CHAPTER 49 - Lonely Hearts

36.7K 969 224
                                    





Lorenzo






"Damn it, Jimenez. I said stop following me!"


Nakailang ulit ko na isinisigaw yan sa kaniya. Hindi talaga marunong makaintindi 'tong bwisit na babaeng 'to. Binibilisan ko na nga yung paglalakad ko pero sunod pa rin siya ng sunod. Kulang nalang talaga tumakbo na ako eh. Nakakaubos na talaga siya ng pasensiya. Kanina pa! Kainis!


Dapat talaga hindi na ako nagtanong sa kaniya e. I should've known better. Walang mabuting maidudulot ang pakikipag usap kay Stephanie. Umikli lang yung life span ko ng mga ilang linggo dahil sa inis e. Wala naman naitulong and worse, nalaman niya pa na si Chase yung tinutukoy ko!



Just how the hell did she know?! At paano na ngayon? Ano na gagawin ko? How do I convince her that it's not like that?  What if ... What if ipagkalat niya?!




"Oh, please. I wasn't following you. Pupunta din ako ng parking lot."




I glared at her.





"Huwag ka dito dumaan! Humanap ka ng ibang way."





Tinawanan niya lang ako. Lalo lang tuloy ako nainis. She's definitely enjoying this. 





"Bakit ka ba nagkaka ganiyan? Rhea, if this is about what I said---"






Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. 




"Shut up!"




I don't want to hear anything she has to say. I've had enough. Sobrang naguguluhan na ako. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ako. Yung nararamdaman ko kay Chase, hindi ko alam kung anong dapat kung gawin dun. Should I make it stop? How do I make it stop? God, I just don't know anymore. Tapos ngayon may iba pang nakaalam. Si Stephanie pa. Of all people!


I don't have any idea as to how I'm going to deal with this. It's too much. 





"Hey, it's okay. I'm not here to judge if that's what you're---"





Just stop! 




"I said shut up, Steph! Am I asking for your opinion? Hindi ko alam kung saan mo nakuha yung idea na may gusto ako kay Chase. That's just ridiculous. Are you stupid or what?! I'm not a lesbian, okay? Kaya please lang. Tantanan mo ako. Leave me alone!"



Hindi ko na hinantay na makapag salita pa siya. I'm not interested. Dire-diretso na akong lumakad palayo. Pagdating ko ng parking lot, kinuha ko na agad yung kotse ko. I'm going home. Itetext ko nalang siguro mamaya si ... 



I sighed. This is all your fault, Chase. Hindi ko sana nararamdaman 'to kung ...




Kung hindi kita ...




Damn it! 





...





'I'm sorry sweetheart, I really can't talk to you right now. I'll call you back later, okay?'



Si Dad. I gave him a call. Namimiss ko na kasi sila ni Mom. Andrei too. I guess wrong timing na naman ako. Wala naman bago.




"No, you don't have to. It's okay Dad. I know you're busy."




Kailan nga ba kayo nagkaroon ng oras para sa akin. 




'Alright. Just take care, okay? I love you.'





QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon