Wrong move

132 4 0
                                    

"Oh, pare nasaan na? Akala ko ba makikilala ko na ngayon ang maswerteng babae?" nananabik na tanong ni Joshua sa kanina pang nagmamasid at tila may hinihintay na si Tristan.

"Sabi ko naman sa'yo, mahilig 'yon sa ganitong lugar malamang nasa tabi-tabi lang 'yon, consuming the night as if it's the last."

Napapailing nalang si Tristan habang nilalagok ang unang bote niya ng alak. Nasa isang sulok lang siya kasama si Joshua. Ito lang naman ang madalas nilang gawin. Hindi sila nakikihalo sa karagatan ng tao sa gitna ng bar.

Trenta minutos na ang nakalipas simula noong maghiwalay sila ni Kriatina. Sinubukan niya itong hintayin pa ng ilang minuto bago hanapin.

"Tristan, are you sure na sanay siya sa ganitong lugar? Nasaan na siya?" usisa ni Joshua.

Dinukot ni Tristan ang cellphone niya sa bulsa para sana tawagan si Kristina, boluntaryong kumunot ang noo niya ng makitang nakakailang tawag na sa kanya si Kristina.

Dinungaw naman ni Joshua ang cellphone ng kaibigan saka nagkumento, "Baka may nangyari na sa kanya, tawagan mo na."

Tinawagan niya nga si Kristina ngunit hindi niya iyon sinasagot. Nagsimula nang kabahan si Tristan baka nga may nangyari na sa kanya.

"I'll go find her," nagmamadaling larga ni Tristan.

Nanatili lang sa kinatatayuan si Joshua, base sa pagkakakilala niya kay Kristina noong una silang magkausap, hindi niya gawaing magpunta sa mga ganitong lugar. Baka hindi pa ito ang tamang panahon para makilala kita bilang isang San Antonio, Kristina, sabi niya sa sarili.

Nahalughog na ni Tristan ang buong bar pati narin ang mga banyo pero wala parin siyang makita, ni anino ni Kristina hindi niya makita. Nagpasiya itong magtanung-tanong pero wala rin siyang napala. Ilang beses niya pang tinawagan si Kristina ngunit hindi sumagot. Saka siya nagpasyang lumabas na ng bar, tinatawagan niya parin si Kristina habang nakikipagpatintero sa mga tao palabas. Nabuhayan siya ng loob ng sagutin ni Kristina ang tawag niya.

"Where are you?"

"La-a-bas," putul-putol na sagot ni Kristina. Biglang nagbago ang timpla ni Tristan ng makitang nakaupo sa pinakababang baitang ng hagdan sa harapn ng bar si Kristina, nakatalikod siya sa kanya, nakatapat parin ang cellphone niya sa tainga niya. Ibinaba na niya ang cellphone, ngunit hindi parin binababa ni Kristina ang cellphone niya. Nilapitan niya ang babae, napahilot siya sa noo niya nang makita niyang sapo ng kanang kamay niya ang noo niya habang pilit na pinupulido ang paghinga.

"Anong nangyari?" tanong ni Tristan na may halong pag-aalala.

Bahagyang inangat ni Kristina ang ulo niya ngunit mabilis din niya itong iniyuko saka niya ibinaba ang cellphone nang mapagtantong nasa harapan na niya ang lalaking nasa kabilang linya lang kanina.

Hinawakan ni Tristan ang baba ni Kristina para maingat ulit nito ang ulo niya. Nahalata niya ang pangingilid ng mga luha niya at ang maputla niyang mukha. Ibinaling ni Kristina ang tingin sa gawing kanan niya para mabitiwan ni Tristan ang pagkakahawak dito.

"What the hell happened? I was waiting for you," marami pa sanang isusumbat si Tristan ngunit natigilan siya ng magsalita si Kristina ng mahinahon, walang lakas at diretso.

"Uwi na tayo," mahinang pahayag ni Kristina.

Pinilit tumayo ni Kristina ngunit nabigo siya. Umiikot parin ang lahat ng nakikita niya, parang unti-unti siyang nilalamon ng mga 'to. Sinubukan niya ulit at natumba parin siya ngunit napigilan ang pagbagsak niya nang mabilis na nahagip ni Tristan ang kanang balikat niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Nalasing ka ba? Wala pa nga tayong dalawang oras sa loob, nagpakalasing ka na," panenermon ni Tristan habang inaalalayan niya si Kristina pasakay ng kotse.

DeadendWhere stories live. Discover now