CHAPTER 28 - Curiosities

38.3K 931 107
                                    




Lorenzo

 

 

 

“Uh, girls? Why are we here again?”  tanong ni Stephanie na, as usual, busy na naman sa phone niya. Sorry guys, that’s her sole purpose kaya siya ipinanganak. I’m sure proud na proud ang parents niya ngayon.




Nasa bleachers kami sa gymnasium ng University. Why? Wala, gusto lang namin. I mean, gusto ko lang. Pinilit ko lang yung dalawa. We’re done with our last subject for today and I just wanted a breath of fresh air.



Nakakaubos ng pasensiya naman kasi yung mga Prof namin kanina. Start na ng Christmas vacation bukas, may mga assignments pa at last minute projects. Ano yun, literal na season of giving ? Subukan lang talaga nila mag schedule ng major exams right after ng bakasyon at makakatikim na talaga sila sa akin eh! Bunch of killjoys. Patay na agad ang holiday spirit ng mga students sa dami ng pamasko nila.




“Kasi nga Rhei is in a sour mood na naman and the best way to cure that is?” Si Bethany na parang sira habang nag hihintay ng sagot namin ni Stephanie. Kung maka sour mood naman to.




“What? What’s the cure?” tanong pa ni Steph. Pinatulan pa eh.





“Yeah, sige nga since you seemed to know me so well. Anong gamot?” hirit ko na din na sinuklian naman ni Bethany ng ‘duh’ expression. Sarap lang sampalin.




“Omg, you two! Ang clueless. Ano pa ba? BOYS! Kaya nga we are here diba.” sagot niya naman at ang lapad pa ng ngiti. Oh, I see. She told me nga pala na she has a crush on someone from the Men’s Basketball team. I’m just not sure who exactly. Kaya naman pala hindi na siya nag papilit kanina nung sinabi ko na pupunta kami ng gym.





"Eww!"






“Gross!”






Halos sabay pa namin sagot ni Stephanie. Napatingin tuloy kami sa isa’t isa. Kung maka gross naman. Ang OA ha.

 


“Shut up, Bethany. That’s not the reason why we’re here and FYI, walang schedule ng game ngayon yung crush mo. Not even practice.” sagot ko nalang sabay irap sa kanya. Ano naman pakialam ko sa mga amoy pawis at hindi naman mga gwapo na lalaki ng basket ball team namin? Ugh!




Tangkad lang naman ang meron sa kanila, I’m sure. Okay fine, sabihin niyo naman masyado akong general kung magsalita. Hindi ko naman nilalahat at wala talaga silang schedule ngayon. May ibang gagamit ng gym for their Physical Education class.




“What?! So, why are we here pa? Let's go home nalang.” sagot niya naman na halatang disappeared. Hindi ko na nga siya pinansin. Sakto naman at pumasok na ng gymnasium yung mga first year na may PE class ngayon. Hinanap ko na kaagad yung maliit na dahilan ko kung bakit nga ba ako napadpad dito.




Hindi ko siya agad nakita dahil natatakpan siya ng mga classmates niya na di hamak na matangkad sa kaniya.



She’s wearing her PE shirt na natatakpan ng black sleeveless jersey na may number 15 sa gitna. Tapos jogging pants na naka fold hanggang tuhod, revealing her lean legs. Itinali niya din yung hair niya na hanggang balikat lang pero, yung bangs naman ay tumatakip ng bahagya sa kanang mata niya. Above all, nakasimangot siya ngayon. Hindi ko tuloy mapigilan mapangiti. Kung titingnan mo naman kasi talaga, hindi siya mukhang college student eh. Parang naligaw na high school lang kasi ang baby-faced niya.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon