Game plan

131 4 0
                                    

"Yun lang yung dahilan niya ng pag-iwan sa'yo sa ere Tin?" Paulit-ulit na tinatanong ni Erika ang kaibigan tungkol sa muling pagkikita ng dating magkasintahan.

"Dahil lang sa natakot siyang 'di mo matupad ang mga pangarap mo? E tingnan mo nga ang nangyari, naging direktor ka ba?"

Hindi nalang sumasagot si Kristina dahil tama naman lahat ng naririnig niya galing kay Erika.

"Bitch," tawag ni Kristina sa kaibigan.

"Ano? Totoo naman di ba? Tama lang pala na hindi kayo nagkatuluyan nung boy-next-door na yun, hindi ka naman niya kayang ipaglaban e."

Huminga ng malalim si Kristina, naninikip na naman ang dibdib niya. Hindi na niya masukat kung gaano kalalim ang mga bumabaon na sugat sa kanya. Sugat mula sa ama niya, sugat mula kay Noah, sugat mula sa sitwasyon niya, sugat mula sa hindi matupad tupad niyang pangarap at sugat mula sa masasakit na salita ni Tristan.

"Erika! Gusto kong umalis muna, lumayo, nakakapagod na maging ako. Pumunta na tayong Batanes, 'di ba usapan natin yan noon?"

Sandali namang natulala si Erika sa kaibigan. Nang matauhan ay agad niyang binatukan ito.

"Aray naman! Para sa'n yun?"

"Gaga ka! Isasama mo pa ko sa pag-eeskapo mo?"

"Ayaw mo? Oh e 'di ako nalang."

Binato ni Erika si Kristina ng magasing hawak niya.

"Erika ano ba!" sigaw ni Kristina.

"Aalis ka kung kailan nakalatag na lahat ng mga hinanakit mo sa buhay. Kristina, harapin mo na yan lahat ngayon para mawala na yang mga sakit na nararamdaman mo."

"Lola," padabog na bulong ni Kristina.

"Puwede ba for once makinig ka naman hindi puro pagmamatigas ang pinapairal mo."

"What do you want me to do? Makibagay sa kanila, magpaalila. God Erika, been there done that. Ayoko na! All I want is just a break, is that to hard to ask for?"

"Ayan, bumabalik na naman ang pag-iingles mo. Ibig sabihin, unconciously hinahayaan mo na ang sarili mong mapabilang ulit sa mundo nila, sa mundo mo, kung saan ka talaga nababagay."

Tinakpan naman ni Kristina ang bibig niya dahil hindi niya namalayang nagsasalita na naman siya ng dayuhang linggwahe. Hindi naman sa ayaw niya sa ingles, ayaw niya lang na magaya siya sa mga taong nakapaligid sa kanya na panay ang pag-iingles. Mabilis niyang ibinagsak ang sarili niya sa kama ni Erika. Alam niya kasing hindi na naman siya titigilan ng kaibigan hangga't hindi siya nito napagbabago ng isip.

"Kristina San Antonio!" galit na sigaw ni Erika. Nagtakip naman ng unan si Kristina.

"Hoy Mrs. San Antonio!" pag-uulit ni Erika. Hindi nagustuhan ni Kristina ang naging pagtawag sa kanya ni Erika kaya bumangon ito at hinarap ang kaibigan.

"Wag mo akong matawag tawag na Mrs. San Antonio kung ayaw mong ma-FO tayo!" pagbabanta niya sa kaibigan. Ngumisi lang si Erika na lalong ikinairita niya.

"Hanggang ngayon ba naman Tin, wala padin?" pang-aasar ni Erika.

"Wala at hindi magkakaroon," pagmamatigas ni Kristina.

"Wala ka pa rin bang nakikitang magandang side sa kanya?" pagbabalewala ni Erika sa pagtataray niya.

Sandaling napaisip si Kristina at dumako ang isip niya sa gabing nagkasakit siya at inalagaan siya ni Tristan. Hindi niya inakalang marunong palang maawa iyon. Napansin ni Erika ang pananahimik niya. Kaya pinaulanan naman siya ng hinala ni Erika.

"So there is?" nakangising tanong ni Erika.

"Tss," umirap si Kristina at nagpatuloy, "wala kang idea kung gaano siya kasama, makasarili, walang ibang alam isipin kundi ang pera at ang kapakanan niya. Akala mo pinikot ko siya kung makapagsalita."

"Anong gusto mong mangyari ngayon?" biglang pagseseryoso ni Erika.

"Wala gusto kong lumayo, gusto kong mainis nalang siya para hindi na kami magpansinan baka kung ano pang magawa ko, mabugbog ko pa 'yon!" nagngingitngit na sabi ni Kristina.

"E bakit hindi ka nalang makipagkaibigan sa kanya? Gawin mo yung mga bagay na gusto niya."

"Ano? Hindi na. Wag nalang. Ayokong i-satisfy yung taong yun. Napakademonyo niya."

"Trust me, kapag in good terms na kayo hindi ka na niya papansinin at matatahimik narin ang buhay mo," nakangiting suhestiyon ni Erika.

"Erika saan na naman ba napunta yung logic mo? Sira ka na ba?"

"Oh ito, basahin mo!" utos ni Erika at ibinato ang isang magazine kay Kristina.

"Ano 'to?" nagmumurang tanong ni Kristina.

"Like duh bitch, magazine 'yan."

--

Kanina pa tinititigan ni Kristina ang hitsura sa salamin. Paulit ulit niyang sinusuklay ang buhok gamit ang kamay niya.

Napapangisi siya nang maalala niya kung paano nadismaya si Erika sa ginawa niya.

"Kristina bakit ka magpapagupit? Di ba nga sabi sa magazine naattract siya sa mga babaeng mahaba ang buhok!" panggagalaiti ni Erika habang nasa harapan ng salamin ang kaibigan sa parlor na pinagpagupitan niya.

"Exactly, ayokong i-satisfy siya. Mas maganda na 'to para hindi na niya ko mapansin. Isa pa ang sarap kaya sa pakiramdam na naiinis mo yung kaaway mo," nakangising paliwanag at depensa ni Kristina.

"Ewan ko sa'yong babae ka, napakatigas mo, napakacold. Siguraduhin mong hindi magbabackfire lahat ng ginagawa mong pang-iinis diyan sa asawa mo!" litanya ni Erika.

Umiiling na lang sa harapan ng salamin si Kristina dahil sa paghuhuramentado ni Erika sa parlor.

DeadendWhere stories live. Discover now