CHAPTER 2 - The Clash Pt. 1

50.6K 1.1K 205
                                    


Santillan




"Chase, let's go. Lunch na tayo." Napalingon ako bigla kay Klang. Parang kakaupo pa lang namin, kakain na agad? Wala pa ata kaming five minutes dito sa library.


"Hindi pa nga nag iinit itong inupuan ko. Alas diyes palang eh. Hindi ka ba nag breakfast?" Wala kaming pasok sa last period namin bago mag lunch. Kaya ang haba ng vacant time namin ni Klang. Pang ala-una pa yung susunod namin subject. Ang sarap tuloy umuwi. Naisip ko na dito nalang magpalipas ng oras sa library para at least, hindi sayang ang oras. 

"I overslept. Wala na akong time kanina. " Balak ko pa naman sana gawin na ngayon yung homework namin sa Bio Sci. Para wala na akong iintindihin pag uwi ko galing work. Diretso tulog na, ganun. Hindi ko naman matitiis itong si Klang. 

"Sige na nga. Hihiram lang ako ng books. Wait lang." Buti nalang lagi kong dala yung library card ko. Manghihiram na ako ng books ngayon para hindi na kami dadaan dito mamaya. May kalayuan din kasi ang Main Building kung nasaan ang library, sa building naming mga BSA. Meron din naman mini library sa bulding namin kaya lang puro math-related ang mga books. 

Dumiretso na ako sa librarian namin na wala ka pang sinasabi galit na agad. Lagi nalang naka simangot. Ang dami niyang instructions sa mga hiniram na libro. Maingat naman ako gumamit kaya wala siyang dapat ipag alala. "Yes, maam. Iingatan ko po ang mga libro." Parang inirapan pa ako ni Ma'am pero hindi ko nalang pinansin. 

Bumaba na kami sa first floor at dumiretso sa cafeteria. Parang food court sa isang kilalang mall ang lawak nito. Madaming choices kung anong gusto mong kainin. May mga kiosk din ng ilang sikat na fast food. Yun nga lang, may kamahalan ang paninda nila dito. Siguro mataas ang renta nila sa school kaya bumabawi nalang sa presyo. Hindi budget-friendly ang mga paninda kaya naisipan ko nalang mag baon or sa labas ng school bumili. 

Kakaunti palang ang mga estudyante kaya malaya kaming nakapili ng pwesto. "Anong gusto mo, Chase? I'll treat you." 


Umiling ako. Ayan na naman siya. Galante talaga si Klang. Lagi niya ako tinatry ilibre. Hindi naman ako pumapayag. "Huwag na. May baon ako eh. Bili ka na ng food mo.

Inilabas ko yung baunan ko na prinipare ni Tatay kaninang umaga. Tiningnan ko yung laman. Ginataang langka at pritong isda. "Nice. Mukhang masarap food mo. Pa-share ha."

Napangiti ako. Isa sa mga nagustuhan ko kay Klang yung hindi siya maarte. Lagi siyang ready i-try yung mga bagay na hindi niya nakasanayan. Hindi ka din mahihiya sa kaniya kasi hindi niya ipaparamdam sayo na iba ka. "Ang dami naman niyan."


Sinalubong ko na si Klang ng makita kong ang dami niyang inorder. Puno yung tray na hawak niya.


"Kaya mo ba ubusin yan?" Nagulat ako. Sa malapitan pang dalawa hanggang tatlong tao ang mga binili niya.


"Ano ka ba, binili ko ito para sa atin. Share tayo dito. Tara, let's eat."



Hindi na ako umaangal. Nag hati na lang din kami sa baon ko. Nakakatuwa nga kasi mas naubos niya pa yung ulam ko kesa ung binili niya. "Ang sarap talaga ng luto ng Daddy mo, Chase."



Syempre. Chef kasi si Tatay dati sa isang cruise ship. Kung hindi nga na detect na may problema siya sa puso, baka hanggang ngayon nag tatrabaho pa daw siya doon. Kaya lang since health-related nga, hindi na-renew ang kontrata niya sa barko. "Maglagay kaya siya ng store niya dito. Tapos itinda niya yung mga niluluto niya. Sigurado madaming tatangkilik."

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon