Unleash the bitch

114 1 2
                                    

Matalim na tinititigan ni Kristina ang ka- meeting nilang si Mr. Cinco. Naaalala niya ito, isa ito sa mga pumalpak niyang deal noon. Mayaman ang pamilya ng lalaki, wala pa itong sariling pamilya pero kilala siya bilang loyal na fiancé, na anak rin ng isang kilalang negosyante sa Cebu. Napapangisi nalang siya kapag naaalala niya iyon.

Sa itinatakbo ng usapan nila ngayon mukhang walang balak pumayag ni Mr. Cinco sa inaaalok na deal ni Tristan. Maya't maya naman ang sulyap ni Mr. Cinco kay Kristina, na walang ibang ginawa kundi ang makinig lang sa usapan nila at lantakan ang salad at mango juice na nakahain sa hapag.

"I don't think our well-established cafe would fit in your new project, Tristan," kanina pang paulit-ulit na argumento ni Cinco kay Tristan.

"You must've forgotten, this project stands at center of four cities, isa pa malapit sa airport. This will be a gateway of foreigners and travelers from around the world to the country."

"You must've also forgotten that we cater locals, that's why all our stores were built on the biggest provinces in the country."

"Then, maybe it's time for your stores to reach the biggest city nationwide."

"I'll still have to think about it, you know, lilihis 'to sa nakasanayan ng kumpanya," ani Cinco.

"Okay, if that's what makes you comfortable, Mr. Cinco," pagpayag ni Tristan sa mas bata sa kanyang businessman.

Hindi nalang pinahahalata ni Kristina ang pag-iling-iling niya dahil hindi siya naniniwala sa mga pinagsasabi ng lalaki. Alam niyang nagdadahilan lang ito dahil may iba pa siyang gustong makuha. Kung tutuusin naman ay hindi na kailangan pang lumapit ang SA&S sa mga katulad nilang negosyante dahil kahit maupo sila sa opisina ay may lalapit at lalapit sa kanilang mga partners at investors.

Pero bigla nalang hindi napigilan ni Kristina ang sarili at nakapagsalita na, "tsss, akala mo naman kung sinong kawalan 'to, tangina, wala namang binatbat," pabulong niyang kumento kaso hindi niya napansing narinig parin ito ng mga kasama.

Mabilis na napabaling si Cinco at Tristan sa kanya. Patay malisya nalang niyang sinuklian ang mga nagtatanong nilang tingin sa kanya.

"Bakit? E totoo naman, alam mo nagsayang lang tayo ng oras dito e," taklesa niyang bitiw.

"Tsaka sinama mo pa 'ko," mahinang paninisi niya sa desisyon ni Tristan.

"I actually asked him to bring you," nakangiting bunyag ni Cinco, dumungaw pa ang mga biloy niya sa ngiting 'yon.

"Bring? Ano 'to, bagay ako?" sarkastikong reaksyon ni Krsitina.

Wala namang ibang nagawa si Tristan kundi ang hawakan nalang ang kamay ni Kristina na nasa ibabaw ng mesa bilang paumanhin.

Inalis niya ang kamay sa pagkakahawak ni Tristan at saka muling nagsalita.

"E kung gano'n bakit hindi ka parin pumapayag?" masungit niyang usisa kay Cinco.

"You're still have that kind of confidence, don't you?" nakangising ganti ni Cinco.

Dumampot si Kristina ng buhok niya saka iyon ipinaling sa kaliwa, senyales na naiirita na siya sa presensya ng kaharap. Tandang tanda niya pa ang huli nilang pagkikita at tuwing naaalala niya 'yon ay parang gusto niyang pilipitin ang ulo nito.

"You haven't seen me on my best, Bryan, you wouldn't want to see that tonight, would you?" nakangisi na namang sabi niya.

Magsasalita na sana si Tristan nang biglang tumunog ang cellphone niya.

DeadendWhere stories live. Discover now