Don't leave

77 3 0
                                    

Mabilis na napadilat si Kristina sa boses na nanggaling sa lalaking tumabi sa kanya. Agad niya ring inalis ang ulo sa pagkakasandal dito.

Si Tristan, pagtataka niya.

"Magsasara na 'tong café, we need to go," nagsalita siya ulit.

Tinraydor na naman siya ng puso niya. Ang bilis bilis na naman ng tibok nito. Naiiyak na naman siya dahil may sarili na silang - puso at isip niya - buhay.

"Ba't ka nandito?" tanong niya kay Tristan.

"Sinusundo ka. Let's go," kaswal nitong anyaya sa kanya.

Baliw na ba 'to? Eskandalo ng utak niya.

Pagkatapos niya itong iwan sa gitna ng kalsada ay nahanap pa siya nito at sinusundo pa siya ngayon.

"Ma'am in five minutes magsasara na po kami," sulpot ng isa sa mga trabahador sa café.

"Come on," mahinahon ang tonong iyon ni Tristan.

"I'll wait for you outside." Tumalikod na ito at nagsimulang lumabas.

"Ano na naman 'to?" Tila nawawalan ng lakas na tanong niya sa sarilii nang makalabas na si Tristan. Sumunod na rin siya pagkaraan.

Nadatnan niya itong nakatayo sa labas, pinapaikot ang susi ng sasakyan gamit ang mga daliri. Lumingon ito nang maramdamang papalapit na siya sa kanya.

"Alam ko na kung anong gagawin para matapos na 'to," bitaw ni Kristina nang magsimula nang maglakad papunta sa sasakyan niya si Tristan.

"I'll stay."

Nilingon siya ni Tristan. Tinitigan siya, walang binitiwang salita, naghihintay.

"Hindi na ako aalis o lalayo, dito lang ako, sa tabi mo," mas detalyado niyang pahayag.

Walang mapulot na salita si Tristan, tinititigan niya lang si Kristina, tinatantiya kung totoo ba ang sinasabi nito.

May dalang gaan sa pakiramdam kay Tristan ang mga sinabi ni Kristina, hindi niya maipaliwanag ngunit para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Hindi ako aalis hanggang sa hindi ko na kaya. Siguro kailangan kong ubusin lahat para kapag wala nang natira mas kaya ko nang umalis," paliwanag muli ni Kristina.

"Tin," 'yon lang ang nasabi niya, dahil sa totoo lang hindi niya alam ang sasabihin o ang dapat maramdaman.

"Ayoko lang na may pagsisihan sa huli, Tristan. Baka nga nagkakamali lang ako, baka nasanay na lang din ako na nandiyan ka. Sasanayin ko pa 'tong sarili ko hanggang sa magsawa," mabibigat na pahayag nito

"Tin," lumapit si Tristan, at hinawakan siya sa magkabilang balikat, "Puwede namang katulad lang ng dati hindi ba? Walang gulo. Hindi nag-aaway. Kaya mo naman 'yun 'di ba? Just don't leave," pakiusap niya.

Tss, wala ka nga talagang puso, San Antonio, tahimik niyang kumento.

Tumango na lang siya sa hiling na 'yon ni Tristan. Tama naman siya, babalik na lang ulit sa dati kung kailan kaya niya pang pigilan ang sarili.

Pagkatapos noon ay hinalikan siya ni Tristan sa noo, tumagal ng ilang segundo saka kumawala, naglakad papasok sa sasakyan.

"May sasakyan ako," paalam ni Kristina nang pagbuksan siya nito ng pintuan.

Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito basta na lang niyang tinungo ang sasakyan niya at agad na pinaandar.

Nang makita niyang sinusundan lang siya ni Tristan habang nagmamaneho ay hindi niya napigilang mapangisi. Nakailan na ba siya ngayong araw? Nagiging paborito na niya iyong mannerism.

DeadendWhere stories live. Discover now