2004

183 7 1
                                    

2004

"Dad please. Ayoko talagang mag-business ad. Alam mo namang hindi ako para diyan 'di ba?" Sa loob ng study room ni Edgar pilit na nagmamakaawa si Kristina. Mahigit anim na buwan na nila itong pinagtatalunan ng Daddy niya.

"For the company and for our family, Kristina, please, you should understand this," pakiusap ni Edgar.

"Dad, si kuya Gab and kuya Gio, are they not enough for the company?" desperadang pahayag niya.

"Kristina, be fair to them. They've also gone through this process and look where are they now. Kung sinunod ni Gabriel ang pagduduktor niya at pinagpatuloy ni Gio ang pagiging manunulat niya, sa tingin mo matatamasa nila kung anong meron sila ngayon?" mahinahon ngunit pigil na pigil ang sigaw ni Edgar sa pakikipag-usap kay Kristina.

"Dad, iba naman sila kuya, kahit papaano minahal na nila ang business unlike me I know I'll never love it," katwiran ni Kristina sa amang unti-unti nang nauubusan ng pasensiya.

"Cross the bridge when you get there, Kristina. My decision is final," anito.

"Dad, last chance. Susubukan ko lang," patuloy na pagsusumamo ni Kristina. 

Tumayo si Edgar at tinanggal ang salamin nito. Lumapit siya sa bunso niya para maiwasan niya ang pagsigaw dahil sa puntong 'yon, naubos na ang pasensiya niya.

"I let you do your stuff in high school, you said you wanted to be in theater play rather than in the debate class. I let you do what you want, I think it's now time to give back, daughter," paalala sa anak.

"Dad, please. Kahit sa isang state university ako mag-aral. I won't mind Dad."

"Stop bargaining. It won't work, Kristina."

"Dad, kahit kumuha ako ng extra class para sa business just let me study what I want," desperadong desperado na siya.

Sandaling tumahimik ang study room. Napaisip si Edgar sa alok ng anak. Mukhang hindi na niya ito kayang pigilan kaya labag man sa loob niya ay sumang-ayon siya rito.

Malapit nang sumuko si Kristina nang muling magsalita ang Daddy niya. "What course?"

Lumiwanag ang mukha niya sa tanong ng ama. Nag-alangan siyang sagutin ito pero naisip niyang baka ito na ang huling pagkakataon na masabi niya kung anong gusto niya.

"Comm Arts, Dad, gusto kong mag-major ng film," maingat niyang pahayag, nananalanging hindi iyon babawiin sa kanya.

"Every after class, uuwi ka dito for your business class. I'll get someone to teach you. In one condition..."

"Anything Dad," galak na galak na pahayag ni Kristina. Hindi siya nagkamali sa pakikiusap sa ama.

"I will not pay for it, I'll pay just for the business class. No arguments allowed."

Hindi alam ni Kristina kung matutuwa pa siya o magugulat sa sinabi ng ama. Hindi niya alam kung basta na lang ba niyang bibitawan ang pangarap niya at sundin ang kagustuhan ng Daddy niya o sumugal at abutin ang pangarap niya. Alam niyang magiging mahirap kung ipagpapatuloy niya iyon pero naisip din niyang ito na marahil ang pagkakataong matagal na niyang ipinapanalangin.

"All right Dad, I'm okay with the arrangement," pagpayag niya.

Samantala, nagulat si Edgar sa desisyon ni Kristina, hindi niya inakalang kakagatin ng anak ang alok na iyon. Sa isip ni Kristina, alam niyang taktika lamang iyon ng Daddy niya pero nangako siya sa sarili niyang panghahawakan niya ang alok na iyon at magbubunga ito ng maganda.

Tahimik na nilisan ni Kristina ang study room, mabigat man sa loob niya ang desisyon ng ama na abandonahin siya sa pag-aaral niya sa kolehiyo, pinili na lang niyang tingnan ang mas positibong parte ng desisyon niya.

"Magiging masaya ako, promise," pangako niya sa sarili niya.

--

"Congratulations Tristan! You are bound for this son," bati ni Miguel sa anak.

"Thanks Dad," tipid na sagot ng binata.

Mabigat sa loob ni Tristan ang pagsabak niya sa mundo ng negosyo pero katulad ng palaging apila ng konsensiya niya, " sa ayaw at sa gusto mo, dito ka rin mapupunta." Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kapalarang ito pero sa tuwing nakikita niya ang mga magulang at kapatid niya batid niyang nasa tamang landas siya. Alam niyang masasanay rin siya sa buhay na ang tanging laman ay negosyo, pera, at legacy.

--

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon