The lucky one

163 4 0
                                    

Sa isang engrandeng ball room sa loob ng isa sa mga hotel ng SA&S Group kasalukuyan ang pagdiriwang ng ika-dalawapung anibersaryo ng naturang hotel.

Pasosyalan at pagandahan ang mga kasuotan ng mga dumadalo. Elegante at magarbo ang tema ng selebrasyon. Naglalaro sa itim, pula at pilak ang mga disenyo mula sa telang mantel ng mga upuan at mesa. Mula sa pintuan ng malawak na silid hanggang sa entablado ay may nakalatag na pulang carpet na nagsilbing pagitan sa maraming mesa at upuan.

Saliw ng mga musikang likha ng mga instrumento at orkestra na nakapwesto sa harapan ng entablado ang bumabalot sa buong pagdiriwang.

Unti unti nang nagsisidatingan ang mga bisita at ang mga board members, empleyado at maging ang pamilya ng may-ari ng kumpanya.

Magkasunod na dumating ang mag-asawang Silvestre at ang mag-asawang San Antonio.

Mag-isang dumating si Gio, sinundan naman ito ng kapatid niyang si Gabriel kasama ang maybahay nito.

Kapansin pansin naman ang pagdating ni Tristan kasama ang isang maganda, balingkinitan, sopistikadang babae, isa rin siyang empleyado ng SA&S, si Samantha nasa likuran naman nila ang iba pang mga department head.

Samantala nagmamadaling tinungo ni Kristina ang paboritong suite ng ina sa naturang hotel. Tuwing may mga okasyon na ganito ay ang ina na lamang niya ang nag-aasikaso. Ito na mismo ang umaarkila ng mag-aayos sa anak dahil alam naman niyang wala itong hilig sa mga ganoong bagay lalo na kung magarbong selebrasyon. Mula sa alahas, damit, at sapatos ay ang ina na niya ang nag-aabala at tanging ang presensiya nalang ni Kristina ang poproblemahin niya.

"Kamahalan mabuti at nandito ka na, kanina pa ninenerbyos ang mudrabels mo, ikaw babaita ka hobby mo na ang pagnininja sa mga ganitong gatherings ha, nakakaloka kang bata ka saan ka ba palagi nagsususuot?" litanya sa kanya ng paboritong stylist ng ina na naging kaibigan narin niya dahil siya ang palaging nag-aayos sa kanya tuwing may dadaluhan siyang pagdiriwang.

"Madame Mariela, abot pa naman ako sa deadline e. Ito na 'ko oh, buong buo, sige na i-transform mo na 'ko ulit. Para matapos na 'to at nagugutom na 'ko," pagbabalewala ni Kristina sa sermon ni Mariela.

Makalipas lamang ang trenta minutos, ayos na ayos na si Kristina. Nakatali ng mababa ang mahaba niyang buhok, ikinulot ni Mariela ang dulo nito at ibinaling sa kaliwang balikat nito ang nakataling buhok ni Kristina.

Tiningnan ni Kristina ang hitsura sa malaking salamin sa loob ng silid.

"Grabe, ang revealing naman ng likod nitong suot ko. Wala na bang iba?" reklamo niya.

Lumapit naman sa kanya si Mariela at inayos ang bagsak ng flowy at kulay rosas niyang bestida na hanggang tuhod. Litaw na litaw ang maliit na baywang at makinis na likuran ni Kristina sa suot niya.

"Ay 'te! Fit na fit sa'yo ang style nitong dress mo. You need to reveal some skin now, hindi ka na teenager. You're already a woman now, a wife. Kailangan matalbugan mo 'yong kanina pa dikit nang dikit kay Tristan. Bakit kasi nalate ka? As

his wife you should be arriving with him."

Hindi nalang pinansin ni Kristina ang sinabi ni Mariela, wala naman siyang pakialam kung sinu-sino pang babae ang kasama niya sa red carpet.

Hinawakan ni Mariela sa magkabilang balikat si Kristina.

"Look at this dress, pag kaharap ka parang conservative, plain, boring pero pagtalikod, wapak winner na winner," pangungumbinsi ni Mariela sa hindi mapalagay na babae.

"Sa sobrang pagkawinner, parang dulo nalang ng backbone ko pababa ang natatakpan," puna ni Kristina habang patuloy na sinusuri ang likuran sa salamin.

DeadendWhere stories live. Discover now