Going home

67 2 2
                                    

"I won't let you go," matigas na pagtanggi ni Edgar sa anak na namumugto na ang mata dahil sa kaiiyak.

"Why not?" protesta niya. Inaasahan pa man ding niyang pagbibigyan siya nitong puntahan si Tristan sa Paris dahil ayaw na niyang pigilan ang sarili. Handa na uli siyang sumugal. Ngayon pa na nalaman na niya ang mga ginawa ni Tristan para sa kanya.

"Let him come back here. Don't chase him, I won't let you," paliwanag ng ama niya.

Napahilamos si Kristina roon. Pero pinilit ipaintindi sa kanya ni Edgar kung bakit pinipigilan siya nito.

"I've seen you love, I know you give it all kaya sa huli lagi kang nasasaktan, umiiyak. Ayokong nakikita kang umiiyak, lalo na kung nasasaktan ka. When that Ventura guy left, I promised myself to not let you get hurt again but it happened again and was even worse. Kaya patawarin mo 'ko, Kristina, kung hindi kita matutulungan ngayon. I want him to see your worth. I want to see him die because he wants you back in his life badly."

Pilit iniintindi ni Kristina lahat ng sinasabi ng ama, pilit isinasaulo.

"I hope you understand, Kristina. You're my only daughter, I want men in your life to value you. Just because we've arranged you with Tristan does not mean I would allow him to frustrate you so you end up chasing him. If he realizes now that you're more important than anything else, he will drop everything that he's doing in Paris and come back here," litanya ni Edgar.

Umiiyak na naman si Kristina. Hindi dahil ayaw siyang payagan ng tatay niya kundi dahil sa mga narinig niya mula rito. Tahimik lamang siyang umiyak habang nakatakip ang mga palad niya sa mukha niya.

Hindi niya namalayang nalapitan na siya ng Daddy niya, lumuhod ito sa harapan niya saka siya niyakap.

"I'm glad you're back, Tin," anito.

Lalong humagulgol doon si Kristina.

--

Natapos ang araw ng kaarawan niya nang hindi niya namamalayan. Nagkaroon kasi sila ng simpleng salo-salo sa restawran nila sa QC, kung saan madalas noon si Kristina. Nandoon din ang mga magulang ni Tristan. Si Tristan lang ang kulang.

Maya-maya pa ay lumapit sa kanya si Sylvia para iabot ang telepono nito.

"He wants to talk to you, hija," sabi nito.

Tinanggap niya iyon at huminga nang malalim, nagtatanong kung nalama na kaya nito ang mga nalaman niya. Bigla rin siyang na-conscious dahil sa kaiiyak niya kanina. Pakiramdam niya nasa umaakyat na ang puso niya sa kaba.

"I wish I was there," bungad sa kanya nito, bakas sa boses niya ang pagod. Saka niya lang napagtanto ang pagkakaiba nila sa oras.

"Yes, wish you were here," hindi na niya pinigilan pa ang sariling sabihin iyon.

"This is the first time, Tin" anito, saka huminga nang malalim.

"First time?"

"You made me feel I'm still in your life."

"Kailan ka uuwi?" Dineretso na niya.

"I wanna go home now," may halong lungkot iyon.

"Ako rin," wala sa sariling nasabi ni Kristina.

Sa kabilang banda, napatayo si Tristan mula sa pagkakaupo. Nasa loob siya ng opisina niya at katatapos lang ang pangatlong pulong niya ngayong araw.

Hindi niya alam ang mararamdaman. Nangingibabaw ang pananabik.

"Tin, love, can I talk to your Dad?" mabilis niyang pagdedesisyon.

"So, nakarating na pala sa'yo na okay na kami. Yeah, sure, sandali lang."

"God, I love you," wala rin sa sarili niyang naibulalas.

"Ako ba kausap mo?" pagkumpirma ni Kristina habang naglalakad papalapit sa tatay niya.

"I'm alone most of the time. I'm always with men here, no girls allowed."

"Malay ko ba kung bakla ka pala."

"Kristina, you just wait," banta niya.

Nang makita niya si Edgar at inabot ang telepono ni Sylvia ay hindi na iyon bumalik sa kanya. Sinulit na lang niya ang natitirang oras ng kaarawan niya. Sino bang mag-aakalang sa mismong kaarawan niya pa malalaman ang tungkol sa mga CD.

--

DeadendOnde histórias criam vida. Descubra agora