Owe it all to her

54 2 0
                                    


Bokod, Benguet

"Ano, Tin, makakasabay ka ba kay Mike? Parating na raw kasi sa Baguio 'yung mga aakyat bukas," tanong ni Mia kay Kristina na nasa kabilang linya.

"Uh, titingnan ko pa Mia. Kapag hindi ko siya inabutan sa paradahan, uuwi na lang ako mag-isa. Basta hahabol ako sa akyat," sagot nito.

"Uhm, Mia, saan pala galing 'yung mga aakyat bukas?" nag-aalangan nitong tanong na nahimigan naman ni Mia pero ipinagsa-walang bahala na lang niya iyon dahil lagi rin namang iyon ang tanong sa kanya ni Kristina sa tuwing may mga kliyente sila.

"Mga galing ng Maynila, Tin," sagot ni Mia.

"Ah okay. Balitaan na lang kita Mia, tawagan ko na rin si Mike."

--

Baguio City

Paandarin na sana ni Mike ang sasakyan nang biglang tumawag si Kristina. Mabilis niya munang sinipat ang mga pasahero niya bago sagutin ito.

"Oy, Tin, ano na?" bungad niya rito.

Sa banggit ng pangalang iyon ay biglang napatuwid ng upo si Tristan na nasa tabi lang ni Mike. Sinubukan niyang makinig sa usapan ngunit kahit malapit lang si Mike ay hindi niya iyon marinig.

"Paalis na kayo?" tanong ni Kristina sa kabilang linya.

"Oo, kumpleto na e, may upuan pa sa harapan, pwede ka pa," tinutukoy ni Mike ang upuang bakante sa pagitan nila ni Tristan.

"Tangina naman Mike, e, alam mo namang ayoko sa pwestong 'yan e," inis na sagot ni Kristina kay Mike.

"Nagmumura ka na naman!" suway ni Mike na siyang nagpalingon ni Tristan sa gawi nito.

"Hanapin mo paki ko, Mike," ganti ni Kristina.

Natawa lang si Mike doon.

Samantala, hindi nakawala sa paningin ni Tristan kung paanong natawa si Mike sa hindi niya marinig rinig na hirit ng kausap.

"Ayun na nga, hindi na ako makakasabay. Bahala na mamaya. Kita na lang tayo sa Ranger," ika ni Kristina.

"Tsk, ano ba kasing ginagawa mo pa? Saka awan pagsakayam damdaman, urayen ka lattan (wala ka nang masasakyan mamaya. Hintayin na lang kita)," suhestiyon ni Mike.

"Meron 'yan. Saka, gago ka ba? Paghihintayin mo 'yang mga pasahero mo. Mamaya malagot ka niyan sa manang mo," pangungumbinsi ni Kristina rito.

"O sige na, bahala ka na. Kita na lang tayo ron, saka utang na loob, Tin, 'wag kang -," naputol ang paalala niya nang marinig na binabaan na siya ni Kristina.

Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang telepono niya habang sinasabing, "tss kung 'di ka lang maganda e."

"Girlfriend mo, pare?" biglang tanong ni Tristan kay Mike tipong may gusto pa itong malaman bukod doon.

"Hindi pa, hindi ko pa sinasagot e," pilyong sagot ni Mike kay Tristan.

Naikuyom ni Tristan ang kamay niya sa sagot na iyon ni Mike sa tanong niyang wala namang bahid ng pagbibiro.

"Hindi, biro lang. Baka nasapak na ako nun kung nandito yun ngayon," nakangising pagsagot muli ni Mike nang mapansing natahimik ang katabi dahil sa nauna niyang sinabi.

Sa loob ng tatlong oras na biyahe nila paakyat ng Bokod ay tahimik lang si Tristan. Parang kinakabisado ang daang kabisado naman niya.

Gustong gusto na niyang makarating. Tinatapik tapik niya lang ang mga hita habang naiinip na pinagmamasdan ang bawat tanawing nadadaanan nila.

"You want some sandwich, Trist?" tanong sa kanya ni Samantha na nakaupo sa likuran niya.

"No, thanks, I'm okay," sagot niya rito.

"You sure?" paninigurado ni Samantha.

Tumango lang si Tristan kahit na hindi siya nakikita ng kausap.

Napasandal na lang uli si Samantha pagkatapos ibalik sa bag ang pagkaing inalok kay Tristan.

Kung isa lamang ito sa mga pagkakataong magkasama sila, tatlong taon na ang nakalilipas, siguro hindi lang tango ang isinukli ni Tristan sa kanya baka niyakap na rin siya nito dahil lang sa simpleng pang-aalok niya ng pagkain dito.

Ang laki na ng pinagbago ni Tristan, pag-amin ni Samantha sa sarili. Kung dati ay padalus dalos ito sa mga desisyon niya, ngayon marunong na itong maghintay na parang natatakot na makagawa na naman ng maling kilos.

Sa loob ng isang taon, nagbago siya, at saksi si Samantha sa pagbabagong iyon. Mas naging seryoso pa ito sa trabaho, mas naging tahimik, mas naging sigurado sa sarili at sa nararamdaman.

"You know, I think, I made the right desicion to dump you before," kumento niya isang beses kay Tristan noong nagyaya itong tumambay sa bar na madalas nilang pinupuntahan nila Joshua.

"Look at you now, you became a better version of yourself. I no longer see you as the young man who always stay behind me and get my back. Neither the bachelor who suddenly pulled a ring in front of me," natatawa pang sabi niya noon.

Seryoso namang nakatingin lang sa kanya si Tristan noon, walang imik.

"Kung dati, nakikita lang kita bilang seryoso at nakakatakot na tao ngayon, you bet, you earned my respect so much," pagtutuloy niya bago itaas ang basong hawak para sa isang toss na tinanggap naman ni Tristan.

"Hold it right there, baby," sabat ni Joshua.

"Don't call me that!" suway niya rito.

"Baka nakakalimutan mong hindi lang ikaw ang nang-iwan sa kanya. The biggest credit should not be your dumping him," paalala ni Joshua.

Umiling-iling lang doon si Tristan.

"I know, we owe it all to her, right?"

Natigil ang pagbabaliktanaw ni Samantha nang inanunsyo ni Mike na nakarating na sila.

Bago makalabas si Tristan ay narinig niya muling tumunog ang cellphone ni Mike na sinagot naman nito kaagad.

"Nandito na kami. Paano ka uuwi?" bungad nito sa kausap. Binagalan naman niya ang pagdakot sa mga gamit niya para makinig pa sa usapan nila.

"Sinasabi ko na nga ba e, basta mag-ingat ka, sige," sandali lang ay nagpaalam na rin ito sa kausap.

"Ba't hindi mo sunduin?" usisa na naman niya. Nagmumukha na siyang tsismoso pero hindi niya mapigilan ang sarili.

"Kung alam mo lang brad, hindi na nun kailangan ng taga-sundo. Kayang kaya na niya ang sarili," nabahala si Tristan sa sinabing iyon ni Mike dahil wala man lang siyang nahimigan na pag-aalala rito.

Maya-maya pa ay sinalubong na sila ni Mia. Pinanood niya muna itong makipagkamay sa siyam pang kasama niya kabilang si Samantha. Nanatili lamang siyang nakatayo roon habang hinihintay na lapitan siya ni Mia.

"Long time no see," bati sa kanya ni Mia. Hindi siya nito kinamayan. Tumango lang siya rito at sandaling tinitigan, naghahanap ng kumpirmasyon.

"Wala pa siya pero maya-maya, darating na 'yun. Halika muna sa loob, malamig na rito," anyaya ni Mia.

--

DeadendWhere stories live. Discover now