Get lost

165 7 0
                                    

"Can't you do something right?" bulyaw  kay Kristina ng boss niya. Ganito na lang palagi ang eksena, masuwerte na siya kung may isang araw siyang hindi nabebengga.

Hindi niya pinangarap na magtrabaho sa sarili nilang kumpanya kaya nang makapagtapos siya ay nagtrabaho siya bilang isang researcher sa isang TV Network. Dalawang buwan lang ang itinagal niya roon dahil sa bigat ng trabaho.  Halos umuuwi na lang siya sa bahay nila para kumain at maligo lang. Hindi niya pinangarap na gumising araw-araw at manalangin na sana gabi na ulit para matapos na ang isa na namang araw niya sa impyerno. Ang masaklap, hindi man lang siya kayang buhayin ng sinasahod doon.

Pagkaalis niya sa trabahong iyon, pakiramdam niya, ipinako na siya sa krus. Hindi niya aakalaing mas matindi pa pala ang magiging trabaho niya sa kumpanya ng pamilya niya. Magaan nga lang ang trabaho kumpara sa nauna pero nagkaroon naman siya ng guwapo nga pero malademonyo namang boss.

Hanggang sa panahong ito ay bihira na siyang kausapin ng Daddy niya. Tila nawala na ang pagmamahal nito sa kanya. Inaamin niyang may kasalanan siya at sinuway niya ang mga kagustuhan niya pero hindi ba't pinaghirapan din naman niya ito at hanggang ngayon pinahihirapan pa rin siya.

"It's not my fault," mariing depensa niya. 

"All the Silvestres I know have manners, where are yours?" insulto sa kanya ni Tristan.

Gusto niyang murahin at sampalin ang lalaki na nasa harapan niya ngayon ngunit alam niyang hindi niya puwedeng gawin dahil pangalan niya at ang tiwala sa kanya ng Daddy niya ang nakataya.  Alam niya na simula nang magtrabaho siya dito ay trabaho na ni Tristan ang maliitin siya. Malamang parte ito ng pagbabayad niya sa lahat ng nagawa niyang mali, realisasyon niya.

"If I know where they are, you wouldn't be asking that question. Now if you'll excuse me,  sir, I have tons of paperworks waiting for me on my desk," nang-uuyam niyang bato kay Tristan.

Tumalikod siya hindi sa iisang tao kundi sa buong departamento nila. Hindi lang siya basta-basta sinisigawan ni Tristan, ipinapahiya pa siya nito. Kahit kailan hindi masikmura ni Kristina ang mga pagpapahiyang katulad noon.

Madalas, pinapalipas niya na lang ito sa rooftop o kaya naman ay hihintayin na lang niya ang gabi para mailbas lahat ng sama ng loob na kinikimkim niya.

"Fuck you, San Antonio!" mala-mantrang ibinubulyaw ng isip niya bawat oras, araw-araw.

Sa kabilang banda, huminga na lang nang malalim si Tristan saka nilisan ang kuwartong iyon at nagtungo sa sarili niyang opisina. Gustung-gusto na niyang tanggalin sa departmento niya si Kristina pero hangga't wala pang utos galing kay Edgar ay hindi niya pa ito puwedeng gawin. Ngayong umaga, napuno na siya at isa pang pagkakamali niya ay ipapatapon na niya ito sa charity department nila.

"Isa na lang Kristina, isa na lang," wala sa sarili niyang hayag nang nasa loob na siya ng opisina.

Makalipas ang isang oras, pinaakyat si Tristan sa opisina ng presidente nang makasalubong niya si Kristina. Ngayon niya lang napansin ang suot nito, nakapencil cut na black skirt, white t-shirt sa loob at nakablue na coat, nakatali ang lahat ng buhok niya. Maraming nagsasabi na hindi nga mukhang anak mayaman si Kristina. Kung hindi lang alam ni Tristan na isa siyang Silvestre, iisipin niya ring isa lang siyang normal na empleyado rito pero ang tindig at pagdala niya sa sarili niya ang nagpapatunay na isa siyang Silvestre.

Mapula ang mga mata niya nang mahagip iyon ng tingin ni Tristan. Batid nito na galing siya sa pag-iyak. Tiningnan lang siya ni Kristina at saka lumabas ng elevator na papasukan niya. 

"She deserves it," sa isip isip niya para paalisin ang namumuong konsenya.

--

"Naku, titirisin ko talaga 'yang San Antonio na 'yan pag tumaas na ang posisyon ko sa kumpanya," galit na galit na kuwento ni Kristina kay Erika.

"Nakita ko na siya sa magazine, Tin sobrang gwapo niya pero pangit ba talaga ang ugali niya?" usisa ng kaibigan.

"Oo, sobra. Nandito ba ako sa harap mo halos linggu-linggo kung hindi? Mag-isip ka nga!" binatukan niya pa ang kaibigan niya.

"Okay lang 'yan, you'll get through this. 'Wag ka nang umiyak, minsan na nga lang tayo magkita tapos iiyakan mo lang ako. Aalis na lang ako kung ganyan ka," anito.

"Aalis ka e, nandito tayo sa bahay mo, Erika stop trying to be funny hindi ka nakakatulong,"sita niya saka nagpunas ng luha at niyakap si Erika.

"Why are you still staying? You know you can always run away and reach your dreams," ani Erika kahit alam naman niya ang sagot sa tanong niya.

"You know I can't do that, I just can't run away," sagot niya.

"It's not your fault that you're in this situation right now, you don't deserve this, Tin," mariing pahayag ni Erika na siya naman ikinabuhay ng loob niya pero sa huli hindi pa rin niya magagawang tumakbo. Alam rin naman niyang kakayanin niyang makipagsabayan sa demonyo.

--

"What went wrong this time, Kristina?" Lunes na Lunes, si Kristina na naman ang pinagdidiskitahan ni Tristan. Ayaw sana niyang ipahiya si Kristina ngunit may kung anong hindi maipaliwanag na elemento ang nagtutulak sa kanya para gawin iyon sa dalaga.

"Have you not seen the reports?" pabalang na sagot naman ni Kristina sa kanya.

"Just answer him politely, Kristina, para matapos na 'to," bulong ng kasamahan niyang si Rose. 

Nararamdaman ni Kristina lahat ng mga matang nakapalibot sa kanya, pati ang mga hiningang pigil ay naririnig niya.

"Is that the way you talk to your boss?" ganti naman ni Tristan, "Maybe I can talk to the President," dagdag nito, "And fire you," pananakot niya. Ngunit mukhang hindi natitinag si Kristina na siya namang ikinaiinit ng ulo ni Tristan.

"Go ahead, you have my blessing, I'd love to be fired. Sir!" mariing hamon niya saka tinalikuran lahat ng mga mukhang hindi niya maunawaan kung sumisimpatya o naaawa lang o namamangha kabilang ang inis na inis na mukha ni Tristan.

"Try me San Antonio, I can't feel anything now. I love pissing you off," nagngingitngit niyang bulong pagkatalikod.

Kinabukasan hindi pa rin mawala ang init ng ulo ni Tristan, hindi niya alam kung paano niya maalis sa buhay niya ang prinsesa ng mga San Antonio.

"Ang tapang niya porque alam niyang kumpanya rin nila ito," reklamo niya sa kausap sa kabilang linya -- si Joshua, ang matalik niyang kaibigan.

"Pare, baka naman kasi type mo kaya naapektuhan ka nang ganyan," natatawang buyo ni Joshua sa kanya.

"That will never happen. Alam mo kung ano ang dahilan at alam natin pareho na wala na akong magagawa para makaalis sa sitwasyong 'to," aniya .

"You'll never know what can happen, malay mo ma-inlove ka na ulit," biglang naging seryoso ang tono ng boses ng kaibigan.

"No thanks, bro. I'd rather not," tanggi niya.

"I've seen Kristina few days ago, she's pretty pare," ayaw pa rin siyang tigilan ni Joshua.

"Gutom ka lang Josh o baka nabubulag ka na," kung nakikita lang ngayon ni Tristan ang kaibigan malamang umiiling na iyon ngayon.

"Then why can't you fire her?" usisa nito.

"You know she's not fire-able," a-matter-of-fact niyang sagot.

"Is that even a word?" natatawang sagot ng isa.

"I regret calling you bastard!"

"My pleasure, bastard. See you in your most important day. Good luck, pare!" asar pa nito.

Ibinaba ni Tristan ang tawag. Lalo lang nadagdagan ang inis niya. Gusto na lang niyang magkulong sa opisina at lumaklak ng alak hanggang sa makatulog.

Tatayo na siya nang may pamilyar, balingkinitan, maganda, at mestisang babae ang walang habas na pumasok sa opisina niya. Si Grace. Nakilala niya noong isang linggo sa taunang victory party ng pamilya nila.

"Maybe, this is just what I needed," bulong niya sa sarili habang pumapasok ang babae.

--

DeadendWhere stories live. Discover now