Tanong bago sagot

91 3 4
                                    

Nakatingin lamang si Tristan sa ka-meeting niyang si Noah habang pinanonood itong nagsasalita nang hindi pinakikinggan. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Joshua.

Paanong masasagot niya ang mga tanong na hindi rin niya alam. Parang ang labo pero para ring may punto ang kaibigan niya. Siguro nga ganoon na siya kakumplikado - kung siya nga ba itong komplikado.

Sa kabilang banda, para namang walang kausap si Noah dahil napapansin niya sa mga titig pa lang ng kaharap ay wala ang isip niya rito. Pareho sila, siya nakikipag-usap sa hangin samantalang nakatitig naman sa kawalan si Tristan.

"Maybe we can talk about this next time, you seem somewhere else," basag ni Noah sa kausap.

"No, I've heard enough," matigas namang pagsalungat ni Tristan at aakto na sanang magbubutones ng amerikano habang papatayo pero napigilan siya ni Noah.

"Heard but didn't listen," pabalang na bitaw ni Noah.

Napasandal naman si Tristan sa pagkakataong iyon dahil parang nainis at sumang-ayon siya nang sabay sa sinabi ni Noah.

"Our first encounter was not that good. Tutal naman magiging magkatrabaho tayo sa mga susunod na projects, maybe it's best if we, at least, know something about each other," suhestiyon ni Noah.

Nakita ni Tristan sa mga mata nito na sinsero siya sa mga sinabi niya na para bang may nag-uudyok sa kanyang makipagkilala nga sa taong iyon - sa taong nang-iwan at nagmahal at minahal ni Kristina. Hindi niya maipaliwanag pero may kung anong kutob siyang naramdam na posibleng makatulong ang taong ito sa mga pinagdadaanan niya.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" tahasang tanong kaagad ni Tristan.

Sandaling hindi nakasagot si Noah pero nakabawi rin siya at minabuting saguton iyon, "Hindi kami para sa isa't isa," maikli niyang sagot.

Saka ka siya nagkuwento.

"We met during college, sa Arts siya ako naman sa Business, naging magkaklase kami sa isang minor subject dahil hindi kinaya ng schedule ko 'yung oras ng block namin, nagdecide akong maki-sit in sa ibang klase, which turned out to be Tin's class. The moment I saw her, I knew that she is a Silvestre. I usually saw her at some gatherings. Everything was planned but the shifting of classes, her being my classmate, falling in love with her was never planned. We were meant to be together only it was not the right time," kwento ni Noah.

"There was never a right time for you, I guess," sabat naman ni Tristan.

"Oo, kasi naging kami sana uli kung may right time talaga kami," pagsang-ayon niya. Bakas sa tono ng pananalita niya na wala nang natitirang pagsisisi, alinlangan at maging pagmamahal sa dating nobya.

"You said it was all planned. Why?" usisa ni Tristan.

"The fact that I studied on her school and not at one of the prime universities back then, you can easily say that I was tasked to use her for our company's benefit. She knew all that. The moment I fell in love, I knew I have to tell her everything, if I want to win her," pagbabaliktanaw ni Noah.

"Wow," manghang reaksyon naman ni Tristan.

"And everything turned sweet and bitter. We were like captives running away for survival everyday. I screwed the plan, obviously. I was willing to give her the world. I was willing to betray my own family for her. I was even willing to fight for her until we get the freedom that we want but we were just lovers who were both inlove with fantasy that we ignored reality that had soon broke us or I think, broke me - because I gave up first before she could," a-matter-of-fact na pahayag ni Noah.

Tahimik lang si Tristan habang pinakikinggan ang kwento ng kaharap. Hinahanapan niya pa rin ng bahid ng kahit na anong kalungkutan ang lalaki pero wala na siyang makita. Para na lamang itong nagkukwento ng karanasang hindi na niya maramdaman kundi naaalala niya na lang.

DeadendWhere stories live. Discover now