Failed proposal

93 4 0
                                    

Sa labas ng isang bar sa Taguig, nagpaalam na si Tristan sa mga kaibigan at pumasok sa sasakyan para ihatid ang dalawang lasing nang kaibigan.

"Josh, ba't di ka nagdala ng sasakyan?"

"Nandiyan ka naman e, tsaka alam kong hindi ka malalasing dahil kasama mo siya," tinuro niya ang babae sa likuran ng sasakyan. Maganda, balingkinitan, maliit ang mukha, mahaba na kulot ang buhok, makinis ang kutis, sopistikada at mukhang matapang at matalinong babae.

Ngumiti at pailing-iling na nagsimulang magmaneho si Tristan.

"Tell me, I was wrong pare, sinong niloko mo, kaya hindi ka rin uminom ng marami dahil ihahatid mo siya," pangisi-ngisi at susuray suray na ikinakabit ni Joshua ang seatbelt niya.

"Baka hinihintay ka na ng asawa mo ngayon, hindi niya alam na may ihahatid ka pang dalaga na sobrang kinababaliwan mo," tuluy-tuloy na pang-aasar ni Joshua sa kaibigan, pero tahimik lang si Tristan at bigla ngang sumagi sa isip niya ang text na natanggap niya mula kay Kristina kanina.

Inuna niyang ihatid si Sam sa condo unit nito, iniwan na lamang niya si Joshua sa sasakyan niya.

"Careful Sam," mabilis niyang hinablot ang baywang ng dalaga nang muntik itong matumba at inalalayan na itong umakyat sa kwarto niya.

Ihiniga niya ang tulog na dalaga sa kama nito at bago lumisan ay hinalikan niya ito sa noo, "If only you said yes, Sam, I shouldn't be leaving you alone tonight," pahayag niya sa dalagang mahimbing nang natutulog na parang anghel.

Bago lumipas ang limang buwan...

"For heaven's sake Tristan you're getting married!" pilit na pinaiintindi ng dalaga kay Tristan ang sitawasyon nito.

"But I don't want to marry that girl!" katwiran ni Tristan.

"But you have to," malungkot na pahayag ni Samantha.

"Sam, listen. I'm inove with you for the longest time and if I need to marry you right away just to prove you what I feel, I will," bakas ang pagkadesperado sa boses ni Tristan.

"Bakit ngayon lang Tristan? Because you needed a way out? And if you wouldn't have to marry Kristina, you'll still hide your feelings for me?"

"I was afraid to tell you this."

"I like you too Tristan but there's no way I'll get myself into trouble."

"Will you marry me?" agad na bitiw ni Tristan sa linya na ikinagulat ng dalaga pero hindi parin natinag ang pagmamatigas nito.

"I'm sorry but no, Tristan, I can't and I won't, I can't trust someone who pulls a ring out and asks me to marry him just because he needed to."

Parang gumuho ang lahat ng plano at pangarap ni Tristan. Sinisisi niya ang sarili sa kinalabasan ng pag-amin niya kay Samantha. Kung umamin lang siya ng mas maaga at kung hindi niya ipinagsawalang bahala ang lahat hindi sana ganoon ang magiging sagot ni Samantha. Simula pa nang makilala niya si Sam noong kolehiyo sila, nabighani na siya dito, hanggang sa naging magkaibigan sila, naging karamay niya ang dalaga sa bawat hirap at saya na pinagdaanan niya. Lumalim ang paghanga niya sa dalaga ng pumasok ito sa kumpanya nila. Matalino, maabilidad, at palaban na babae si Sam, iyon ang mga katangiang gustung-gusto ni Tristan sa isang babae. Lalo silang naging malapit at habang tumatagal nahirapan siyang aminin sa dalaga ang tunay na pagtingin niya dito dahil sa kasunduang naghihintay sa kanya. Ayaw niyang maging option lang si Sam pero iyon parin ang nangyari.

Kahit kailan hindi naging kanya si Samantha at kahit kailan hindi na niya ito maaaring angkinin dahil sa kasunduang matagal niya nang isinusumpa, dahil sa babaeng matagal niya nang kinamumuhian.

--

Kasalukuyan...

Tahimik at malungkot na lugar ang nadatnan ni Tristan sa bahay nila. Walang bakas ng saya o kahit katiting lang na pag-asa na makakatakas din siya sa sitwasyong kinasasadlakan niya.

Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya dumiretso siya sa kusina, nagbukas ng ref para kumuha ng tubig. Napansin niya ang dalawang cake na nakalagay dito, napakunot siya ng noo. Anong meron? Tanong niya sa sarili. Hindi naman kasi araw-araw na may cake sa ref nila.

"Andyan na pala kayo sir," nagulat siya sa biglang pagsulpot ni Magda.

"Manang Magda, bakit gising pa ho kayo?" tanong ni Tristan.

"Pinagbilin kasi ni ma'am Kristina na asikasuhin ang pagkain ninyo pagdating."

"Bakit? Okay lang kaya ko na."

"Sigurado po kayo?"

"Oo, busog pa naman ako."

"Ah, sige po. Pero kung sakaling magbago ang isip ninyo tawagin niyo lang ho ako."

"Okay thanks, manang."

Nagtataka si Tristan sa biglang pag-aalala ni Kristina sa kanya, o nag-aalala nga ba ito? Pero bakit niya ibinilin kay Manang Magda na asikasuhin ako? Tanong niyang muli.

Paakyat na siya ng hagdan ng magring ang telepono. Agad naman niya itong nilapitan at sinagot.

"Hello, good evening. I'm sorry for the late call but can I speak to Ms. Kristina?"

"Can you hang on for a moment, I'll just call her."

"Uhm, no sir it's okay huwag niyo na hong tawagin, I just want to inform her that she left some important documents at the office, this is Martha, I can't reach her cellphone number so I decided to call her here, by the way may I know who's on the line sir?"

"Her... Husband," nag-aalangang sagot ni Tristan.

"Thank you sir Tristan, happy birthday po ulit kay Ma'am Kristina, thank you po. Pakibanggit nalang na tumawag ako, salamat po," sandaling natigilan si Tristan. Hindi niya alam na birthday pala ni Kristina. At nawala na sa isip niya ang text na natanggap niya mula kay Kristrina kaninang umaga tungkol sa dinner. Bigla siyang napahilamos sa mukha niya.

"Okay, thank you, bye," ibinaba niya ang telepono ng may pagkabigla.

DeadendWhere stories live. Discover now