CHAPTER 18 - I'm So Sick

35.9K 897 142
                                    




Lorenzo


 

“What's with you? Kanina ka pa wala sa mood ah. Pms, maybe?” Si Stephanie. Si Stephanie na pinapakopya ko na nga ng homework sa Environmental Science ang dami pang sinasabi.


Lintik na’to! Walang utang na loob!

 

“Kaya nga. Like, baka magka wrinkle ka na diyan. What’s bothering you ba? Are you constipated or something?” dagdag pa ni Bethany na as expected, nakikikopya din. At constipated talaga ha?

“Tatahimik kayo o ipapasa ko na itong assignment ko?!” mataray kong banta sa kanila. Pati ba naman kasi yung itsura ko ngayon eh pinapakialaman. Hindi nalang mangopya nang maipasa ko na ang gawa ko.

“Well, sorry for being concerned. Anyway, I got a text from James. He said you’re avoiding him. What’s up with that?” usisa pa ni Steph.

She got a text from him? Seriously? So may ganyan ganap na pala sa kanila, ha? Kailan pa? Not that I’m interested though. Wala akong pakialam sa mga nararamdaman nila. They can go date each other for all I care.

Tumayo na ako.


“Oh, where are you going?"


“Saan ka pupunta Rhei? It’s almost time na kaya for our last subject.” halos sabay na tanong pa nung dalawa.

“I’m going home. Tell Hernandez, I’m not feeling well. Ipasa niyo din yang assignment ko.” Ayun lang at tuluyan na akong lumabas ng classroom.

Pero, imbis na sa parking lot ako pumunta, dumiretso ako sa Building ng mga Accountancy. Hinanap ko pa yung classroom ng last subject niya. I looked all over for her but she wasn’t there. I saw a late-comer and decided to ask for Santillan.

“Hey. Do you know why Santillan isn’t around right now?”

“Ah, si Chase ba? Absent siya eh. Nung Wednesday pa.” sagot naman nitong lalaki na nasa harapan ko. Maka Chase naman tong panget na’to. Feeling close masyado.

 

“Obviously, she’s absent. Wala siya dito eh. I was asking if you know why.” naiirita kong sagot naman sa kanya. Ang pangit na nga hindi pa marunong gumamit ng utak.

“Ah. Hindi ko alam eh. Sige ha. Late na ako eh.” sabi niya naman na pangiti-ngiti pa bago tumalikod. Kung makangiti akala mo naman may naitulong siya. What a walking waste of oxygen.

I sighed. Ramdam kong triple ang pagiging bitchy ko ngayon. Yung bwisit kasi na Chase na yun, hindi nag-papakita. Hindi niya ako na-tutor nung Wednesday at mukhang hindi na naman ngayon dahil wala na naman siya. Hindi man lang mag text. I-informed man lang ako para hindi ako mukhang tangang nag-hihintay sa kanya. At umaasa. Yeah, whatever! Kinuha-kuha pa yung number ko hindi naman magawa paramdam! Nakakainis!

 



 

“Uy, nag-improve ang luto niya. Hindi na lasang sunog ito oh.” puri ni Yaya sa niluto kong pancake. Pancake lang? Oh di ikaw na magaling. Eh sa yan palang kaya kong lutuin eh.

 

“Talaga, Ya? Ano bang lasa?” nakangiti kong tanong sa kanya. Natutuwa naman ako at may improvement na ang pag try ko sa pagluluto. Sulit naman ang pag babasa ko ng cooking books at mga recipes and instructions sa net.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon