CHAPTER 12 - Best Friends? More Like Sisters

39.5K 850 90
                                    

Santillan


 "Uy guys, una na ako sa inyo ha. Thank you sa abala at hinatid niyo pa ako." paalam ko kay Klang at Greg na sinamahan pa ako sa labas ng gate ng school namin. Uwian na kasi. Diretso na ako sa fast food na pinapasukan ko. Sana wala masyadong customer. Char!

"Ihatid na kasi kita Chase. Malapit lang naman. Para hindi muna kailangan mag lakad." pangungulit na naman sa akin ni Gregory. Last Tuesday pa yan nag-ooffer na ihatid ako ng bahay or sa work ko. Last Tuesday ko pa rin siya tinatanggihan. Okay naman na 'tong paa ko eh. Hindi na siya gaano namamaga. Pagkauwi ko kasi ng bahay after nung gig, nilagyan ko agad ng yelo tapos pinahinga ko muna. Hindi nga ako nakapasok kinabukasan.

"Huwag na, Greg. Kaya ko naman."

Lumungkot na naman yung mukha niya sa pagtanggi ko. Hindi naman sa pag iinarte, may practice pa kasi siya ng basketball. Lalabas pa siya para lang ihatid ako tapos babalik ulit ng school. Aksayado lang sa gas ng sasakyan niya. Baka ma-late pa siya dahil sa akin. Kay Klang sana ako sasabay kaya lang nung nalaman ko na may pupuntahan pala siyang business-related dinner kasama ang Papa niya, tumanggi na din ako mag pahatid.

"Pina x-ray mo na ba yan sa clinic natin? Huwag ka na kaya muna pumasok sa work mo? Take some rest, Chase." sabi pa ni Klang na tinitingnan pa din yung gilid ng labi ko na mapula pa din kahit tinakpan ko na ng ilang layer ng baby powder.

"Oo. Wala naman bali. Sprained nga daw sabi ni Doc."


"Buti hindi tumama yang head mo nung nadulas ka. Mag ingat ka kasi. Gusto mo pala mag dive, sa floor pa ng toilet." sabi pa ni Klang at umiling-iling pa na parang nakakaloko.

Buti nalang naniwala sila nung sinabi ko na nadulas ako sa banyo kaya putok yung labi ko at hirap ako mag lakad. Convincing pala yung drama ko. Samantalang puro palusot ang ginawa ko kay Tatay na alalang-alala nung umuwi ako at nakita yung nangyari sa akin. Paano naman daw kasi, ang ipinaalam ko sa kanya sa isang restobar para tumugtog ang punta ko at hindi sa isang swimming. Medyo skeptics pa nga ang peg ni Tatay sa umpisa pero ginalingan ko ang pag gawa  ng kwento kaya ayun at naniwala din siya. 

Pero yung bestfriend ko, si Clarence, hindi talaga natinag sa mga hinibla kong kwento. Kahit anong pilit niya, hindi ko talaga sinabi ang totoo. Nag tampo tuloy siya sa akin. Ayoko na kasi lalo pang gumulo. Pag nalaman pa ni Klang malamang kausapin pa nun si Blandina. Madadamay pa siya sa kamalditahan nun. Mag aalala lang din si Tatay kung sasabihin ko ang totoo at si Clarence, baka sumugod pa yan sa school namin. Gusto ko nalang kalimutan yung nangyari.








...




"Tay, alis po muna ako. Bibisitahin ko lang po si Clarence." paalam ko kay Tatay. Kagagaling ko lang ng part-time job. Quarter to nine pa lang. Nakapag-out ako ng maaga kasi hindi late yung susunod na cashier sa akin. Sakto nga kasi makikitulog ako sa bahay nila Clarence ngayon. Weekend naman at walang klase sa NSTP namin bukas.

"O, sige. Mag-ingat ka ha. Ano oras ang uwi mo bukas?"


"Hindi ko pa po sure, Tay. Makiki-text nalang po ako kay Clarence kapag pauwi na ako."

"O siya sige. Sana maging maayos na ulit kayo ni Clarence ha." Nagulat ako. Paano nalaman ni Tatay na may something sa amin ng bestfriend ko?  

"Tatay, paano niyo po nalaman?"


"Sanay na ako sa inyong dalawa. Lagi naman kayong ganyan kapag nagka katampuhan. Kung hindi ikaw, siya ang dadayo at makiki tulog. Basta ayusin niyo yang dalawa ha."

 Umupo na si Tatay sa tabi ng kapatid ko na kanina ko pa pinag sasabihan na tigilan na muna ang pag babasa ng libro dahil gabi na. Baka matulad siya sa akin na malabo na ang mga mata. Inabuso ko kasi.

QBMNG (Book 1) 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗 🏳️‍🌈Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon