CHAPTER 37 - Terrible Liar

37.9K 1K 177
                                    


Santillan

 

Uwian na. Yes!  Natapos na din sa wakas ang pinaka ayaw kong subject. Halos gumapang na ako masurvive lang yung game na isang oras din ata ata o mahigit ang inabot.

Well, as expected, wala na naman akong naitulong sa team namin. Sa limang pagkakataon kasi na ibinigay sa akin na mahawakan yung bola, wala man lang ni isa dun ang nai-shoot ko. Isa nga lang yung tira ko na tumama sa ring. The rest, sa hangin na lahat. Ibinangko nalang sana nila ako dahil useless lang ako paglaruin. Nagkakalat lang ako sa court.

Buti nalang very understanding si Prof. Pasco. Okay lang daw yun. Ang mahalaga daw, natutunan namin ang essence ng team sports. Inakbayan niya pa nga ako pagkatapos nung game. Kunyari pa siya. Tinatawanan niya naman ako.


...





Sabi ni Steph, nag PMS daw si Andrea kaya mainit ang ulo.

PMS. According kay Wikipedia, koleksiyon daw yan ng mga sintomas, kadalasan emosyonal, na nararanasan nating mga kababaihan kapag bwibwisita na yung buwanang dalaw natin. Eto daw yung mga panahon na nag-iibang anyo tayo. Bigla-bigla na nagagalit. Mainitin ang ulo. Iritable. Matakaw. Iyakin. Premenstrual Syndrome.  Pwede din Potential Murder Suspect. 

Dumiretso na ako sa parking lot at nagmadali na. Baka matarayan na naman ako ni Andrea. May eksena ako na inabutan. Si Andrea at Greg. Nag-uusap. Ang lapit sa isa’t-isa.  Anong meron?

 

Hahayaan ko na nga lang dapat sila pero nung napansin ko yung mga kamay ni Andrea na nakahawak sa kuwelyo ng asul na damit ni Greg, naguluhan ako. Bakit may pa ganun pa?



“Andy?”


Sa pag-tawag ko, natigil ang kung ano man na sinasabi niya kay Greg. Dumistansiya siya kaagad dito at humarap sa akin. Si Greg naman na kanina eh hindi maipinta yung mukha, nakangiti na ngayon. Pero, parang napipilitan lang. Hindi abot sa mata. Ano bang pinag-usapan nitong dalawang 'to?


“Hi. I’m just talking with your friend here. Hintayin nalang kita sa kotse ko, ha." sabi niya pa sabay walang habas na dumiretso sa kotse niya at iniwan kami. Suspicious! Parang kriminal na nag flee sa scene of the crime. 


Ilang minuto pa kami nag-usap ni Greg. Niyayaya niya kasi ako manuod ng first practice game niya sa basketball team. Syempre, hindi naman pwede kasi nga tuturuan ko pa si Andrea. Sabi ko next time nalang ako babawi. Tapos ayun, naungkat na naman yung sa P.E kanina. Best in Effort daw ako.


“Don’t worry, Chase. Konting practice lang kaya mo na din mag slam dunk. Panis sila sa’yo.” Biro niya pa sa akin.


“Asa pa ako. Simpleng tira nga, hindi ko maipasok. Oh siya, sige na, Greg. Alis na ako. Nag hihintay na si Andrea. Good luck nalang sa practice niyo. Next time manunuod ako. Promise.” 


“Promise ha. Uh----Chase?” 




“Oh, bakit?” tanong ko. Nakatingin siya ngayon sa direksiyon ng kotse ni Andrea tapos parang may gusto siyang sabihin na kung ano. Hindi ko tuloy mapigilan lumingon din sa tinitingnan niya. Wala naman akong makita bukod dun sa kotse. Tinted kasi yung salamin eh. Humarap nalang ulit ako kay Greg. “Hoy, ano na?”



“Ah, wala. Sige ha. Ingat ka. Bye.” 



Tss. Matapos ang pahabol na pag kaway pa sa akin ni Greg, pumunta na ako sa kotse ni Andrea. Busy siya sa cellphone. Hindi ko na inistorbo. Umupo na ako at nasa kalagitnaan na nga ng pag susuot ng seatbelt ng magsalita siya.



QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon