Deal

135 5 4
                                    

Kasalukuyan...

Nadatnan ni Tristan si Kristina sa sala na naka-indian sit habang nanonood. Hindi na napansin ni Kristina ang pagdating niya dahil masyado itong nakatutok sa pinanonood.

Nasa bahay lang si Kristina tuwing weekend, ni hindi man lang nakikita ni Tristan na umalis ito at mag-good time katulad ng ginagawa niya. Lalo tuloy nagdududa si Tristan sa pagkakaalam niyang ugali ni Kristina.

Nasa hagdanan na siya ngunit hindi parin siya napapansin ni Kristina, kung kriminal lang siya kanina niya pa naisakatuparan ang gusto niya. Bumaling ang atensyon niya sa pinanonood ni Kristina, saksakan iyon at patayan, nagulat siya sa nakita, ganitong klaseng palabas ba ang kinahuhumalingan ng napangasawa niya?

Umakyat nalang siya ng masaksihan ito ngunit napatigil siya ng marinig niyang nagmura si Kristina. Napailing nalang siya, hindi niya gusto ang mga babaeng palamura, sa maikling pagsasama nila ni Kristina, makaialng beses niya na itong narinig na magmura.

Samantala napansin ni Kristina ang pagdating ni Tristan, suspetsa ni Kristina galing na naman ito sa bar kasama ang mga barkada. Base sa mga obserbasyon niya, responsableng tao nga si Tristan, pero hanggang doon palang ang nalalaman niya, madalas din itong lumabas kapag weekend nang hindi nagpapaalam at umuuwi nalang kung kailan niya gusto.

Hinayaan na lang niyang huwag batiin ang lalaki, tutal iyon naman ang normal sa kanila. Ibinalik nalang niya ang tuon sa pelikulang pinanonood, ang isa sa mga hinahangaan niyang pelikula, ang On The Job.

Nang matapos ni Kristina ang pinapanood, bumalik siya ng kusina para hugasan ang pinagkainan niya ng nakagawian niyang spicy noodles.

"Ay palaka!" nagulat siya kay Tristan na noon ay nakaharap sa ref at umiinom.

"Saan?" patol ni Tristan kay Kristina.

"Ayan sa harapan ng ref," biro ni Kristina.

"This face?" ngingisi-ngising tanong ni Tristan.

"Masyado palang disente para sa'yo yung palaka, dapat pala 'ay mukha ni demonyo' ang nasabi ko kanina, tsk, my bad," inulit ni Kristina ang pagkakagulat niya kanina at inirapan si Tristan.

"I have some good news for you but I think you don't deserve it, I just proved it now," pagseseryoso na nang-iinis na pahayag ni Tristan. Tatalikuran na sana siya ni Kristina ngunit hindi niya iyon naituloy.

"Ano 'ka mo?" usisa ni Kristina.

"Nothing, Silvestre," at nagsimula nang maglakad papalayo si Tristan na ikina-frustrate naman ni Kristina.

"Hoy, San Antonio, ano nga yung good news na sinasabi mo?" mabilis niyang hinarangan ang lalaki na may nanlalaki at nasasabik na mata.

"I'm going to bed, have a good night Silvestre," pagbabalewala sa kanya ni Tristan habang humahalakhak na sa loob loob niya si Tristan.

Hinarangan ulit siya ni Kristina na nakapormang dumedepensa, natawa si Tristan ngunit hindi niya pinahalata, hindi niya akalaing may ganoong personalidad pala ang babae.

"Hep hep, saan ka pupunta? Ano ba yung sinasabi mong good news? Pauutangin mo na ba ako?" hinawi lang siya ni Tristan at nagpatuloy sa pagmamatigas.

"All the while, I feel like I'm standing in the middle of a crowded room, screaming at the top of my lungs, and no one even looks up," biglang bitaw ni Kristina.

"What?" nagtatakang wika ni Tristan.

Ngumiti si Kristina, umandar na naman ang kapilyuhan niya, "Rose, Titanic."

Hindi kaagad naanalisa ni Tristan ang sinabi ni Kristina hanggang sa unti-unti siyang napanganga at napailing, "You're creepy," kumento nito.

"Nagbitaw lang ng line sa movie, creepy na? Mga mayayaman talaga kung anu-anong interpretasyon ang naiisip," iiling-iling na bumalik si Kristina sa kusina.

Hindi naman inaasahan ni Tristan na nakuha na ng babae ang atensyon niya sa pagkakataong 'yon.

"Bakit ikaw hindi ka ba mayaman?" tanong ni Tristan.

"Ako, hindi, pamilya ko, oo," makabuluhang sagot ni Kristina na hindi nililingon ang kausap.

Matapos hugasan ni Kristina ang mga pinagkainan, pinatay na niya ang ilaw sa kusina at naglakad papunta sa taas nang muli na naman siyang magulat.

"Ano ba? Bakit ka ba nandiyan?" bulyaw niya kay Tristan na nasa paanan ng hagdan.

"Be my personal assistant slash driver to get the money you need," diretsong pahayag ni Tristan?

"Ha? P.A.? Driver? Teka, sabi ko pautang, hindi ako naghahanap ng trabaho."

"How could I be assured that you'll pay for it?"

"So ang pagpi-P.A. at pagdadriver ko sa'yo ang kabayaran? Grabe, iba karin e!"

"Ayaw mo? I'm just making sure that I won't lose on this one."

"Sa tingin mo naman tatakbuhan kita kapag nakuha ko na yung pera?"

"We'll never know," ngingiti-nginting sambit ni Trisan.

"Hayup, tindi mo!" reaksyon ni Kristina.

"Take it or leave it?"

"Personal Assistant mo 'ko, ibig sabihin hindi mo ako assistant kapag nasa loob ka ng kumpanya?"

"Exactly."

"So pag nasa office ka, wala din akong trabaho?"

"Yes. But if I need you to do an errand for me outside you should be available at baka nakakalimutan mong driver din kita kaya kapag may meeting ako sa labas ikaw din magdadrive para sa'kin, don't worry hanggang labas o loob ka lang ng sasakyan."

"Pa'no kapag may dapat din akong gawin? Hihintayin lang kita sa sasakyan hanggang uwian mo?"

"Kung may kailangan kang gawin, pwede kang umalis muna, I'll just call you if I need a ride home."

"Magkano?"

"P30, 000."

"P30, 000? Seryoso ka? Saan ako dadalhin nyang trenta mil mo? P100, 000 a month."

"What are you? The boss?"

"P300, 000 for three months," tawad ni Kristina.

"P150, 000 for three months."

"P200, 000 for two months as driver, and P.A."

Napaisip si Tristan, natatawa nalang siya sa pinasok niyang deal, kung tutuusin handa naman siyang pautangin si Kristina, hindi niya lang maintindihan pero gusto niya itong pahirapan para makawala na sila pareho sa sitwasyong ito, gusto niyang si Kristina ang umayaw kapag napagod na ito.

"Deal," nakangiting tumango si Tristan.

DeadendWhere stories live. Discover now