Just this once

49 2 0
                                    


Nang mapansin niyang papalapit sa kanya si Tristan ay bigla siyang tumayo. Ayaw niya sana itong makausap pero bago pa man siya makaiwas ay huli na.

"Hi," bati ni Tristan sa kanya.

"Hi," ganti niya. Naiilang siya. Naiilang siya dahil ramdam niyang ganoon din si Tristan.

Maya maya pa ay narinig nilang inanunsyo na ng guide nila ang pagpapatuloy nila.

"Okay ka lang?" tanong sa kanya ni Tristan. Hindi niya kasi namamalayang napapasinghot na naman siya.

Tinanguan niya lang ito.

"Nilalamig ka ba?" usisa sa kanya ni Tristan bago dumako ang kamay nito sa suot niyang bonnet na inayos niya.

Muling nailang si Kristina.

"Ayos lang ako. Sanay na ko sa lamig dito," sagot niya, hindi na lang pinansin ang ginawa ni Tristan.

"Let's go!" anyaya ni Samantha na biglang tumigil sa kinatatayuan nila, nakatingin ito kay Tristan. Tumango lang si Tristan.

Alam ni Tristan ang mga tinging iyon ni Samantha. Tumango siya upang ipahayag na maayos pa siya.

"Mauna ka na, magpapahuli ako," utos ni Kristina kay Tristan.

"Bakit?"

"May kailangan akong kuhanan."

"Are you avoiding me?" hindi na napigilang itanong ni Tristan.

Napangiti naman doon si Kristina. Gusto niyang sabihing: Hindi pa ba halata? Ngunit ang lumabas sa bibig niya, "Sa tingin mo?"

Tinitigan lang siya ni Tristan. Unti unti nang nakakalayo ang mga kasama nila.

"Kung iniiwasan kita, sana hindi na lang ako samama 'di ba? Sana nagsakit sakitan na alng ako at nagpaiwan sa baba," narinig niya ang sariling  nagpapalusot. Gusto niyang batukan ang sarili.

"Then, prove me wrong," hamon ni Tristan.

Bago pa makasagot si Kristina ay may narinig siyang dalawang palakpak. Sinagot niya iyon ng dalawa rin.

"Tara na, hinahanap na tayo."

Malayo na nga sila sa mga kasama nila at parang silang dalawa lang ang naglalakad sa loob ng mossy forest. Madilim. Tahimik ngunit payapa.

"Nasa loob na tayo ng mossy forest," basag ni Kristina sa katahimikan.

"I know," parang may tonong pagkainis iyon.

"Sungit," bulong ni Kristina pero dahil nga tahimik ay narinig pa rin iyon ni Tristan.

"I heard that."

Umiling iling na lang si Kristina roon. Nagulat na lamang siya nang biglang hablutin ni Tristan ang kanang kamay niya at dalhin iyon sa bulsa ng jacket niya habang magkasalikop.

Sinubukan niyang bawiin pero mahirap.

"Don't try, hindi ko 'to pakakawalan," sabi ni Tristan.

"Sisigaw ako rito!" hamon ni Kristina.

"As if they can hear you. Malayo na sila."

"Uupakan kita!"

"Does your left can punch?" tila inaasar na siya nito.

"Buwisit!" angal niya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay hindi pa rin iyon binibitawan ni Tristan.

"Tristan, ano ba! Bitaw na!" halos magmakaawa na.

"Ganyan ka pa rin, ang tigas mo. Bakit, Tin, you hate me that much now?" nanunumbat na tono iyon.

"Ako talaga 'yung matigas sa'ting dalawa? Grabe, magreflect ka naman minsan," nauuyam na ganti ni Kristina.

DeadendWhere stories live. Discover now