CHAPTER 24 - Missing In Action

35.5K 911 28
                                    

Santillan



Araw ng sabado. Dapat nasa bahay lang ako ngayon. Nakikipag kulitan sa kapatid ko o kaya naman eh nagbabasa ng libro at gumagawa ng mga homeworks. Nagluluto, nag lalaba at nag lilinis ng bahay. Pero dahil nga sa math competition na ito, sira ang routine ko ngayong weekend. Ngayon din kasi gaganapin ang 44TH Annual Regionwide Mathematics Olympiad sa University of the Philippines, Diliman.

Kasalukuyan na kami nakatambay nila Klang at Greg sa labas ng registration office dito sa Mathematics Building. Dahil saktong alas-siyete kami dito, nakapag pa register na agad ako. Unlike naman sa mga ka team mates ko na kung anong oras na dumating. Andun pa sila ngayon sa loob kasama ni Prof. Robles na coach namin. Okay lang kasi alas nuwebe pa mag uumpisa ang Elimination round.

Sa totoo lang, medyo kinakabahan talaga ako. First time ko kasi sumali sa ganito kalaki na math competition. Nung high school kasi, mga math quiz bee lang laban sa iba pang mga school ang sinasalihan ko and take note, hindi pa yun totally voluntary. May halong pamimilit pa yun ng mga math teachers ko. Wala naman kasi talaga akong hilig sa competitions.

Buti nalang talaga, andito sila Klang at Greg as moral support. Bukod sa kanila, madami din sumama na mga school mates namin. May malaking banner pa nga sila na may pangalan ng University namin eh. At dahil naikwento ko din kela Clarence, padating din sila. Medyo na-traffic nga lang dahil maulan ngayon. Pero, hindi sila allowed sa building dahil wala daw silang school na nire-represent. Ayos lang naman daw sa kanila basta huwag ko lang daw kalimutan manlibre mamaya gamit ang mapapanaluhan ko. Grabe lang. Parang sure na sure naman na mananalo ang team namin eh bang dami kayang kalahok na Colleges at Universities all throughout the country. Hindi naman sa negative ako, realistic lang.

 

 

Exactly nine AM, natapos na ang registration. Pina-evacuate na sa building ang mga hindi naman kasali sa competition. Mag-start na kasi ang elimination round na in a form of 45 item objective written exam na ite-take namin individually. Six participants kasi per school. After i-explain yung General rules at specific rules ng Elimination round, diretso na kami sa room kung saan naka-assign ang name namin.

Bago pumasok, kinolekta na ang mga electronic devices at inabot na yun sa mga coaches for safe keeping. Yung cellphone ko naman pinahawak ko na kay Klang kanina. Hindi ko na din nahintay ang reply ni Andrea. Tinatanong ko kasi siya kung pupunta siya eh, pero hindi siya nag reply. Baka nakalimutan niya.


“Okay, listen up everyone." Si Prof. Nag-kumpulan na kami malapit sa kaniya. Good luck speech siguro."This is actually the first time that our university decided to participate in this event."



Blah blah.



Hindi na ako gaano nakikinig.  Pinipilit ko na lang pakalmahin ang sarili ko.




*Inhale* .. *Exhale*



Mahirap na baka ma mental block pa ako sa nerbiyos.


*inhale* …  *exhale*

 


Nasa kalagitnaan ako ng pag hyperventilate ng marinig ko na tumikhim si Prof. Napalingon tuloy ako sa kanya. Kinuha niya pala talaga yung atensiyon ko.



“Also, I was informed that the top scorer of the written examination will be given a separate award during the Closing Ceremony.  So, galingan niyo guys! Break a leg!”




Yun lang at sinenyasan niya na kami na pumasok ng kwarto. Kasama ko ang team mate kong si Jessica na freshman din. Twelve participants per room kaya yung iba, sa ibang room na naka assign. Umupo na ako. Matapos ang last minute explanation ng proctor namin, nag-start na ang exam at exactly ten AM.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon