The one that got away

126 5 0
                                    

Madaling araw na ng makauwi si Kristina, tila wala sa wisyo niyang tinahak ang daan pauwi. Nagdagdagan ang iniisip niya dahil bumaliktad na ang isa sa mga sumusuporta ng academy. Kung hindi lang iyon ang pinakamalaki nilang tagasuporta hindi sana magkakaproblema. Sinabayan pa ito ng tawag mula sa gusto niyang pasukang trabaho na nagsasabing hindi siya tanggap. Hanggang ngayon nanggagalaiti parin siya sa galit dahil sa nangyari kaninang umaga.

Pagbukas niya ng pinto, nagtaka siya dahil hindi iyon nakalock. Nagulat nalang siya sa nadatnan, si Tristan nakapamulsang nakaharap sa kanya na may malamig na mata at nakakuyom na panga.

"Bakit 'to gising pa?" tanong niya sa sarili.

"Three in the morning? Where have you been?" sermon ni Tristan.

Biglang nagbaga ang loob ni Kristina na parang gusto na lang niyang sapakin ang lalaki para tumahimik nalang ito. Hindi na niya kakayanin ang isa pang sakit ng ulo.

"Ano ka tatay ko?" pamimilosopo ni Kristina.

"Buti naisipan mo pang umuwi?" hindi ininda ni Tristan ang huling sinabi ni Kristina. Nang nagtangka ulit siyang sermonan ang babae, pinigilan siya nito gamit ang kanan niyang kamay.

"Wag ngayon, please, kahit bukas na lang ng umagang-umaga, wag lang ngayon," habang sinasabi niya iyon ay napansin ni Tristan ang pagod at lamya sa mga mata nito. Hindi siya nakapagsalita hanggang sa tuluyan na siyang tinalikuran ni Kristina.

"Don't dare walk out from me!" sigaw niya sa babae, hindi ito natinag, "I waited so long tapos ito ang mapapala ko?" reklamao niya. Lumingon si Kristina na noon ay nasa hagdanan na.

"Hindi ko sinabing maghintay ka," malamlam niyang tugon sa nag-aalburotong lalaki.

"Tss. Ngayon ka lang naghintay e. Ano bang problema mo?" muli niyang bulong sa sarili nang makatapak na sa itaas ng bahay nila.

--

"Shit, late na naman ako," nagmamadaling sumakay si Kristina sa pick-up niya at pinaharurot ito para makaabot sa family meeting na sinabi sa kanya ng kuya niya, maging si Tristan ay pinalalahanan din siya.

Alam na alam na niyang isang malaking investor na naman ang binibingwit ng kumpanya nila. Madalas pinapadalo ang buong pamilya nila para mas lalong maengganyo ang investor na tumuloy sa kumpanya nila. Noon naiintindihan ito ni Kristina ngunit noong nakapasok na siya sa totoong kalakaran ng negosyo ay umiiling-iling nalang siya dito dahil parang ginagamit lang ang pamilya nila ng kumpanya para makakuha ng malalaking investors.

Bago siya tuluyang magpakita sa pamilya niya at sa bago nilang binibingwitin na negosyante, sinuri niya muna ang sarili.

Nakasuot siya ng pang-opisinang damit dahil nanggaling siya sa academy. Nakahapit siyang slacks na itim, nagsuot siya ng simpleng t-shirt na kulay krema at pinatungan ng bughaw na coat, nakatali ang lahat ng buhok niya.

Humakbang siya ng maliliit habang pinagmamasdan ang kinaroroonan ng pamilya, nasa kabisera ang ama niya at nasa kaliwa nito ang kanyang ina na katabi ng kuya Gio niya. Si Tristan ay nasa kabilang kabisera, ang kuya Gab niya ay nasa kanan ni Tristan. Lahat sila nakaamerikana, liban nalang sa isang lalaki na mas kaswal, walang coat pero halatang businessman. Mula sa likod, malinis siyang tingnan at lalaking lalaki. Humakbang pa siya, mas malaki na. Parang binagsakan siya ng yelo, bumibilis ang tibok ng puso niya, hindi niya maintindihan pero parang sumisikip ang dibdib niya.

Hindi na niya binati isa-isa ang nandoon, ang mommy niya at kuya niya lang na magkatabi ang tinapik niya sa balikat bilang pagbati, iniwasan niya munang tingnan ang estranghero sa harapan niya dahil may kakaiba siyang nararamdaman parang may hinuhukay sa kailaliman ng puso niya. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa kaliwa ni Tristan, malapit sa kabisera. Unti-unti niyang pinigilan ang hininga at tiningnan ang lalaking nasa tabi ng kuya Gab niya.

DeadendWhere stories live. Discover now