Birthday

100 4 0
                                    

Pag-uwi ni Tristan, hindi niya inaasahang madaratnan niya si Kristina sa bahay. Nasa may dining area siya, nakaharap sa laptop niya habang naka-indian sit, nakasalamin, nakapusod ang mahaba niyang buhok, nakapajama at loose t-shirt, walang bahid ng pag-aayos, akala niya nasa isang bar siya ngayon at nagpapakasaya habang nagwawaldas ng pera. Nagtaka siya lalo kaya nilapitan niya ito habang niluluwangan niya ang necktie niya at nirorolyo pataas sa siko ang polo niya. Habang lumalapit siya kay Kristina, napansin niyang seryoso ito, hindi niya pa nakitang ganito kaseryoso si Kristina, napansin niya ring importanteng dokumento ang ginagawa niya. Akala niya walang ganitong side si Kristina, akala niya wala siyang interes sa mga ganitong bagay.

Dumiretso siya sa ref habang naririnig niya ang bawat ingay ng keyboard na pinipindot ni Kristina. Muli tipa ng pinagmasdan ang babae, sa tabi ng laptop ay ang luma niyang iPhone, "ibig sabihin hindi siya bumili ng bagong cellphone?" pagtataka ng utak niya. Gumala ang mata niya sa malaking tasa ng kape na mukhang hindi mainit na nasa gawing kaliwa ng babae, "bakit palaging malamig na kape ang iniinom niya?" tanong ulit ng utak niya. Lumipat ang mata niya sa katawan ng babae at agad niyang pinalayas ang ideyang iyon, sa kabila ng walang kalatuy-latoy na pananamit ng babae ay may kakaiba parin itong dating.

"I thought you went out?" basag ni Tristan sa katahimikan.

"Wala akong oras," maikling sagot ni Kristina nang hindi nililingon ang kausap.

"Akala ko bibili ka ng mga bagong gamit?" usisa ni Tristan kay Kristina na hindi parin tumitigil sa pagtatype.

"Nagastos ko na," tugon ni Kristina.

"Seryoso ka? A hundred thousand for a night?" Umupo si Tristan sa tabi ni Kristina ng may halong gulat at inis sa mukha niya.

"Oo nga, bakit ba? Ano naman sa'yo?" hindi pa rin tumitingin si Kristina kay Tristan.

"Ano naman sa'kin? It was my money."

"It was, past tense, nung binigay mo na sa'kin ibig sabihin pera ko na yun," diretso lang ang tingin ni Kristina sa laptop niya.

"Where did you use it?" hinihintay parin ni Tristan na harapin siya ng babae.

"Pinambili ko ng shabu, gusto mo?" sa pagkakataong iyon humarap na si Kristina kay Tristan ngunit binawi niya rin ang mga tingin niya, pailing-iling at nakangiting ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Natulala naman si Tristan sa sinabi at sa ngiti ni Kristina pagtapos. Napansin niyang may biloy pala ang babae sa magkabila nitong pisngi. Hindi na niya alam kung anong mararamdaman niya. Maniniwala ba siya sa mga sinasabi ni Kristina o sa mga inaasal niya o mananatili siyang nakahawak sa mga pinaniniwalaan niya tungkol sa babae. Tumayo na siya at nagdesisyong umakyat.

"Ah- Tristan," natigilan si Tristan at muling lumingon sa nagmamay-ari ng boses. "Salamat."

May kakaibang naramdaman si Tristan sa pagtawag at pagpapasalamat sa kanya ni Kristina. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na tinawag siya nito sa pangalan niya at ang kauna-unahang pagkakataon na nagpasalamat siya ng totoo. At sa nakita niyang ngiti ng babaeng itinuturing siyang kaaway lalo siyang naguluhan sa tunay na personalidad nito.

"You'll still work for it," malamig na sagot ni Tristan. Agad namang nawala ang ngiti ni Kristina, mukhang nakalimutan yata niyang hindi lumalambot ang puso ng isang satanas.

--

Nagising si Kristina dahil sa sunud-sunod na ring ng cellphone niya. Hindi niya magawang idilat ang kanang mata niya dahil nasisilaw ito sa liwanag na dala ng bintana sa kwarto niya. Matagal na niyang gustong lagyan ng blinds ito ngunit hindi niya magawa-gawa, hanggang ngayon kasi hindi parin niya maipasuri sa doktor kung may diperensya ba ang kanang mata niya, hindi naman siya gaanong nababahala dahil tuwing umaga lang naman ito nangyayari.

"Good morning Tintin! Happy birthday!" patiling bati sa kanya ni Erika. Muntik na niyang makalimutang kaarawan niya pala ngayon. At nakatulugan na niya ang pagpaplano kagabi.

"Thanks lola!"

"Pupunta ako mamaya, magluluto ka ba?"

"As if naman 'no?" Tuwing birthday ni Kristina hindi na siya namomroblema sa pagkain dahil sa mga dinadala palang na pagkain ng Mommy at kuya niya ay sobra-sobra na. Sa nakalipas na anim na taon, sa condo lang siya nagdiriwang ng kaarawan niya, madalas lima lang sila. Ang mga kuya niya, ang Mommy niya at si Erika. Pero iba ang plano niya ngayon.

"Lola, samahan mo nalang ako sa academy gusto ko dun magcelebrate tapos kahit mamayang gabi nalang dito. Sabihan ko nalang agad sila Mommy. Pero mamaya na mga 10 or 11 maggigym muna ako, gift ko sa sarili ko. Ilang linggo na kong hindi nagwowork-out."

"O siya sige, itext mo na lang ako para mapuntahan kita."

"Hindi na, susunduin na lang kita."

"Naks, birthday mo nga ngayon sana lagi kang ganyan. Sige hintayin kita."

Pagkababa niya sa cellphone niya ay sunud sunod na ang mga tumatawag sa kanya, una ang Mommy niya, ang kuya Gab at Gio niya, at pati narin ang mga taga academy.

Nasabi narin niya ang plano niya sa Mommy niya na agad namang sumang-ayon. Ang kailangan nalang niyang gawin ngayon ay ihatid si Tristan sa opisina at dumiretso sa gym.

Bago bumaba si Tristan sinubukang sabihin ni Kristina na sa bahay nalang siya magdinner ngunit hindi niya rin naisakatuparan, unang-una, si Tristan 'yon, pangalawa, hindi niya alam na birthday niya ngayon at pangatlo, hindi siya sanay na pinapaalam ang birthday niya sa mga taong hindi malapit sa kanya. Kaya sa halip, nagtext nalang siya dito.

From: The Prettiest Silvestre

May dinner mamaya sa bahay baka gusto mong dun nalang kumain.

Nagulat, napailing, at napangiti si Tristan sa nabasang nakarehistrong pangalan ni Kristina sa contacts niya. Malamang pinalitan niya ito nang gabing magbrown-out, konklusyon niya.

Hindi niya ito sinagot at hindi narin niya binago ang pangalan, baka hindi rin siya makauwi ng maaga mamaya dahil nagyayaya si Sam at ang ilang kaibigan niya sa kolehiyo na magdinner mamaya.

Sa loob ng gym, seryosong ginagawa ni Kristina ang mga routines niya sa harapan ng isang punching bag. Suot niya ang karaniwan niyang kasuotan kapag nagwowork out. Ilang jabs at suntok pa ang pinakawalan niya bago siya masatisfy at tumigil sandali.

Dalawang taon pa lang siyang nagboboxing, hindi siya nakikipaglaban sa mga kompetisyon, gusto niya lang matuto. Nag-i-sparing siya sa dati niyang gym kasama ang trainor niya ngunit dahil lumipat na siya ng tirahan hindi narin siya regular na makakapunta sa dating gym, parehong gym din naman ang pinuntahan niya ngayon sa ibang branch nga lang.

Tumayo siya ulit at sinubukan naman niyang gawin ang mga routines sa pagsipa, sinusubukan niya ring magkick boxing. Tagaktak na ang pawis niya habang pinapakawalan ang huling sipa. Nagdesisyon na siyang magshower matapos siyang magpahinga sandali.

Nagpalit siya ng ragged shorts at mahabang kulay rosas na sando, isinabit niya ang duffel bag niya sa balikat at hinayaang nakalugay ang basa niyang buhok.

Nasa tapat na siya ng reception desk nang maisipan niyang tawagan si Erika.

"Hello, lola, nandiyan na 'ko in 30 minutes, diyan narin ako magpapalit ha?"

"Okay sige, bilisan mo bitch!"

"Ito na, papaliparin ko na lang yung sasakyan."

Nagmadaling lumabas si Kristina at malakidlat niyang narating ang main entrance ng establishimento, hindi naman niya napansing may taong paparating kaya nabangga niya ito.

"Sorry, okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa lalaking nakahawak sa braso niya, malamang iyon ang natamaan niya.

"No, it's okay."

"Good, sige bye, sorry ulit," lakad takbong tinungo ni Kristina ang elevator pababa sa basement.

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon