Kuntento

98 2 0
                                    

Nakatuon ang buong atensyon ni Kristina sa pinanonood na indie film, hindi niya pa iyon napapanood kaya kahit alas onse na ng gabi at pagod dahil kararating niya lang mula sa academy, ay mas pinili niyang magrelaks muna bago matulog.

Nasa kainitan na ang mga eksena sa pinanonood niya nang biglang may tumayo sa harapan niya - si Jazz - kinukusot pa nito ang mga mata niya habang nagsasalita.

"Where's Uncle? Is he home yet?" tanong nito sa kanya.

"Wala pa siya, bumalik ka na lang muna dun sa kwarto niya, parating na siguro 'yun," sagot niya.

"What did you say? Hindi kita maintintihan."

"Just wait for him upstairs, he's probably on his way home now. And it's ma-in-tin-di-han not maintintihan," pagtatama niya rito.

"I had a bad dream, hindi ako na makatulog na walan kakabi," katwiran nito.

Napailing nalang si Kristina sa pananagalog ng bata. Kahit papaano ay nakakausap niya narin ito sa tagalog, 'yun nga lang ay baluktot pa ito kung magsalita.

"Ka-ta-bi,Jazz, not kakabi. Please, ayusin mo naman," umarte siyang naiinis na.

"How can I, subrang hirap naman. Can I just talk normally? I couldn't sleep there alone, Tita Tin. Siryuso," napangiti nalang si Kristina sa mali-maling pagbigkas ng bata, sa halip na ibalik ang atensyon sa pinanonood ay sandali muna niya itong itinigil para kausapin ang bata.

"Alam mo, nandito naman ako sa baba kaya hindi ka dapat matakot, panaginip lang 'yan. Ano ka ba Jazz? Normal 'yan at isa pa hindi kita pwedeng samahan dun," paliwanag niya.

"You were too fast, wala akong na-in-tin-di-han," dahan-dahang sagot ng bata.

"How will you even learn kung hindi ka makakasunod?"

"E ang hirap hirap, how did you even learn?" nakukunsuming usisa nito.

"I just did," nagkibit balikat na lamang siya.

Binalewala naman ni Jazz ang mga sinabi niya at napakamot nalang siya ng ulo at saka bigla na lamang lumubog ang gawing kanan ng sopang inuupuan niya. Huli na nang tangkain niyang pigilan ang bata sa pagsandal nito sa kanang balikat niya dahil nagawa na niya iyon.

"What are you watching?" tanong muli niJazz.

"Ano? Hindi kita maintintihan," pang-aasar niya sa bata.

"Eeee, Tita, you're so hard," pagmumuryot nito.

"Ano?"

"I said... Sabi ko, anong pina-pa-no-od mo?"

"Oh, The Janitor," sagot niya.

"Ha? Bakit tagalog ang words nila?"

"Hay naku, ganyan talaga madalas sa mga pelikula, 'wag mo na kong tanungin, manood ka nalang baka matuto ka pa."

"Oh but wait," agad niyang baling sa bata. "There are words here na hindi mo dapat gayahin kasi it's inappropriate for your age, so whenever I snap my fingers cover your ears, 'yung sobrang higpit, okay?"

Tumango lang si Jazz.

Muli namang nabahala si Kristina. "Isa pa pala, this is really not for kids, matulog ka nalang kaya, can you do that?"

Pero nang lingunin niya ito para humingi ng pagsang-ayon ay nakapikit na pala ito. Umiling at ngumiti nalang siya sa nakita.

Pagkalipas ng isang oras natapos na rin ang pinanonood ni Kristina tulog parin sa tabi niya si Jazz at si Tristan, wala parin. Dahil alam niyang hindi niya kakayaning buhatin ang bata pinili nalang niyang ginisingin ito at saka inakay paakyat ng kwarto niya pero sa kwarto ng tiyuhin niya ito pumasok at agad na ibinagsak ang sarili sa kama kaya naman hindi narin ito napigilan ni Kristina.

DeadendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon