Rivals, again

47 2 0
                                    

"Kuya!" bumilis ang tibok ng puso ni Kristina nang marinig ang boses ng kuya Ghio niya sa telepono.

"Tin, saka na ako makikipagkumustahan sa'yo, I need you," bakas sa boses ni Ghio ang pagkataranta.

"What is it kuya?"

Inilahad ni Ghio ang tulong na hinihingi niya sa kapatid. Hindi naman na tumutol doon si Kristina dahil gusto niya rin naman tulungan at makita ang kuya niya.

"Thanks, Tin. I love you. I miss you. I'll see you, tomorrow. I have to go," paalam nito.

At hindi na umabot ang sagot ni Kristina dahil naibaba na nito ang tawag.

--

"Adventurous kayo rito ha, we don't want to make it na parang date or a getaway for couples, I was told na ang market dito mostly are backpackers, barkada who seeks adventure, so 'yun barkada kayo. Probably having a low-budget getaway. It'll rain anytime soon so get ready. Roll tayo 'pag uulan na --"

Marami pang bilin ang direktor at wala sa sarili na lang na pinakikinggan ni Tristan ang boses na iyon. Napatingala nang mabanggit ang tungkol sa pag-ulan.

"Are you serious? Magsu-shoot habang umuulan?" Naging bulong iyon nang mapansing nakasampa na ang direktor sa isang motorbike at sinubukang magpakitang gilas.

Magaling siya. Very hands on, kumento ni Tristan sa isip niya. Pero agad siyang nataranta nang sineryoso na ng rider ang pagpapatakbo.

"Get back here!" Hindi na niya napigilan ang sarili.

Nagulantang naman ang set nang gawin niya iyon.

"Direk!" tawag ng isang staff sa nagpapatakbo ng motor. Agad naman iyong bumwelta at bumalik. Walang helmet.

"What the fuck?" bulyaw ni Tristan dito. Sinalubong niya ito habang bumababa sa motorsiklo.

Lahat ng atensyon ay nasa kanila na.

"What the fucking fuck are you trying to do on a slippery road, Kristina?" hindi na maitago ni Tristan ang inis na kung papansining mabuti ay may halong pag-aalala.

Bakas sa mukha ni Kristina ang pagkagulat. Halatang hindi niya inasahan ang makikita. Pareho sila.

"Watch your language," imbes na magpakita ng gulat ay 'yan ang nasabi ni Kristina. "Nasaan si Kuya?"

"He can't make it. Pinasalo niya sa'kin," maikling paliwanag niya bago lapitan si Kristina at suriin kung ayos lang ba ito. Ang parehong kamay niya ay hawak na ang magkabilang panga ni Kristina, sinusuri kung may mali.

"I'm here to work, hindi para mura-murahin at hawak-hawakan mo," halos pabulong na lang iyon dahil ayaw nang gumawa pa ng eksena ni Kristina.

Bigla yatang natauhan si Tristan at sinubukang igala ang paningin saka niya napansin na nakagawa na pala siya ng eksena.

"So obviously, ako ang magdidirek nito. Ikaw Mr. San Antonio, anong role mo rito?" hamon ni Kristina habang tinatanggal ang mga gloves niya.

"Obviously, I'm the boss here," mahinahon ngunit puno ng pagmamalaking ganti ni Tristan.

"So when I tell you not to ride on that thing, don't, or else I get you out of here," banta niya.

Ipinagpag lang ni Kristina ang bantang iyon sa halip ay muling nagpaliwanag sa mga gaganap at pagkaraa'y sinama na rin si Tristan sa usapan.

"I don't want to film when it's raining," maya maya pa ay sumabat si Tristan.

"Please, read that damn thing," ani Kristina at itinuro ang script na kanina pa pala hawak ni Trsitan.

DeadendOnde histórias criam vida. Descubra agora