Bound to be

118 4 4
                                    

2007

"Did you see Kristina last night? She is very simple," tumango si Tristan sa sinabi ng daddy niya, totoo namang napakasimple lang ni Kristina, "And very enchanting," pagpapatuloy ni Miguel. Hindi na sumang-ayon dito si Tristan.

"She's attractive, isn't she?" tumigil sa pagtakbo ang daddy niya at sumunod din siya.

"Where is this going, dad?" walang buhay niyang tanong.

"Listen son," inakbayan siya ng ama niya, hindi niya maintindihan pero mukhang hindi niya magugustuhan ang sasabihan ng daddy niya.

"One day, she's going to be your wife. You'll marry her. Last night at the victory ball, I saw that she really is bound to be your wife. Ayaw naming mapunta sa ibang kamay at pangalan ang kumpanyang pinaghirapan namin ni Edy. Kayo na lang ang natitirang pag-asa na mananatili lang sa Silvestre at San Antonio ang kumpanya," siwalat ng ama niya.

Ang mga sumunod na sinabi nito ay naging parang ugong na lang ng sasakyan, hindi na niya inintindi pa. Paano niya gugustuhing pakasalan ang pinakaayaw niyang babae sa buhay niya. 

Simula noon mas tumindi ang galit na nararamdaman ni Tristan kay Kristina.

"I'll better go first. Alam kong kailangang mag-sink in muna lahat ng sinabi ko sa'yo. 'Til next run son," tinapik siya sa balikat ng daddy niya at pinagmasdan niya munang maglaho ito bago siya makakilos ulit.

Nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang sa mapagod siya. Alam niyang kahit kailan hindi niya matatanggap ang mga sinabi ng daddy niya.

--

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon