Intruder

101 4 2
                                    

Pagdating ni Tristan, napansin niya ang hindi pamilyar na babae na umaakyat ng hagdan ng bahay nila. Maiksi ang buhok at hindi na ito natatakpan ang batok niya. Napansin niyang nakapambahay lang iyon at mukhang alam na alam ang pasikut-sikot sa lugar.

Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa hagdan, "Who are you?" tanong niya. Natulala siya nang humarap iyon sa kanya.

"Bakit?" mapait na sagot ni Kristina. Saka lamang napagtanto ni Tristan na hindi ibang tao ang kaharap niya, pareho lang ang hubog at tangkad niya pero hindi niya agad nakilala dahil sa maikli nitong buhok. Sa pagkakataong iyon, humanga si Tristan sa hitsura ni Kristina. Totoong mas nagagandahan siya sa babeng mahaba ang buhok pero nang makita niya si Kristina parang nagbago iyon. Sa sandaling pagkakatitig sa malaanghel ngunit matapang na babae sa harapan niya nakalimutan niyang iyon ay si Kristina, ang babaeng kinamumuhian niya.

"Nothing, I thought you were some intruder," putol niya sa pagkakabalisa niya sa mapang-akit na hitsura ni Kristina.

Tumalikod na si Kristina at dumiretso sa kwarto niya. Hangga't maaari ayaw niyang nakakausap si Tristan.

--

"Hi sexy!" bati ni Joshua kay Kristina.

"Hi," malamyang sagot naman ni Kristina.

"Halos hindi kita nakilala, what's with the new look, sexy?" usisa ng binata.

"Bagong gupit lang, new look na? Buhok lang naman ang nabago."

"You look hotter and braver," puri ni Joshua na halata namang walang halong pang-aakit, yung ekspresyon niya para lang nagbibigay ng direksyon.

"Ewan ko sa'yo, Tim!"

"Tim?" nagtatakang ulit ni Joshua.

"Timberlake," tugon ni Kristina na may halong ngisi. Napangiti nalang sa kawalan si Joshua.

Habang nagwowork-out si Kristina ay hindi maiwasang bumuntot ni Joshua para alamin ang kanina pa gumugulo sa kanya.

"Bakit ka nagpagupit?" usisa niya.

"Bakit ba? Bawal na ba magpagupit?"tanong din ni Kristina.

"Just answer the question," utos ni Joshua.

"I just want to get rid and piss off some person," sagot ni Kristina na nauubusan narin ng pasensiya sa kakatanong ni Joshua.

"Now you're pissed off, nag-i-english ka na e," asar nito sa babae. Hindi nalang umimik si Kristina. Sa totoo lang naririndi na siya sa kausap.

"Is it your husband that you're trying to get rid of?"

Hindi sinagot ni Kristina ang tanong ng kaibigan.

"Sa tingin mo maiinis siya kapag nakita niyang ganyan ang buhok mo?" usisa ni Joshua.

"Alam kong ayaw niya sa mga maiiksi ang buhok," matipid na paliwanag ni Kristina.

"Where did you get that idea?" mukhang hindi makapaniwalang tanong ni Joshua.

"Magazine, kung saan siya nafeature noon," nag-aalangang sagot ni Kristina na parang hindi rin siya makapaniwalang sinunod niya ang nasa magazine na 'yon.

"And you believed what the magazine said? I can't believe you're that desperate to get rid of him," tatawa tawang kumento ni Joshua.

"Pwede ba Joshua, wag kang ngawa nang ngawa diyan, magwowork-out ako," pag-iiba ni Kristina sa usapan.

"Okay, hintayin kita sexy. Let's have coffee," nakangising alok ni Joshua.

Sanay na si Kristina, palagi siyang inaanyayahan ni Joshua sa tuwing nagpupunta siya sa gym. Dahil nga roon naging mas malapit na sila sa isa't-isa.

"Wala ka bang girlfriend at palagi nalang ako ang niyaya mo?" usisa ni Kristina, madalas niya ring gamitin ang linyang 'yon.

"E kung pwede ka lang sana e," tatawa-tawang sagot ni Joshua.

"Hindi nalang 'no!" binato ni Kristina ng tuwalya si Joshua ngunit tinalikuran lang siya nito nang tumatawa.

"Ikaw rin, tatanda kang binata diyan," pahabol ni Kristina pero hindi na lumingon si Joshua.

Halos umabot ng tatlong oras ang pagkukwentuhan ni Joshua at Kristina sa coffee shop na palagi nilang pinupuntahan. Halos hindi na nga rin nila magawang tapusin ang usapan nila hanggang sa tumunog ang cellphone ni Kristina.

"Where are you?" tanong ng nasa kabilang linya. Si Tristan.

"Bakit?" balik ni Kristina.

"Fetch me now, may pupuntahan tayo," utos ni Tristan.

"Okay," agad namang pagpayag ni Kristina. Hindi pa rin siya sanay na naririnig ang boses ni Tristan sa telepono at lalong hindi parin siya sanay na kinakausap siya nito.

"The husband?" tanong ni Joshua nang maibaba na ni Kristina ang telepono niya.

"Oo, una na 'ko," paalam ni Kristina. Pero bago pa man siya makaalis ay napabaunan pa siya ng nakakapanibagong mahigpit na yakap galing kay Joshua. Hindi nalang ito pinansin ni Kristina at nagsimulang maglakad palabas ng café.

Napapangisi na lang si Joshua dahil lumalaki na ang paghanga niya sa asawa ng bestfriend niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit wala man lang ni katiting na pagtingin si Tristan kay Kristina.

--

DeadendWhere stories live. Discover now