Spoiled rebel

102 4 0
                                    


2006

Maraming tao, masikip at maingay ang bar na kinatatayuan ni Tristan habang may hawak na baso ng alak. Kasama niya ang matalik niyang kaibigan na si Joshua na abala sa pakikipag-usap sa isang maganda at balingkinitang babae na nakasalubong niya pagpasok nila sa lugar.

Walang ibang magawa si Tristan kundi lumayo sa kanila at maghanap din ng pagkakaabalahan. Sa isang sulok nakita niya ang isang pamilyar na babae, may kausap na lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ngayon lang din sila nagkakilala.

 Ang babae ay ang nag-iisang anak na babae ng mga Silvestre. Masayang nag-uusap ang dalawa. Napailing na lang si Tristan. Tama nga ang umiikot na balita, suwail at walang kwenta ang anak na babae ng pamilyang kahati nila sa kumpanya.

Kinabukasan sa dinner ng dalawang pamilya, nahuling dumating si Kristina. Napansin ni Tristan na iba manamit si Kristina, hindi katulad ng kung paano mag-ayos ang mga kakilala niyang anak ng mga prominenteng personalidad.

"Bakit ka late?" malamig na tanong ni Edgar dito.

"May tinapos lang po na project, wala pa nga 'kong tulog e," pagdadahilan ni Kristina. Napailing at napangisi na lang si Tristan. Iresponsable at sinungaling din pala ang anak nilang babae, aniya.

Simula noong gabing iyon, tuluyan nang naging mababa ang tingin ni Tristan kay Kristina. Ipinangako nito na kung magkakaroon siya ng pagkakataong turuan ito ng leksyon ay lulubuslubusin niya. Sa nakikita niya sa pamilya ng tito Edgar niya, nabubulag sila sa tunay na ugali ni Kristina. 

"Spoiled rebel," bulong niya.

--

DeadendWhere stories live. Discover now