CHAPTER 42 - Valentine's Day [1/4]

34.5K 804 77
                                    

Santillan


"Ate Chase, pautang." Si Maicy. Kagagaling ko lang sa kwarto ko para kunin yung dadalhin kong gitara at kabababa pa nga lamang nang ibungad niya yan sa akin. "Mag babayad ako, Ate. Promise." dagdag niya pa. Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa kapatid ko.

"Bunso, hindi mo naman kailangan mangutang kay Ate." Lumapit ako at pinisil pisil ang kaniyang mga pisngi dahilan para mapangiti siya. Ang cute cute talaga nitong kapatid ko. "Bakit Mae, may kailangan ka bang bilhin? Sabihin mo sa akin para ako nalang bibili."

Medyo tight na rin ako sa budget ngayon. Weekend na kasi. Lingguhan ako kumuha ng sweldo sa Scholar's Office at dahil sabado ngayon, mamaya palang ako sasahod. Yung kinita ko naman last week, ang kalahati ay ibinigay ko kay Tatay para sa panggastos namin dito sa bahay. Yung natira, pinambili ko ng maintenance na gamot ni Tatay.

Para nga makatipid, nagbabaon nalang ako ng pagkain. Masyadong mahal ang mga pagkain sa cafeteria namin. May kasama atang ginto yung ingredients ng mga pagkain doon. Yung tipong uurong pabalik yung gutom mo kapag nakita mo yung price. Kung sa labas ka naman kakain, halos ganun din. Mapapagastos ka pa rin.


"Wala ako bibilhin, Ate. Si titser kasi. Nagagalit na. Hindi pa din ako bayad sa mga fees sa school po. May ticket pa po na babayaran." Napabuntong-hininga ako. Oo nga pala, muntik ko na makalimutan yung ambagan nilang yun. Umuusok na naman siguro ang ilong adviser ng kapatid ko.


"O, sige. Pupunta nalang ako sa school mo sa Monday. Ako nalang mag babayad. Yung ticket ba magkano?"


"Wampipti." natawa ako sa pagbigkas niya. "Ang mahal naman pala niyan, Mae. Para saan ba 'yang ticket na' yan?" tanong ko pa. Mula sa kusina, nakita ko si Tatay na may dalang baunan ng pagkain. Lumapit siya kung nasaan yung bag ko at tsaka ito inilagay doon. Nginitian ko si Tatay.

"Pupunta kasi kami doon sa science museum, Ate. Sabi ni titser dapat daw may kasama kaming gwardiya. Ate, isasama ko nalang si Kuya gwardiya. Yung taga bantay ng school."

Bigla ako nalito sa sinabi na iyon ni Maicy. Gwardiya? Bakit kailangan ng gwardiya?


"Bakit kailangan mag sama ng gwardiya? Sa museum lang naman ang punta niyo." Medyo nakakaloka. Ano bang ibig sabihin niya sa gwardiya?


"Para daw kasi may kasama kami Ate."


Nagkatinginan kami ni Tatay at tsaka nagtawanan. Hindi naman gwardiya eh. I think GUARDIAN yung ibig niyang sabihin. 

"Bakit kayo tumatawa?" tanong pa ng kapatid ko. Pinalobo niya pa yung mga pisngi niya at magkasalubong pa ang mga kilay.


"Guardian ang tawag dun, Mae. Hindi gwardiya. Pwede mo  isama si Tatay o kaya ako."




"Para?"

"Anong para?" 



"Para saan, Ate? Bakit sasama pa kayo ni Tatay?" 




"Syempre, kasi bata ka pa. Kailangan mayroon mag babantay sa'yo." sagot ko naman. 


Saglit pa napaisip yung kapatid kong makulit. "Ate ano ba ginagawa ni Kuya gwardiya sa labas ng school namin? Bakit lagi siya nakatayo dun?" 


Ang dami niyang tanong ah. "Nag babantay syempre."




"Oh, tingnan mo. Same lang yun, Ate. Gwardiya. Guardian. Taga-bantay. Sus." sagot niya pa. Nagka-tinginan na naman kami ni Tatay sabay tawanan ulit. Hindi talaga nag papatalo itong bunso namin eh. Magaling sa kalokohan.


QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon