Rivals

98 3 0
                                    

Sa unang linggo ni Jazz sa puder nila Tristan at Kristina, palagi lang itong naiiwan na kasama si Kristina. Palagi silang nagtatalo, hindi magkasundo. Gusto ni Jazz na nasusunod lagi ang gusto nito - simula sa pagkain, sa palabas, sa paglalaro, at maging kung saan sila pupunta kapag magkakasama silang tatlo. Mas gusto niyang isinasama palagi si Kristina sa lakad nila ng uncle niya para lamang inisin ito.

Nang minsang nasa isang mall sila dahil gusto raw manood ng sine ni Jazz ay pinatulan talaga ni Kristina ang kapilyuhan ng bata. Humiwalay siya sa magtiyuhin at nagprisintang siya nalang ang bibili ng ticket nilang tatlo. Nang manonood na sila, hindi maipinta ang mukha ni Jazz dahil isang tagalong horror film ang pinanood nila. Bukod sa hindi maintindihan iyon ni Jazz ay tili pa ito ng tili dahil sa mga nakakatakot na eksena. Natapos ang pelikula na tawa lang nang tawa si Kristina, pakiramdam niya ay nakaganti na siya sa pagiging bratinela ng bata.

"Jazzy, it's okay, habang bata pa dapat matuto ka nang matakot," saka siya tatawa ulit. Magtatakip nalang ng tainga ang bata sabay sasabihing, "I don't understand you, crazy woman."

Mukhang nakaganti naman si Jazz nang mapagsabihan ni Tristan si Kristina nang makarating sila sa bahay nila noong gabing 'yon.

"My God, that was too childish," pahayag ni Tristan sa nanenermon na tono. Hindi nalang umimik si Kristina.

"She was shaking the whole time," dagdag ni Tristan.

"Tapos na e, may magagawa pa ba 'yang sermon mo? E kung hindi nalang kayo tumuloy sa loob ng sinehan kanina, hawak niyo naman ang desisyon kanina 'di ba? Maliit na bagay, pinalalaki," walang ganang sagot naman ni Kristina.

"I'm just trying to tell you that what you did was wrong," tila nauubusan na ng pasensiyang pahayag ni Tristan.

Nagkibit balikat na lamang si Kristina sa inaasal ng magtiyuhin, nahagip pa ng mata niya bago pumasok sa loob na nakangisi si Jazz.

"Tsk, rich kid," bulong na lamang ni Kristina sa sarili habang umiiling. Hindi niya hinayaang masira ng dalawa ang mood niya noong gabing iyon.

Nang minsan namang naiwan si Jazz sa bahay kasama si Kristina ay gumanti ito. Itinapon niya lahat ng spicy noodles na nakaimbak sa mga cabinet sa kusina nila, sakto naman na noong araw ding iyon ay araw ng pangongolekta ng basura, nagpatulong siya kay Manang Magda sa pag-aabot ng mga noodles. Galit na galit noon si Kristina at tawa lang nang tawa si Jazz.

"Putaragis ka talagang bata ka e!" nanggigil na sambit nito sa likuran ng bata. Hindi nalang niya pinakitang galit na galit siya, ayaw niya rin namang ma-satisfy ang bata at baka mas lalong mawili sa ginagawa.

Bilang ganti noong sumunod na araw, ay hinayaan ni Kristina na matapakan ni Jazz ang isang naghihingalong ipis na kapapatay niya lang sa may bandang CR nila. Bigla niya nalang naisip na takutin ang bata nang tinapakan niya ang ipis, hindi niya muna agad ito winalis at hinayaang makita ng bata. Tama nga ang hinala niya, takot si Jazz sa ipis at walang ibang ginawa noon kundi ang sumigaw at magtatatakbo.

"You're crazy!" sumbat ni Jazz noong araw na iyon habang namumula na siya sa takot at galit.

Hindi natapos ang bangayan nilang dalawa. Natutuwa lang si Kristina na asarin ang bata. Una, kasi hindi naman siya mahilig sa bata, lalo na kapag salbahe at pangalawa, gusto niyang may matutunan si Jazz habang nasa puder nila ito.

Isang hapon, nadatnan ni Kristina si Jazz na nakapalumbaba sa veranda nila, mukhang malalim ang iniisip. Naaliw naman si Kristina sa hitsura nito, galing sa Academy, nagmadali siyang umuwi dahil hindi na siya makapaghintay na asarin ulit si Jazz pero mukhang wala iyon sa mood noon.

"Hey," imik nito sa bata.

"Anong nangyari?" tanong niya rito ngunit hindi parin sumasagot.

"I miss, Mom and Dad," bitaw ng bata makalipas ang ilang minuto.

"Could you convince Uncle Tan to call them so we can go home already?" pagsusumamo ng bata.

Napakunot naman ng noo si Kristina, "Alam mo namang nasa business trip sila 'di ba? Hindi sa lahat ng pagkakataon, makukuha mo ang gusto mo, Jazz," paliwanag ni Kristina.

"I can't understand you, you keep talking to me that way," reklamo ng bata.

"E pa'no ka matututo kung ni pakinggan akong sinasalita 'to hindi mo magawa?" pahayg ni Kristina kahit hindi siya niintindihan ng bata.

Nakuha ulit ni Jazz ang atensyon ni Kristina nang hindi na ulit ito nagsalita.

"You cannot just get anything you want everytime you ask for it, Jazzy," makabuluhang pahayag niya sa bata.

"You can't talk to me that way forever," sagot naman sa kanya ni Jazz.

"Walang forever, Jazz. Everything has to end," bitaw na naman ni Kristina. Nagwalk-out nalang si Jazz dahil pakiramdam niya hindi niya kailanman makakasundo ang asawa ng uncle niya.

"Kita mo't tinalikuran pa 'ko, bastos talaga e," iiling-iling na kumento ni Kristina.

DeadendWhere stories live. Discover now