Dead end

80 3 0
                                    


Matapos ang nakagigimbal na pangyayaring iyon, parang isang buhos ng malakas na ulang nalaman ni Kristina lahat ng pinagkaabalahan ni Tristan noong mga panahong iniwan niya ito.

Mula sa nanay ni Tristan -- Sylvia -- hanggang kay Joshua, nalaman niya ang kaliit-liitang detalye kung bakit nauwi ang lahat sa ganoon.

Isang araw matapos ang insidente, nakatayo siya sa labas ng ICU, pinagmamasdan si Tristan mula sa salaming naghihiwalay sa kanila. Iba't ibang aparato, tubo at kung anu-ano pa ang nakakabit sa katawan nito. Hirap na hirap siyang pagmasdan iyon, naninikip ang dibdib niyang isipin na ang aparato sa tabi ng nakaratay niyang katawan ang nagdudugtong sa kanila sa katapusan at pagsisimula.

Nilapitan siya noon ni Sylvia at walang pahintulot na nagkuwento.

"When you left, we couldn't talk to him. Either he's always drunk, sulking at home alone, or just doesn't speak. I lost it when one time, he look me in the eyes, stared blankly and asked me if he's not worth the love? Hindi ko pa alam noon kung anong ibig niyang sabihin but when I learned what happened I cannot pull myself to tell him to go on and continue with his life," saad ni Sylvia.

"He was like that for roughly four months. Isang araw, bigla na lang siyang dumalaw sa'kin na parang walang nangyari, doon ako mas lalong nag-aalala. Pumapasok na uli siya sa trabaho, halos puro trabaho na lang siya simula no'n. Akala ko nakaisip na siya ng resolve sa depression niya, akala namin may gagawin siyang hindi maganda kaya bantay sarado kami noon nang hindi niya alam," bunyag nito.

Doon niya nilingon ang kausap, nakakunot ang noo, nanghihingi ng kumpirmasyon sa mga narinig.

"But then after some time, napatunayan namin na normal na ulit siya. Hindi na siya nagdadamdam. Siguro nakapag-isip isip na."

Nanliit siya sa mga ibinunyag ni Sylvia. Nanliit siya sa sarili. Ang akala niya'y mas matindi na ang pinag-daanan niya. Mas matindi pala ang sa mga taong iniwan niya at pilit tinakbuhan.

Sa tuwing nagmamaneho siya, katulad ngayon, at nag-iisa, solong pinabaybay ang lugar na iniwasan niyang puntahan ilang buwan matapos ang pamamaril, bumabalik sa alaala niya ang mga rebelasyong ibinunyag ng bawat isa sa kanila.

Dalawang linggo na noon si Tristan sa ospital. Minsan siya ang nagbabantay kapag wala siyang shoot. Madalas silang nag-aabot ni Joshua. Isang gabi niyaya siya nitong magkape sandali, pumayag naman siya.

"He made it on purpose na suportahan ang foundation under my name. Noong una ayaw niya pang malaman mo kasi baka raw isipin mo nagpapa-good shot siya sa'yo when in fact, kahit hindi niya sabihin, 'yun naman talaga ang agenda niya," tatawa-tawa at pailing-iling na saad ni Joshua.

Katulad noong kausap siya ni Sylvia, wala siyang masabi.

"One time, I think it was the second month you were in Benguet, pinilit ko siyang ipakausap sa isang psychiatrist. Galit na galit siya, nasuntok pa nga ako. Sabi niya hindi raw siya baliw but clearly, he was depressed. Nagsasalitan kami sa pakikipag-usap sa kanya noon baka kasi may gawin. Kaya lagi kong panakot sa kanya 'yung nakahanda na ang ward sa kanya," kuwento nito.

"I can't imagine," tipid na kumento niya dahil iyon lang naman ang kaya niyang sabihin, totoo rin naman iyon.

Kahit pa alam na niya noon ang dahilan kung bakit pinagbabaril si Tristan, nakinig na lang siya sa kuwento ni Joshua. Ang sabi nito binalikan daw lahat ni Tristan ang mga negosyanteng "nanggago" kay Kristina noon, ang totoo niyan simula noong nalaman niya ang kuwentong iyon ni Kristina -- katulad ng naging karanasan niya kay Mr. Cinco -- nagsimula na niyang sirain ang mga karera ng mga taong iyon.

DeadendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz