Kirot at kurot

87 3 29
                                    


Mabigat na pakiramdam ang epekto noon kay Kristina. Ang mga kurot sa tiyan niya ay biglang naging kirot sa puso.

Tumahimik na lang siya at nakiramdam. Nakiramdam hanggang sa bumigat ang balikat niya. Nang lingunin niya ay tulog na pala roon si Tristan.

Umupo siya ng diretso at iniunan ang ulo nito sa hita niya. Hindi na niya pinigilan ang sariling hawiin ang buhok nito, titigan ang mukhang payapang natutulog, hawakan ang matangos nitong ilong, ang papausbong nitong balbas at ang panga niyang bahagyang namamaga. Gusto na niya itong halikan pero iyon ang pinigilan niya.

"Wala namang nagbago, mahal pa rin pala kita kaya lang, hindi ko alam, takot na yata ako, ayoko na yata. Okay na siguro ako sa ganito na lang, masaya na 'ko sa buhay ko, malayo sa lahat, walang nanghuhusga, walang nandidikta," hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Pinunasan niya iyon bago pa pumatak ang mga iyon sa mukha ni Tristan.

"Thankful lang ako kasi you showed me the way out. Pinaramdam mo na kaya ko pa lang talikuran ang lahat, pati ang pinakaimportante sa'kin. Kaya ko pa lang umalis, tumakbo, maglaho. Pwede pala akong sumuko at matakot."

"Sana puwede ko rin sabihin sa'yo na, dito ka lang, na huwag mo 'kong iiwan. Dito ka lang sa tabi ko hanggang sa kaya ko na uling ibalik ang sarili ko sa'yo. Hindi ko kaya kasi alam ko kung gaano kasakit magpakatanga at umasa, ayokong maranasan mo 'yun," paliwanag niya sa tulog na kasama.

Lumipas ang ilang minuto siya naman ang nakatulog. Ngunit kahit tulog ay hawak hawak niya si Tristan.

Si Tristan naman ang nagising pagkaraan. Natagpuan ang sarili sa kandungan ni Kristina. Naghatid iyon ng kakaibang kasiyahan sa kanya. Ang kamay nito ay nasa batok niya, ang isa ay nakapatong sa dibdib niya. Kinuha niya iyon, hinawakan, at dinala sa labi upang halikan. Nasa ganoong pwesto lamang sila sa loob pa ng isang oras.

Pagkalipas ay nagpasya na rin siyang dalhin sa kwarto si Kristina at doon patulugin. Tinabihan niya ito at niyakap na para bang kapag binitawan ay tatakbo ito palayo sa kanya.

Iyon na yata ang pinakamasaya at payapang gabi ni Tristan sa loob ng matagal na panahon.

--

Nagising si Kristina na nasa kwarto na, walang katabi. Pinagmasdan ang kapiligiran, tahimik, payapa, at napakaganda. Nahinto ang paningin niya sa kamay na may suot na singsing. Nang kilatisin ay napagtantong iyon ang wedding ring niya na iniwan niya bago siya umalis noon.

Isa lang ang naiisip niyang nagsuot niyon sa kanya - si Tristan.

Nang makabangon ay napansin naman niya ang maliit na papel na nakapatong sa cellphone niya.

"Call this (may numerong nakalagay doon), just say good morning, they'll know what to do. I'll see you in an hour. I love you."

Napahinga siya nang malalim doon para bang bumalik na naman ang mag kurot sa tiyan niya na siyang pinigilan niya.

Sinunod niya ang bilin sa sulat at wala pang limang minuto ay may naghatid na ng almusal sa kanya.

"Almusal lang pala," sambit niya nang makalabas na  ang naghatid ng pagkain. May malamig na kape roon, umatake na naman ang mga nangungurot sa tiyan niya.

Bago pa siya makaupo para kumain na ay tumunog ang cellphone niya. Galing iyon sa hindi niya kilalang numero.

"In case you want to ask where I am," ika ng text. Napailing siya roon at napangiti nang bahagya.

"I'm asking," sinagot niya ang text.

"There. In your heart," mabilis na sagot ni Tristan sa mensahe niya.

DeadendKde žijí příběhy. Začni objevovat