy the night, let's unwind," nahagip ng mata ni Tristan ang paglunok ni Kristina. Ano bang nangyayari sa kanya, hindi na niya kailangang magkunwari na hindi niya nagustuhan ang lugar, alam ko namang kasama ito sa lifestyle niya, argumento ng isipan ni Tristan.

"Huwag mo 'kong iiwan," sambit ni Kristina ngunit huli na ang lahat tumalikod na si Tristan at iniwan siya nito sa gitna ng malabundok na mga tao. Para siyang isang dayuhan na napaliligiran ng mga taong hindi niya kilala at hindi niya maintindihan. Wala siyang mahingan ng tulong, wala siyang masandalan, walang aalalay sa kanya, wala ng magsasabi ng kung anu-anong katatawanan para lang maalis ang atensyon niya sa nakalululang atmospera, wala na, wala na siya. Iniwan na siya. Wala ng babalik na Noah pa sa buhay niya.

Please spread. Haha! Salamat. :)

DeadendWhere stories live. Discover now