CHAPTER 11 - Won The Battle, Lost The War

39.2K 1K 141
                                    


Santillan


First time ko mag cutting classes.
Ang bigat pala sa pakiramdam. Naiisip ko yung mga lessons na mami-miss ko na baka maka apekto sa grades ko eh. Gusto ko na nga tumakbo pabalik at humabol nalang kahit late na ako, kaya lang mas matimbang talaga yung sama ng loob  na nararamdaman ko ngayon.

Okay lang yan. Bawi nalang next meeting.

Okay lang yan, Chase.

Eto na naman yung luha ko, nag babadya na. Hindi ko na ata mapipigil. Ilang months ko na din naman kinimkim to. Sasabog na eh, ano pa bang magagawa ko. Napuno na.

Huwag kang iiyak. Okay lang yan, Chase. Okay lang yan.

Ang hirap din pala na kapag nasasaktan ka, kakausapin mo yung sarili mo at ikaw mismo mag papatahan dito dahil wala ng ibang gagawa nun maliban sa'yo. Sariling sikap. Absent kasi si Klang eh wala tuloy akong kakampi.

Bukod kay Blandina, may iba pang nga estudyante ang masyadong badtrip sa existence ko dito sa school. Hindi ko alam kung anong ginawa ko.  Hindi ko na nga pinapansin yung pang iinsulto, masamang tinginan at tawanan na natatanggap ko mula sa kanila. Sobrang nakakababa ng sarili. Aware naman ako na mag aadjust ako pag tuntong ko ng College pero hindi ko inexpect na makaka encounter ako ng mga taong tatratuhin ka base sa katayuan at kakayahan mong pinansyal.

Ilang months na din. Sumobra na eh. Masyado ng tumatagos sa puso yung mga sinasabi nila. Nakakasakit na.

Pinulot ko na yung tupper ware na baunan ko ng pagkain na pinag pasa-pasahan at ibinato sa trash can ng mga sophomores na sa pagkaka alam ko eh, mga Accountancy Major din.

Kakainis. Nasayang lang yung pagkain na hinanda pa ni Tatay.

Naririnig ko yung mga bulungan ng mga iba pang estudyante at ramdam na ramdam ko yung mga tingin nila sa akin. Nag madali na ako lumabas ng cafeteria. Hindi ako tumitingin sa kanila. Pinilit ko lang yung sarili ko makalayo habang pigil pigil yung emosyon ko. Naiiyak na talaga ako.

Dumiretso nalang ako sa gilid ng gymnasium. Medyo tago kasi dito. Walang mga Prof. ang makakapansin na nakatambay lang ako at wala sa klase.

Isinilid ko na sa bag ko yung baon ko na hindi ko na napakinabangan.

"Badtrip." usal ko pa.

Napalingon ako bigla ng may marinig na tawanan. Tatlong lalaki. Hindi ko sila namumukhaan. Pakiramdam ko hindi sila gagawa ng mabuti kaya tumayo na ako at paalis na sana.

 "Oh, wait. Kararating lang namin aalis ka na kaagad. C'mon, stay."

Nakakaloko yung ngitian nilang tatlo. Parang may balak gawin eh. Natakot na ako. Lalo na yung parang leader nila.

Shit! Bakit ba dito ko pa napili mag labas ng sama ng loob. Walang mga dumadaan. Hindi ako makaka hingi ng saklolo.

“Ah, may klase pa kasi ako.” Nag umpisa na ulit akong lumakad pero hindi man lang ako nakalayo ng bigla akong hatakin nung isa sa mga goons.

“Ano ba, bitawan mo nga ako!"

Pinilit kong bawiin yung braso ko pero hindi ko magawa dahil sa higpit ng pagkaka hawak sa akin.

Nag tawanan na naman yung tatlo.

"Sabi ng dito ka lang eh, mag laro muna tayo."

Maglaro? Ang tatanda na ah. Ano bang gusto nila, patintero? tumbang preso? luksong baka? Di ako magaling dun.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon