Book 2

120 5 0
                                    

Pagkalipas ng limang buwan...

Pang limang katok na ni Tristan sa pintuan na kahit minsan ay hindi niya pinangarap na katukin. Bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang isang babaeng nakasuot ng kulay asul na t-shirt at maikling shorts, nakatsinelas at nakapusod ang itim na mahabang buhok nito, may ilang hibla ang nahulog sa pagkakapusod, maputi halatang kutis mayaman pero hindi siya hitsurang mayaman. Napakaplain. Napakasimple.

"Bakit?" tanong nito sa kanya.

"Ngayon ka lilipat 'di ba?" sagot niya.

"Puwede bang wag na lang? Magtulungan tayo, magkunwari na lang tayong magkasama tayo sa iisang bahay. Ayokong sumama sa'yo," napabuntong hininga si Kristina at nilakihan ang uwang ng pintuan para makapasok siya sa condo nito.

"That wouldn't help," aniya.

"Sige lumabas ka na!" mahinahon ngunit matalim na pagtaboy sa kanya ni Kristina. Halos hindi siya makapaniwala. Wala talagang takot ito sa kanya. Laging sinasabi nito ang gusto niyang sabihin sa kanya na madalas ay puro masasama.

"I'm not waiting for more than three minutes," lumabas siya at padabog na hinila ang pinto.

Kahapon sila ikinasal ngunit nagdesisyon silang umuwi muna sa kanya-kanya nilang bahay. Nagdahilan na lang sila sa mga magulang nila at sumang-ayon na kinabukasan na lang sila ilipat. Handa naman na ang lahat, hindi na sila nagulat nang sabihin sa kanilang matagal nang nabili ang bahay na lilipatan nila. Matagal nang nakahanda ang lahat, sila na lang ang kulang. Ngunit hindi lingid sa kanilang dalawa na pareho nilang hindi matanggap at matatanggap ang sitwasyon nila.

Pagkalipas ng limang minuto lumabas na si Kristina, dala dala ang mga gamit niya. Kaunti lang ang dinala niyang gamit, ayaw niya rin namang abandunahin ng tuluyan ang condo na iniregalo pa sa kanya ng mga kuya niya at naging tahanan na niya sa loob ng maraming taon.

Paglabas niya wala na doon si Tristan, hindi na siya nagulat pa. Kahit kailan naman hindi siya ginawan ng mabuting bagay nito, liban na lang kung utos ito ng mga magulang nila.

Bumaba siya sa gusali at doon sa basement niya nadatnan ang malademonyong lalaki na asawa na niya ngayon. Nakasandal ito sa sasakyan niya.

"May puso rin pala 'tong lalaking 'to," bulong niya.

"Sundan mo na lang ako," ani Tristan nang papalapit na siya rito, mabilis siyang pumasok sa sasakyan niya at agad namang binawi ni Kristina ang huli niyang sinabi.

Isang oras ring bumuntot si Kristina kay Tristan. Nang tumigil ito sa harapan ng isang malaki at modernong bahay, huminto na rin si Kristina. Napailing na lang siya, totoo ngang walang birong bago niya pa malaman ang kasunduan, lahat ay handa na. Ni hindi na nga siya nag-abala para sa kasal nila. Nagmistula na lang siyang robot na oo lang nang oo at tatangu-tango sa mga sinasabi ng mga organizers.

Hindi man lang siya hinintay ni Tristan sa pagpasok, dire-diretso ito na parang walang kasama.

"Welcome to hell, Kristina," tahimik niyang pahayag sa sarili.

"Brace yourself, Tristan," bulong naman ni Tristan sa sarili na nasundan ng mahabang buntong hininga.

Pinagmasdan nilang dalawa ang magiging tahanan nila hanggang sa... hindi nila alam, hindi sila sigurado. Pareho nilang ayaw pag-usapan ang tungkol sa kinahinatnan nila.

Ibinaling ni Tristan ang tingin sa pamilyar ngunit isang malabong katauhan sa gawing kanan niya, malayo ito sa kanya. Hawak-hawak ang kakaunting gamit na dala niya. Will I ever get used to this? Will I ever accept this? I knew before she knew that I should marry her whether we like it or not. I barely know her, aside from her work ethics, her, being a rebel and a bad daughter, I know nothing. Will I ever have the chance to marry the woman I love? 

I hate this man. I hate his perfect jaws. I hate his passionate eyes. I hate his handsome face. I hate his domineering height. I hate his clean cut hair. Guwapo siya, sobra, pero napakasama ng ugali niya. Kahit isugal ko pa ang kaluluwa ko 'wag ko lang siyang makasama sa iisang bubong, buong puso kong gagawin. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na sa mortal kong kaaway ko ako maikakasal. Kahit sino na lang sana, Lord, 'wag lang siya. Baka ikamatay ko pa 'to.

Agad na umakyat si Kristina sa taas at hinanap ang guest room, doon niya piniling manatili. Hindi siya nakatulog kagabi kaya ngayon na niya nararamdaman ang antok. Maganda ang interior ng bahay. Ibang- iba sa condo niya na plain at simple lang. Itong bago niyang bahay ay elegante at madetalye katulad ng mga hotel nila. Moderno sa labas, may pagka-bohemian ang istilo nito sa loob.

Maya maya pa, tumunog ang cellphone niya, kahit paano ay gumaan ang loob niya nang makita niya ang pangalan ng caller.

"Hi Tin, kumusta ang buhay may asawa?" masiglang bati ni Erika. Kung alam lang ni Erika kung gaano kabigat ang nararamdaman niya ngayon baka hindi na niya gustuhing magkaasawa rin siya.

"Para akong naho-homesick Erika, ang bigat sa puso," pag-amin niya, hindi naman na iyon lihim.

"Sira paano ka maho-homesick e ilang taon ka nang namumuhay mag-isa," bulyaw sa kanya ng matalik niyang kaibigan.

"Yun na nga yung logic Erika e, may mas ho-homesick pa pala sa buhay ko sa condo," bulyaw niya rin.

Natahimik si Erika. Si Erika ang higit na nakakaalam kung gaano niya kinamumuhian si Tristan at kung ano ang kaya niyang isugal para lang mawala ito sa buhay niya.

"Naalala mo nung huli tayong mag-usap bago ko malaman na ipapakasal pala nila ako sa kanya?" malungkot na tanong ni Kristina.

"Be careful of what you wish for, hindi ka lang nagkaroon ng boyfriend, nagkaasawa ka pa. Ang bait sa'yo ng Panginoon 'no? Tinupad niya agad ang wish mo," bakas sa boses ni Erika ang pagpapagaan sa loob ni Kristina pero mas lalo pang sumasama ang loob nito.

"Magkita naman tayo," sumamo niya.

"Umiiyak ka na naman, kung gaano katigas ang ulo mo ganun naman kalambot 'yang mata mo," sermon sa kanya.

"Ikaw kaya sa kalagayan ko, tignan ko lang kung 'di ka humagulgol. Ayoko dito, ayoko siyang kasama, ayoko sa apelyido ko dati, mas lalo na ngayon. Bakit ba ako pinanganak na mayaman?" pagpapamaktol niya.

"Sa off ko, pupuntahan kita diyan, may work ka na ba?" pag-iiba ng paksa ng isa.

"Wala pa rin, nagtuturo-turo lang ako minsan sa academy. Hindi ko nga alam kung paano kami magsu-survive sa mga susunod na buwan kung wala pa rin akong trabaho," aniya.

"Pero may savings ka 'di ba?"

"Yun nga lola e, kapag nagalaw ko na 'yun ibig sabihin mahihirapan na kaming mag-survive kapag hindi ko mamentain yung savings ko. Gusto ko lang din talagang magdirek," hindi na naman niya mapigilang malungkot.

"Darating din 'yan, Tin. Maghintay ka lang. Hindi araw-araw lugmok ka," tila pag-alo sa kanya ni Erika.

"Salamat Erika, the best ka talaga. Nasa work ka ngayon?"

"Yes, actually, I have to go. Bye, Tin," biglang paalam nito.

Bumuntong hininga muna siya at saka malamyang nagpaalam. 

--

DeadendWhere stories live. Discover now