Reckless Kristina

60 2 0
                                    

"Okay ka lang?" tanong ni Samantha kay Tristan na halatang hindi mapakali kanina pa. Minsan ay tatayo ito at mananatili malapit sa bintana ng inn, titingin sa labas na parang may inaabangan. Sandali lang ay uupo na naman ito habang nakayuko at nakasalikopang mga kamay, nakapatong ang mga braso sa hita.

"Yeah," tipid niyang sagot kay Samantha.

"The other guys, including Mr. Chua and Lizardo, wanted to try camping since the weather's nice naman," paalam sa kanya nito.

"Okay, then we should join them," sabi niya.

"Yes, I think, we should, sasama na lang ako kay Liza," ani Samantha, tinutukoy niya ang assistant ni Tristan.

"It's cold, sigurado ka ba?"

"I want to try also. And if our investors want that, we should say no," pinal na pahayag ni Samantha.

Pagkalipas ng isang oras na kwentuhan kasama sina Mike at Mia ay nagtungo na sila sa campsite malapit sa vegetable farm. Hindi naman umuulan kaya mas naengganyo ang mga ito na magtayo na lamang ng tent na tutulugan.

Sadya nga lang malamig at halos wala nang makita dahil sa fog na bumabalot sa lugar.

Natigil ang lahat sa ginagawang pagtatayo ng tent nang makarinig sila ng ingay ng motosiklo. Hindi lang kasi iyon basta motorsiklo na karaniwang ginagamit araw-araw kundi isang motorsiklong pangharabas.

Lahat sila ay halos lingunin at panoorin ang bawat galaw ng motorsiklo pati na rin ang nakasakay rito.

"Tsk, sabi ko na nga ba, ang tigas talaga ng ulo manang oh!" protesta ni Mike dahil alam na niya kung sino ang nakamotorsiklong bigla na lang gumagambala sa kanila.

Napahinga nang malalim si Mia saka nilingon ang kinatatayuan ni Tristan. Sinenyasan niya ito gamit ang pagkurap.

Tumigil ang motorsiklo at akmang bababa na ang nagmamaneho ng magkumento ang isang investor, si Lizardo, "That badass bike, bro, cool," puri niya habang lumalapit sa driver na nakababa na rito.

Nagulat siya pati na rin ang iba nang magtanggal ito ng helmet at ibinunyag nito ang mukha ng isang babae - si Kristina.

"Wow, that surprised me," namamanghang pahayag ni Lizardo.

"Damn girl," mahinang reaksyon ni Tristan.

Seryosong inilapag lamang ni Kristina ang helmet sa motosiklo at nagtanggal ng gloves. Nakasuot ito ng itim na leather jacket, puting blusa na turtle neck ang panloob, itim na pantalon at nakacombat shoes.

Nakatitig lamang si Tristan kay Kristina, walang pinalalagpas sa bawat kilos nito. Wala siyang napansing pagbabago rito, hanggnag balikat pa rin ang buhok niya, mukhang hindi na niya iyon pinahaba. Ganoon pa rin ito tumingin, maangas pa rin ang datingan niya pero hindi niya maipagkailang gandang ganda at hangang hanga siya sa nakikitang hitsura ni Kristina.

"Ang tigas ng ulo mo 'no? Sabing 'wag mo nang gagamitin 'yan e, ilan na ba ang nadisgrasya gamit 'yan?" nagagalit na nilapitan ni Mike si Kristina.

"Easy, hindi ko kasalanan kung bano ka magmaneho ng motor Mike," pang-aasar pa ni Kristina rito.

"Sabihin mo 'yan sa'kin kapag nakahandusay ka na sa daan habang nakadagan sa'yo 'yang motor na 'yan. Ang hirap din naman kasi kay Knight, pinahiram niya pa sa'yo e. Type ka kasi nun e," nagmamaktol na reklamo ni Mike.Hindi niya napapansing pinanonood na sila ng mga kliyente nila.

"Sisihin mo 'yung kaibigan mo, ang bilis niya kasing pumayag e," ganti ni Kristina bago takpan ang magkabila niyang tainga dahil nahihinuha na niyang hindi siya titigilan ni Mike.

"Mia, patahimikin mo nga 'tong kapatid mo, pasalamat nga siya nakarating pa 'ko rito e," pang-aasar niya kay Mike habang nilalapitan si Mia.

"Magpapasalamat din ba kaming kahit magdidilim na you still dared to ride on that thing?" seryoso at nakakatakot na bitaw ni Tristan na siyang nagpakawala sa lahat ng kaangasan sa katawan ni Kristina.

Ayaw na sana niyang lumingon ngunit kailangan niyang makasigurong hindi iyon guni-guni lang.

Unti-unti, iginalaw niya ang mga paa pabalik. Pinasadahan ang mukha ng bawat taong naroon. Takot at lihim na nagdarasal na sana nagkamali lang siya ng rinig.

"Godamnit, you're so reckless," angil nito sa kanya.

Unti-unti nag-angat siya ng tingin, mula sa kamay nitong nakakuyom, sa dibdib na hindi patibag, sa labi, ilong hanggang sa matang punong puno ng halo halong emosyon.

"I always am, am I not?" naghahamong sagot niya.

"Hi, I'm Lizardo, ikaw ba yung sinasabi nilang videographer namin? I thought you were a guy, holy fucking shit, ngayon pa lang nagpapasalamat na 'kong um-oo ako sa trip na 'to. Thanks, man," tinapik ni Lizardo ang balikat ni Tristan saka nakipagkamay kay Kristina.

"Tin," tipid niyang pagpapakilala na hindi nakangiti.

"Fuck," mariing pagmumura ni Tristan, hindi alintana kung nakaharap siya kay Kristina at sa mga investors.

"Kristina?" maya maya pa ay nakalapit na sa kanila si Samantha. "Oh my god! You're here!" hindi makapaniwalang pahayag nito.

"I'm Sam," nag-angat siya ng kamay na tinanggap naman ni Kristina.

"I know."

--

DeadendWhere stories live. Discover now