CHAPTER 38 - Confessions

39K 900 167
                                    






Santillan





"Chase, upo ka muna." Pinapasok na ako ni Kuya Manuel sa loob ng bahay nila at pinadiretso na din ako sa sala. Naka suot siya ngayon ng scrub suit at abalang inaayos ang bag na dadalhin pag pasok ng trabaho. "Wala pa si Rence pero, padating na din yun." Nurse si Kuya eh. Pagkakatanda ko sa isang sikat at malaking ospital siya pumapasok. Kumukuha lang daw siya ng sapat na experience at balak din niya mag abroad. Maliit daw kasi ang sahod ng mga healthcare dito sa Pilipinas. Kaya naman pala ang daming umaalis na mga nurses eh.


Dito muna ako kay Clarence makikitulog. Makapag palipas muna ng sama ng loob. Nagkainitan kasi kami ni Tatay kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit napaka understanding niyang tao. Pinag tatanggol niya pa din si Nanay kahit na iniwan niya naman talaga kami. Meron bang valid reason para maging acceptable ang pang iiwan sa pamilya? Kahit naman saan pang anggulo mo tingnan. Kahit ano pang explanation, mali pa din yun. Bigla niya nalang kami nilayasan na para bang wala kaming halaga sa kaniya.


"Thanks, Kuya Manuel. Pumasok po ba si Clarence?" Napasulyap ako sa malaking family picture nila dito sa sala. Nakaramdam ako ng lungkot. Wala man lang kaming picture na kasama pa namin si Nanay. Naiinis lang ako kapag naiisip ko.



"Oo, pero mga ganitong oras pauwi na yun. Ikaw, wala ka bang pasok Chase?"




"Isang subject lang.  Kanina pa po yung tanghali"



Saturday kaya NSTP lang ang kinailangan ko pasukan. Kaya nga nakapunta ako dito ng maaga. Pagkagaling ko ng campus, sumaglit lang ako ng bahay para kumuha ng gamit. Pinayagan naman ako ni Tatay at hindi na nag usisa. Alam niya naman na ganito gawain ko kapag nagkaka samaan kami ng loob. Buti na nga lang tapos na ang midterm exams. Exempted ako sa lahat ng major subjects. Inapprove ni Dean Calumpang as incentives ng mga sumali sa Olympiad sa UP.

Napansin ko na nakailang suklay na at lagay ng gel si Kuya sa buhok niya. Hindi pa din satisfied. Natatawa nalang ako dahil naiinis na siya. Kahit kailan maselan sa buhok niya itong kapatid ni Clarence. "May pinag awayan na naman ba kayo ni Rence kaya ka nandito? Napapadalas na ata yan." wika pa nito.


Parang indirectly na din sinabi ni Kuya na napapadpad lang ako dito sa kanila kapag may something kami ni Clarence. Which is, slightly totoo naman. Kabilang barangay lang naman sila, pero may kalayuan pa din sa amin. Busy din naman kami sa studies kaya wala masyadong time para maki sleepover ako dito. Hindi na kami katulad nung highschool na medyo chill pa. Kapag college talaga dapat naka focus ka na sa pag aaral.


"Okay naman kami ni Clarence eh.  Bakit, may naikwento po ba siya? May itinatago po ba na hinanakit at sama ng loob sa akin yun?" biro ko. May naamoy ako bigla na parang nasusunog kaya napatakbo kami ni Kuya Manuel sa kusina. May piniprito pala siya. "Baon mo 'to, Kuya? Ako na mag luluto. Baka ma-late ka pa." Tiningnan ko yung rice cooker nila, walang laman. Nag saing na din ako para pag uwi ni Clarence may kakainin siya. Masama pa naman ginugutom yun.


"Thank you, Chase. Pwede ka na mag asawa niyan. May girlfriend ka na ba ulit?" Napangiwi ako sa tanong niya. Napalo ko siya sa pwet nung kabilang parte ng sandok na hawak ko. "Hahaha. Bakit? Tatanong lang eh. Di ka pa din naka move on?" Sinamaan ko ng tingin si Kuya. Ayos mga tanungan eh. Kabiruan ko din naman 'to kaya hindi naman siya naiinis. Aware din siya na hindi ako straight.


"Naka move on nako. Kuya talaga eh." Chismosa kasi ni Clarence. Kinuwento pa sa kapatid niya yung lovelife kuno ko nung highschool. After ko magluto, kinuha ko na yung baunan ni Kuya at nilagay na yung pritong porkchop na may breading. Waiting nalang maluto yung kanin. Hinugasan ko na din yung tumbler niya at sinalinan ng tubig. Bumalik ako ng sala after. "Kuya hilaw pa yung kanin. Paalis ka na ba?" Nag sisintas na siya ng white shoes niya.


QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon